Chapter 4

84 9 2
                                    

Sa paglipas nang bawat araw, pakiramdam ko lalo akong lumalayo kay Mar. Natatakot ako na baka hindi na ako makabalik sa kaniya bilang isang kaibigan.

Masakit sa akin ang iwasan siya pero ito lang ang alam kong paraan para makalimutan ang nararamdam ko dahil alam kong bumalik man ako sa kaniya, hindi kami babalik sa dati hanggat may nararamdaman ako sa kaniya.

Lumingon ako sa kaniya habang nagkaklase ang guro sa unahan. Masayang nakangiti si Mar habang nakikipagkwentuhan sa mga katabi niyang lalaki. Napakasaya niya. Pakiramdam ko hindi ko na kailangang bumalik pa sa kaniya dahil kaya niyang maging masaya ng wala ako.

Yumuko ako para maitago ang nanunubig kong mga mata. Ang hirap kapag nasasaktan, halos wala akong maintindihan sa bawat lesson dahil okupado ni Mar ang buo kong sistema.

Habang nakayuko ako, may kamay na naglapag ng isang pirasong papel sa arm chair. Nagtaka ako kaya nag-angat ako nang tingin pero agad nawala ang taong iyon. Dahan-dahan kong kinuha ang papel at binuklat iyon.

"Please give me a smile." May naka-drawing pa roon na isang nakangiting mukha

Lumingon ako sa paligid at wala akong nakitang kahina-hinala. Bumaling ako kay Mar at nakita ko siyang masaya pa rin na nakikipagkwentuhan. Naging malaking tanong tuloy sa akin kung kanino galing ang sulat na iyon.

Itinago ko na lang sa notebook ang sulat na natanggap ko. Wala rin naman akong ibang maisip na gagawa niyon. Unang inisip ko si Mar, pero base sa nakita ko mukhang hindi naman niya iyon gagawin dahil masaya siya sa company ng mga kaibigan niya.

Nang matapos ang klase, mag-isa akong pumunta sa cafeteria na kahit matagal ko na iyong ginagawa, hindi pa rin ako nasasanay. May kulang. Nangungulila ako kay Mar. Nananabik ako sa pagpapahalaga niya sa akin. Sa pagturing niya sa akin bilang babae.

Tahimik akong umupo sa parteng gilid ng cafeteria kung saan palagi kaming umuupo ni Mar. Dala ko na rin ang pagkain na palagi kong in-order.

"Hi, Jan can I join?"

Napaangat ako nang tingin sa lalaking nagsalita at nakita ko roon ang isang pamilyar na mukha. Alam kong kaklase ko siya pero never ko pang nalaman ang pangalan niya. Saglit akong nag-isip. "Sure why not," kaswal kong sabi.

"Thanks," pakli niya at tila excited na umupo sa tabi ko.

Hindi ako umimik dahil may kakaiba akong nararamdaman sa lalaking ito. Hindi ako comfortable. Naiilang ako sa presensiya niya.

Nagsimula na akong kumain.

"By the way, kumusta?" pagbasag niya sa katahimikan.

"I'm good, ikaw?"

"Copy paste," natawa niyang sabi. "Pero bakit parang hindi ka okay? Palagi kitang nakikita sa plaza and you look so sad. Malimit din kitang makitang mag-isa."

"Ano nga pala ang pangalan mo?" pagbabago ko sa usapan. Hindi ko gusto ang takbo ng usapan.

Gumuhit ang kunyaring lungkot sa mata niya. "Aw! We're classmates but you don't know my name? Hindi mo pala alam na nag-e-exist ako. Ouch!" napahawak pa siya sa dibdib.

"Transferee ka, 'di ba?" tanong ko.

Tumango siya at natawa. "Hindi nakakapagtaka na hindi mo ako kilala dahil sa nakikita ko palaging na kay Mar ang atensyon mo," konklusyon niya. "Kung ganoon, I'll introduce myself. I'm Ken, 17 years old, single and ready to be taken," pakilala niya at natawa pa.

Tumango-tango ako. Nakakapagtaka na single siya sa kabila ng gwapo niyang mukha na kung wala akong mahal, baka magkaroon ako ng paghanga sa kaniya. "Ngayon, kilala na kita," sabi ko.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now