Chapter 13

35 6 0
                                    

Napigtad ako nang bigla may yumakap sa akin mula sa aking likod habang nakatingkayad ako at pilit inaabot ang libro na nasa taas.

Napaayos ako ng tayo at alertong lumingon sa paligid. Kahit na nasa tago kaming bahagi ng library, hindi pa rin kami sigurado na walang makakakita sa amin at kung magkataon man, ano na lang iisipin ng makakakita sa amin.

"Mar, ano bang ginagawa mo?" mahina kong sabi habang pilit inaalis ang kamay niya.

"Uhm! Let me hug you like this, Jan," mahina niyang balik.

"Pero Mar, baka may makakita sa atin," kinakabahan kong aniya.

"Then? Anong pakialam nila?"

"Mar, ano ba? Hindi ka ba natatakot pag-pyestahan ng mga estudyante dahil sa akin? We need to keep our relationship just for us, para na rin sa katahimikan ng relasyon natin."

Tila biglang nawala ang higpit ng yakap ni Mar at bumuntong-hininga. Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Ganito ba dapat lagi, Jan? We always think what other people say, hindi tayo pwedeng maglambingan sa may nakakakita sa atin, hindi kita mayakap o mahalikan ng basta-basta. Ang hirap naman, Jan," reklamo niya, saka pumamaywang. Bahagya pa niyang tinagilid ang mukha.

Bumuntong-hininga ako. "Mar, I know mahirap dahil ako mismo nahihirapan sa sitwasyon nating dalawa pero right now its better to act like we're not into relationship para walang gulo. Para tahimik tayo," paliwanag ko.

"Are you afraid that everyone will know that we are in a relationship?" diretsong tanong niya.

Suminghap ako. "Pati ba naman ito pagtatalunan natin, Mar?"

Saglit na pumikit si Mar. "Because I love you, Jan at gusto ko palagi ko 'yong pinaparamdam sa 'yo ng hindi ko kailangang isipin ang ibang tao," inis na na balik niya.

Nasapo ko ang noo ko. Kapagkuwa'y lumipad ang kamay ko patungo sa pisngi niya. Marahan ko 'yong hinaplos at ngumiti sa kaniya. "Hindi mo pa pinaparamdam, nararamdaman ko na kung gaano mo ako kamahal, Mar. I'm so sorry." Yumuko ako. "Marahil hindi pa ako handang ipaalam sa lahat ang mayroon tayo, dahil natatakot ako na baka husgahan nila tayo, lalo na ikaw, Mar. Natatakot din ako na manghimasok sila sa ating dalawa at masira tayo," mapait kong pahayag. "Please, understand me, Mar."

Nagpakawala ng malalim na hininga si Mar. Hindi agad siya nakaimik. Hinawakan niya ang palad ko na nasa pisngi niya. "I'm sorry, Jan naging immature ako," paghingi niya ng paumanhin.

Pumikit ako at umiling. "I do understand you, Mar. Alam ko kung anong nararamdaman mo at napapagod ka ng magtago na lang palagi."

Umiling siya. "Hindi, Jan hindi ako napapagod." Hinaplos niya ang likod ng palad ko. "I won't tired," dagdag pa niya.

Tumulo ang luha sa mga mata ko na agad niyang pinahid. Puno ng ligayang napangiti ako at mabilis siyang niyakap ng mahigpit.

Napakaswerte ko naman sa lalaking 'to, bukod sa mahal ko at mahal ako, kaibigan ko pa.

Dadagdagan ko ang mga sinabi ko noon; tama, mahirap magmahal ng kaibigan lalo't alam mong kahit kailan hindi hihigit sa kaibigan ang turing niya sa 'yo, pero masarap magmahal ng kaibigan kung hindi ka kaibigan lang sa kaniya.

Katatapos lang ng klase namin para sa hapong iyon kaya lahat ng Senior High School students, excited ng pumunta sa court para mag-practice. Ilang araw na lang kasi at gaganapin na ang Ball na pinakahihintay ng marami.

Matapos kong magpalit ng PE uniform, lumabas na ako ng locker room para dumeretso na sa basketball court. Nauna na sa akin si Mar habang si Malia naman susunod na lang daw dahil hindi naman daw siya kasali roon.

Napakunot ang noo ko at napahinto ng mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na bulto sa kanang hallway. Napahinto ako at sinuri ang dalawang nag-uusap at ganoon na lang ang pagtataka ko ng makita si Ken habang seryosong kausap si Jame.

Huh? Close ba sila?

Hindi mahagip ng utak ko kung bakit sila nag-uusap? Ni minsan kasi hindi naman ni Ken nabanggit na close sila nitong si Jame. O baka naman...tama! Baka nga si Jame 'yong babaeng tinutukoy ni Ken na nakaagaw ng atensyon niya.

Napangiti ako at biglang kinilig sa napagtanto ko. Saglit ko pa silang pinagmasdan bago ako dahan-dahang naglakad palayo. Hindi ko maiwasang 'di mapangiti hanggang makarating ako sa court. Baka kasi nagkaroon na ng lakas ng loob si Ken na aminin ang nararamdaman niya. Pero sa kabilang banda, kinukwestiyon niya kung bakit kay Jame pa.

Nang makapasok ako sa bukana ng court, agad kong nakita si Mar. Ngumiti agad siya at sinalubong ako. "Here." Inilahad niya ang kamay na may hawak na mineral water. "You'll get be weary," aniya pa.

"Thanks," prenteng balik ko at tinanggap 'yon. "Paano ikaw?"

"I brought two bottles, one for you and one for me," nakangiting paliwanag niya.

"Did you bring your towel?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa bakanteng bench.

Gumuhit ang bahagyang gulat sa mukha niya tanda na hindi niya nadala ang towel.

Suminghap siya. "You're not a kid anymore, Jan para palaging ipaalala na magdala ng towel," sermon ko.

Natawa siya. "Dinaig mo pa si Mommy magsermon, ah," pang-aalaska niya sa akin.

"Ewan sa 'yo, Mar palagi mo kasing ginagawa biro kaya ayan nakakalimutan mo 'yong dapat 'di mo makalimutan," patuloy ko.

Umupo kami sa bench. Kakaunti pa lang ang tao roon at ang ibang mga estudyante ay naglalaro pa ng basketball.

"Ayos lang na makalimutan ko ang ibang bagay, Jan..." Inilapit niya ang ulo sa aking tainga. "Huwag lang ikaw."

Nang lumingon ako sa kaniya, prente siyang nakaupo habang nakatingin sa mga naglalarong estudyante. Yumuko ako at umiwas nang tingin para 'di niya makita ang pagngiti ko at ang pagpula ng pisngi ko dahil sa kilig na binigay ng katagang binitawan niya.

Ilang minuto pa ang nakalipas at halos nandoon na ang lahat maliban kay Ken na kanina ko pang hinihintay. Nasaan na kaya iyon? Lumingon ako sa paligid at nakita kong nandoon na si Jame.

Nasaan na kaya iyon? Wala ba siyang balak mag-practice? Hindi man lang nag-text o tumawag sa akin. Napapansin kong nitong mga nakaraang araw, may biglang nagbago kay Ken. May nagbago sa kaniya na bigla kong pinagtaka. Simula kanina, hindi ko pa siya nakakausap na tila may distansiya sa aming dalawa.

Lumaylay ang balikat ko ng i-announce na magsisimula na ang practice. Nalungkot ako na hindi ko pa rin nakita ko si Ken.

"Guys, let's have fun tonight, what do you think?"

Nagkatinginan kami ni Mar dahil sa sinabi ni Malia. Katatapos lang ng practice namin at hinintay kami ni Malia para isabay ako sa pag-uwi.

Humarang si Malia sa daan naming dalawa. "We aren't in elementary days, we're already high school, so guys come with me tonight my treat," aniya pa.

"I'm ok," pagpayag ni Mar.

"Anong ok?" baling ko sa kaniya. "Hindi pwede, Mar we have a class tomorrow, mapupuyat ka," pagtutol ko.

"Jan, ngayon lang 'to, hindi naman madalas, eh," complain niya.

"Kahit na, paano kung malasing ka?" patuloy ko.

"Hindi ako malalasing, Jan I can control myself," balik niya.

"Ehem!"

Kapwa kami napalingon ni Mar sa tumikhim na si Malia. Natatawa siya at kunyaring sumusipol pa. "Lovebirds, huh?" mahina pa niyang aniya. "Nakalimutan niyo atang nandito ako."

Bigla akong nahiya. Napayuko ako at hindi makatingin sa nagdududang si Malia. Pangiti-ngiti ito na alam kong may ibig sabihin.

"Ok fine, let's hang out tonight," pagpayag ko na lang para na rin maputol ang nakakahiyang pangyayari at ang kakaibang paligid dahil kay Malia.

"Good. So tonight huh? I'll text you guys kung saan tayo," masayang sabi ni Malia.

Lumingon ako kay Mar at binantaan siya sa pamamagitan ng tingin. Ngumiti lang siya at kumibit balikat.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now