Phase

45 5 0
                                    

The Present - Chapter 11 - Phase

Napatingin sa pambisig na relo si Ghelo. Eksaktong lunch time na pala. Sinapo niya ang batok at minasa-masahe iyon saka sumandal sa kaniyang swivel chair at pumikit para ipahinga sandali ang mga matang kanina pa babad sa radiation ng computer. Mayamaya ay binuksan niya ang social media account sa kaniyang phone para tingnan kung may update si Philly. Hindi nga siya nagkamali. Nag-share ito ng post. As usual, patungkol kay Ram Gonzales. Poster iyon ng programang Rising Superstar, at kasama ang singer sa mga guest na magpe-perform bilang celebrity partner ng contestant. Naagaw ang pansin ni Ghelo ng pamilyar na mukha na naroon din sa poster katabi ng picture ni Ram.

"Boss Junior, buti naabutan ko kayo. Akala ko bumaba na kayo para mag-lunch."

Mula sa phone screen ay nag-angat ng tingin si Ghelo. Lumapit sa kaniya ang medyo humihingal pang si Malik.

"Dinaan ko lang, sir, 'tong information ng jewelry shop na nag-claim ng ka-match sa description ng locket ninyo." Sabay abot ng kapirasong papel kay Ghelo.

Umahon ang kaba at excitement sa dibdib ni Ghelo habang binabasa ang detalye na nakasulat doon. Finally, sa tinagal-tagal ng paghahanap niya ng paraan para malaman kung sino ang nagligtas noon sa kaniyang buhay, ito na siguro ang pagkakataon na hinihintay niya.

"P'wede ko sila ulit kontakin, sir, kung may mga gusto pa kayong ipatanong."

Umiling si Ghelo at tumingin kay Malik. Napabilib na naman siya ng kanilang trainee. "No need. Thank you, Malik. I want to ask them in person. Good job, by the way. This is really important to me, so I owe you again. Anything you want or need, in return, just tell me and I will try my best."

"Pag-iisipan ko pa, sir." Sabay tawa nito. "Joke lang, Sir Ghelo. Tiwala lang ninyo, sapat na. Kung wala na kayong iuutos, mag-lunch na po ako. Saka, sir, idinaan ko rin pala itong studio pass ng Rising Superstar para kay--I mean sa inyo ni Philly. Saka p'wede pa siyang magsama ng dalawang kaibigan. Celebrity guest kasi si Idol Ram Gonzales, ka-duet ng isa sa contestants--"

"Ni Bela?" pagtutuloy ni Ghelo.

"Sino, sir?" Napakunot-noo si Malik. "Bela? Ang alam ko si Yish ang... ah tama, Yisabela ang real name niya. Kakilala ninyo, Sir Ghelo?"

"Nakita ko lang dito sa poster," sagot ni Ghelo sabay pakita sa update na nasa timeline ni Philly.

"Ah, nag-share pala ni Philly... Pero Yish Concepcion lang naman ang nakalagay, pa'no n'yo nalaman na Bela?"

"Hmm?" Napakurap-kurap si Ghelo at bumilis ang kabog ng dibdib. Paano niya ipapaliwanag sa kausap na hindi naman niya alam na sa Rising Superstar pala nag-audition ang dalaga na tinatawag din niyang Canon Girl. Namukhaan niya lang kasi kanina sa poster at naalala niyang Bela ang pangalang itinawag doon ng babaeng kasama. "Hmm... Narinig ko lang?" alanganing sagot niya. "By the way, manonood ka rin ba sa studio?" pag-iiba na niya.

"Yes, Sir Ghelo..."

"May kasama ka?"

"Actually... wala, kaya kayo sana ni Philly ang imi-meet ko ro'n."

"Malik, bata pa ang kapatid ko. Just reminding. Graduating ka na, siya nag-aaral pa. And besides, alam mo bang paalis siya papuntang abroad?"

Napakamot-ulo si Malik. "Alam ko, Sir Ghelo. Doon muna sila ng mom ninyo sa tito ninyong doctor. Nabanggit niya kasi sa chat. Kaya iyang pass, padespidida ko sana for her."

"Malik."

"Yes, Boss Junior?"

"Ikaw nang mag-abot nitong pass after work, may over time ako. Ipagpaalam mo kay Mom si Philly."

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon