Chapter 3

84 12 0
                                    

"Bakit mukhang bad mood ka? Tingnan mo, oh, parang papel na ginusot 'yang mukha mo," salubong sa akin ni Mar nang makarating ako sa classroom.

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa upuan ko kung saan katabi ko siya. Hindi ba niya alam na buong magdamag akong umiyak? Na hanggang ngayon labis pa rin akong nasasaktan.

"Hoy! Are you okay?" tanong uli niya.

Umupo ako sa bangko at humarap sa unahan kung saan may mga kaklase akong nagkakantahan doon.

Umupo si Mar sa tabi ko at kinulbit ako. "Ano ba, Mar?" iritado kong tanong sa medyo mataas na tono. "Ang kulit mo," sabi ko pa

Tila naman nagulat siya sa naging asal ko. "Hey, hey! Calm down, masyado kang high blood, papangit ka niyan," sabi niya na bahagya pang napaatras.

Napairap na lang ako at muling bumaling sa mga kaklase ko. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit. Lahat na lang ng kumausap sa akin sinusungitan ko kahit na ang guard sa gate.

"Siya nga pala, sabi mo susunod ka sa amin, pero hindi ka na sumunod. Hinanap kaya kita sa mall," seryoso niyang sabi.

Kahit nakatutok ang mga mata ko sa harap, nakapokus pa rin ako kay Mar. Lalo akong nainis nang maalala ang nangyari kahapon. "Kaibigan mo lang ako, Mar at hindi ko karapatang sabihin lahat ng dahilan ko sa 'yo." Napatayo ako at napataas ang boses dahil sa inis. Nadala ako ng emosyon. Nakita ko kung paano nagulat si Mar. Mabilis akong naglakad palabas ng classroom at pumunta sa plaza.

Hindi ko gustong madamay ang pagkakaibigan namin pero paano kung siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan? Kung bakit ako nalulungkot?

Nagkamali ako na umibig sa best friend ko.

Lumipas ang mga araw, tuluyang nagkaroon ng pader sa pagitan namin ni Mar. Nawala ang dating kulitan, ang tawanan, at kwentuhan, napalitan ng walang pansinan. Sa tuwing nakikita ko siya, tinitingnan na lang niya ako at umiiwas din. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako hinabol no'ng umalis ako palayo. Nagtataka ako kung bakit pati siya kailangang dumistansiya na dapat ako lang ang gumagawa.

Pero labis na akong nananabik sa kaniya. Sa bawat galaw ko, siya at ang alaala namin ang naiisip ko. Na lalong nagpapasakit sa damdamin ko. Wala na akong magagawa dahil alam kong sabihin ko man sa kaniya na mahal ko siya, hindi niyon mababago ang katotohanan na kahit kailan hindi niya ako magagawang mahalin ng higit sa kaibigan.

Nawalan ng kulay ang bawat araw sa buhay ko na dati nama'y tila isang rainbow na napakakulay. Nawala ang saya, ang kilig, ang ngiti at napalitan ng lungkot at sakit. Mali nga na minahal ko ang isang kaibigan dahil ang kaibigan ay mananatiling kaibigan lang.

Matapos ang klase tahimik kong inayos ang mga gamit ko sa aking bag. Naubos na ang mga kaklase ko sa classroom at pakiramdam ko ako na lang ang natitira roon. Mabilis kong tinapos ang aking ginagawa at sinakbit ang bag sa aking likuran. Pumihit ako at ganoon na lang ang gulat ko nang makita roon si Mar, naghihintay. Simula kasi nang hindi kami nagpansinan, dumistansiya na siya at naupo sa ibang upuan malayo sa akin.

Saglit ko lang siyang tiningnan at nagsimula nang maglakad palabas pero mabilis niya akong hinarangan.

"Can we talk, Jan?" kalmado niyang tanong.

Tiningnan ko lang siya. "No, I don't want," diretso kong sabi pero ang totoo, gusto ko na siyang kausapin. Pero nakapag-isip na ako, kailangan kong dumistansiya hanggang sa kaya ko na uling bumalik bilang kaibigan niya.

"Jan, ano bang problema? May problema ba tayo?" tanong niya na halatang labis na nagtataka sa mga naging asal ko.

Huminga ako nang malalim. "Padaanin mo na lang ako, Mar." Imbis na sagutin siya ay iyon na lang ang sinabi ko.

"No, I won't," aniya.

"Mar, ano ba?" inis kong bulyaw sa kaniya.

Lumayo si Mar sa akin at tinungo ang pinto ng silid-aralan. Sinarado niya ito at ini-lock. "I won't let you go hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang problema, Mar," pagmamatigas niya.

Lumalaylay ang balikat ko dahil alam kong totoo ang sinabi niya. Napapikit ako nang mariin at bahagyang yumuko.

Tiningnan ko siya ng seryoso. "Hindi ko kailangang magpaliwanag sa 'yo, Mar dahil unang-una, kaibigan mo lang naman ako. Pangalawa wala tayong problema."

Kumunot ang noo niya. "Ano bang nangyayari sa 'yo, Jan? Napaka-unreasonable mo naman. Iyon nga, eh, magkaibigan tayo. Hindi ko ba karapatang question-in kung bakit mo ako iniiwasan? Wala ba akong karapatang tanungin ka kung ano'ng problema? Dahil masyado ng gulo ang isip ko sa kakaisip kung ano'ng nagawa kong mali, kung bakit bigla mo na lang ako iniwasan. May nagawa ba ako?" mahaba niyang litanya na halata ang iritasyon doon.

Natahimik ako dahil alam kong tama siya. Karapatan niyang malaman kung anong problema dahil unang-una, naapektuhan ang pakikipagkaibigan namin, pangalawa, nag-iwan ako sa kaniya ng maraming tanong, at ang huli, tuluyan ko siyang iniwasan.

"Iyon nga, eh, magkaibigan lang tayo, Mar. Magkaibigan lang tayo at ang pagkakamali ko nahulog ako sa isang kaibigan. Isang kagaya mo na dapat kaibigan ko lang, Mar." Sunod-sunod na bumagsak ang luha sa mga mata ko dahil sa katotohanang sumusuntok sa akin. "A-ako, ako ang may mali rito, Mar dahil nawala ako sa linya na dapat doon lang ako. Na dapat kaibigan lang kita at hindi ko minamahal," sabi ko pa at tuluyan nang nabasag ang boses ko.

Puminta ang labis na pagkabigla sa kaniyang mukha dahil sa naging rebelasyon ko sa kaniya. Hindi siya nakaimik at natulala na lang sa akin.

"Huli na bago ko pa na-realize na mahal na pala kita. Sinubukan kong pigilan, Mar dahil una pa lang alam ko na kung saan lang ako sa buhay mo. I've tried but I failed. Hindi ko napanindigan 'yong salitang kaibigan lang." Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko dahil sa walang hanggang sakit.

"J-Jan," tanging nabanggit ni Mar. "H-hindi ko alam."

"Hindi mo kailangang magsalita, Mar dahil I know where I put myself. Alam ko kung saan lang ako dapat lumugar." Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. "Hindi mo kailangang mag-alala, kaya ko naman 'to, eh. Pagkakamali ko 'to at ako ang dapat umayos."

"Isn't mistake, Jan. Wala kang pagkakamali. Who says that loving someone is mistake?"

"Pero mali ang taong minahal ko, Mar dahil hindi dapat kita mahalin dahil isa kang kaibigan at dapat hanggang doon lang iyon."

Saglit na natahimik si Mar. "You're not wrong, Jan," seryoso niyang sabi.

Natahimik ako at natulala sa kaniya. Paano hindi ako nagkamali, eh, labis nga akong nasasaktan ngayon.

"Let me go, Mar," sabi ko na lang. Naglakad ako patungo sa pinto, pinigilan niya ako pero nagpumilit akong lumabas.

Nag-unahang bumagsak ang luha sa mga mata ko nang landasin ko ang hallway ng building. Labis na sakit ang bumabalot sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangang humantong ang lahat sa ganito. Bakit kailangan ko pang ma-in love sa kaibigan ko? Nagkamali ako at hindi naging aware sa posibilidad na iyon.

Our Own Kind Of Story [Completed]Where stories live. Discover now