Heartbeat

26 2 2
                                    

The Present - Chapter 17 - Heartbeat

Bitbit ni Bela ang kaba sa kaniyang dibdib nang masapit nila ang tinukoy na restobar. Pagka-park ni Flo ng van ay saka pa lang yata bumalik ang isip niya sa tamang wisyo.

"Wait, Flo. Oo nga pala, closed nang ganitong oras ang Orlando's, 'di ba?"

"Ah, eh... aigoo! Basta ito ang lugar na sinabi ni Maxxie. Basta tara na lang sa loob."

Nagkibit-balikat si Bela. Sumunod na lang sa kaniyang kasama. Muli ay sumagi sa isip niya ang blind item. Hindi naman maikakaila na siya talaga ang tinutukoy roon. Ano kaya ang sasabihin sa kaniya ni Maxxie ukol doon? Pagbukas ng entrance door ng restobar ay naputol ang pagninilay-nilay ni Bela.

"Congratulations, Violin Heiress!" chorus na bati sa kaniya ng mga naroon na sumalubong sa kaniya.

Nasapo ni Bela ang bibig sa pagka-surpresa. Ang RamIsh fans at iba pa niyang supporters ay nakatayo ngayon sa harapan niya kasama ni Maxxie.

"Oh my--" Napalingon siya kay Flo. Wala naman sa mga ngiti nito ang pagkabigla. "Oh, my, Flo. You knew this? Pinakaba mo ako."

Niyakap siya ni Flo. "Itapon mo muna ang worries, ha?" bulong pa nito.

"Hayan! Hindi ka na kasi nabati ng supporters mo after concert," paliwanag ni Maxxie, "dahil sa dami rin ng reporters, kaya heto, sinurpresa ka nila."

"Thank you, guys." Isa-isa niyang nilapitan ang mga ito at niyakap.

Sa fandom, totoong naramdaman ni Bela na nagkaroon siya ng isang malaking barkada na kailan man ay hindi niya naranasan. Sa tanang buhay niya, ni hindi nga siya nagkaroon ng best friend. Siguro dahil na rin sa natatakot siya na mapalapit sa mga tao at pagkatapos ay iiwan lang din siya. Siguro dahil natanim na sa isipan niya na kailangan niyang manatiling sikreto na nakatago -- malayo sa mga posibilidad na mabunyag ang tunay niyang pagkatao. Pero isang araw, nabago ang lahat nang iyon. Nang mawala ang tanging tao na tunay na nakakakilala sa kaniya -- si Lolo Miguel, nagbago ang pananaw niya sa buhay. Oo, nasa tabi niya si Flo, pero totoong napilayan siya nang mawala ang kaniyang lolo. Hindi lahat ng nasasabi niya kay Lolo Miguel ay malaya niyang buksan kay Flo dahil mayroon ding sariling laban ito sa buhay. Ayaw na niyang makadagdag. Iyon ngang inaasikaso siya nito ay pakiramdam niya pabigat na siya. Gusto ni Bela na mas maging matatag. Hindi naman habambuhay na sa kaniya iikot ang buhay ni Flo. May sarili rin itong mga pangarap at pinagsisikapan. Ayaw niyang maging hadlang doon. Kaya kinakailangan niyang maging matatag -- lumabas sa kaniyang comfort zone. Magpakita sa mundo.

Patuloy sa pagbati ng yakap si Bela isa-isa sa mga naroon na fans. Namalayan na lang niya na si Ghelo na pala ang kaharap niya.

"Oh, bakit matamlay ang mga mata mo?" puna nito. Kusa na namang lumabas ang mga biloy, pero mas malalim sa pangkaraniwan dahil nakangiting-ngiti ito. "Siguro nami-miss mo si Ram, 'no?" pahabol pa ni Ghelo. Hiyawan tuloy ang mga nasa paligid nila na nakarinig.

"Sira!" Pabiro niya itong inirapan at tinalikuran. "Again, maraming salamat sa inyong lahat." Bumaling na siya sa nakapalibot na fans. "Sana 'wag kayong magbabago. Sana lagi kayong nakasuporta kahit magkaroon ng mga issue--individually or as a team. Lahat ng expectations ninyo sa love team namin ni Ram, we will try our very best to give you back the happiness and entertainment through all our projects. We're still at the beginning, marami pang puwedeng mangyari, but for now let us make the best out of this celebration. Thank you so so much for this surprise. Enjoy!"

"Okay, breakfast party na!" sabi ng isa sa fans.

"Leggo, guys!" segunda ng isa pa.

Kumpleto sa fun ang hinanda ng RamIsh fans. Mayroong palaro, kantahan, at sayawan. Nag-enjoy naman ang lahat kahit hindi nakarating si Ram dahil may solo engagement ito na naka-schedule sa araw na iyon. Nag-enjoy rin naman nang husto si Bela. She put all her worries behind her for a while. Gusto niyang namnamin ang bawat sandali na kasama niya ang mga taong ito na nagtitiwala sa kaniya at sa kaniyang talento. Kung sino ang mang-iiwan o matitira hanggang sa dulo ng laban niya, bahala na ang tadhana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon