Philly's Secret

543 19 35
                                    


The Present - Chapter 3 - Philly's Secret

Pagpasok ni Philly sa kaniyang silid, hanap agad ng mga daliri ang switch ng ilaw. Parang automated machine ang kilos, diretso agad sa paghalungkat ng drawer ng kaniyang study table. Nang mahagip ang box ng push pins, halos lundagin na nito ang kama para lang maabot ang nakasabit sa dingding na cork board -- nagmamadali na tila ba may time limit iyon na bigla na lang maglalaho.

Isa-isa niyang hinawi ang mga cut-out at memorabilia pictures ni Ram na naka-pin sa board. Inayos ang pagkaka-arrange ng mga iyon sa paligid. Pagkatapos, niyakap niya muna nang buong higpit ang puting jacket saka isinabit iyon sa gitnang espasyo gamit ang push pins.

Nakapameywang niya iyong tiningnan. Para bang isang artist na sinisipat ang kaniyang masterpiece. Hindi pa siya nasiyahan sa pagtingin, hinagod pa ng mga daliri niya ang autograph ni Ram Gonzales doon. Sandaling itinigil ang nakalapat na palad sa jacket, todo ngiting pumikit habang kinikilig na inaalala ang hitsura ng idolo nang makaharap niya kanina.

Todo kaba siya nang kasunod na siya sa pila. Hindi naman iyon ang first time na makaharap niya si Ram. Noong una, birthday nito, at nakiambag siya sa fans club para mabigyan ito ng party. Doon, nakapag-groufie sila rito at pinirmahan nito ang dala niyang record album na pinag-ipunan niya tulad ng kaniyang ambag. Diet-diet din kapag may time. At ngayon, na naka-access sila sa backstage ng mall show nito, iba ang thrill. Tapos, nakadagdag pa na nahihiya siya kasi sa likod ng suot niyang jacket siya magpapa-sign ng autograph. Kaya nang pinapasok na siya sa dressing room kung saan naroon si Ram, naramdaman niyang halos hindi siya makalakad. Parang may earthquake sa sobrang pangangatog niya. Pero pagtayo niya sa harap nito, kumalma ang pakiramdam niya. Ang ganda ng ngiti nito na sumalubong sa kaniya tapos binati pa siya, "Hi."

One word. Two letters. Pero iba ang impact no'n sa fangirl na tulad niya.

"Hindi ka pa ba tapos? Gabing-gabi, nagdi-day dream ka?"

Parang binuhusan ng yelong puno ng push pins si Philly nang marinig ang boses ng kapatid.

"Ek! Kanina ka pa d'yan sa pinto?"

Nag-cross arms pa ang kuya niya. As usual, ang nakasanayang pa-bossy pose.

"Nasa likod mo na ako nang pumasok ka rito," sagot nito.

"Hindi ka ba marunong kumatok, Kuya Ghelo?"

"Iniwan mong bukas ang pinto."

Iningusan niya ito.

"Once and for all, Phinas, gusto kitang paalalahanan, okay? Wake up. Stop being a fantard." Hinawakan nito ang doorknob at akma nang isasara ang pinto. "Good night."

"Sandali!" Padaskol na bumaba ng kama si Philly at inilang hakbang lang ang pinto. Pinigil niya ang pagsara noon. "Once and for all, Kuya Ghelo, gusto kong malaman, bakit ba ang baba ng tingin mo sa pagiging fangirl ko?"

Kinunutan siya ng noo ng kuya niya. "Isn't it obvious? Because it's pointless. Everything you spend on it--time, effort..." sandali itong tumigil saka mariing itinuloy ang sasabihin, "money! All of those are wasted. Dahil wala kang mapapala r'yan."

"Of course, may napapala ako."

"Wala."

"Hindi mo ako naiintindihan. Nabibigyan niya ako ng kakaibang pag-asa. Try to listen to his music. Watch him act. He's an instrument to make me feel hopeful."

"As far as I know, hope is acquired within yourself. Finding reason on someone else for you to feel hopeful, alam mo kung ano ang tawag d'yan? Idiocy. 'Yang mga panatiko na 'yan, mga grupo ng idiots--mga uto-uto! Ginagamit lang kayo ng mga celebrity para sila sumikat at kumita--para sila yumaman."

"Tama na!" Itinakip ni Philly ang mga palad sa kaniyang tenga, mariing napapikit pagkatapos ay pinukol ng masamang titig ang kuya niya. "Palibhasa kasi makasarili ka. Mula nang umasenso ka ang taas na ng tingin mo sa sarili mo. Siguro nga wala ka nang ibang taong kailangan kundi 'yang ego mo."

"'Yang pananalita mo, Phinas. Hindi kita pinag-aaral para maging walang modo."

Sandali silang nagtagisan ng titig.

"'Yan!" basag ni Ghelo sa namuong katahimikan. "Iyan ba ang napapala mo sa kakasama sa mga fans club na 'yan? Nakakapulot ka ng basurang pag-uugali--"

"Bakit, Kuya Ghelo?" Hindi na napigilan ni Philly ang maiyak. Bakit ba parang isang krimen ang tingin nito sa pagsuporta at paghanga niya sa iniidolo? Siguro nga sa paningin ng kuya niya walang halaga ang maging masaya mula sa mga bagay na walang kuwenta at mababaw para rito. Pero hindi nga ba? Genuine happiness comes from the very least.

"Wala ka bang taong hinahangaan?" patuloy niya. "Kahit minsan sa buhay mo. Isang taong gusto mong makasama, makita, makausap. Isang espesyal na taong para sa iyo pakiramdam mo, nagbibigay-pag-asa sa iyo kahit ang totoo, malabo na ang gusto mo--"

Nasapo ni Philly ang dibdib. Hindi siya makahinga. Gusto niyang umubo pero hindi niya magawa. Ang kirot. Ang sakit-sakit!

"Ph-Philly... Anong nangyayari?"

Iyon ang huling narinig ni Philly bago siya bumagsak at nawalan ng malay.

***

Hindi na halos malaman ni Ghelo ang mga nangyari. One moment, he was there sitting inside the ambulance, right beside Philly. The other moment they rushed her in the emergency room.

Nang lumabas ang doktor at kausapin niyon ang kaniyang ina, doon pa lang niya nalaman kung ano ba ang dahilan ng pagkahimatay ni Philly. May sakit sa puso ang kapatid niya, gaya ng kanilang daddy.

"'My," tawag niya sa ina nang makaalis ang doktor. "Matagal na ninyong alam? Pero bakit..." Napalunok siya. "Bakit hindi man lang ninyo sinabi sa akin?"

Napakibit-balikat ang ina, nagbaba ng tingin ang mga matang puno ng nakaambang luha. "Dahil ayokong dagdagan ang problema mo. Ayokong mag-alala ka. Masyado na kaming pabigat..."

Napailing-iling si Ghelo. "Hindi ba ako nag-aalala ngayon? Hindi ba ako namomroblema?" Sarkastiko siyang natawa. "Nagtatrabaho ako, nagsisikap para sa inyo ni Phinas. Ginusto kong gawin iyon para sa inyo. Hindi kayo pabigat sa akin. Bakit naman gan'yan ang iniisip ninyo?" Pinunasan ng mga palad niya ang mga mata bago pa man tumulo ang kaniyang mga luha. "All this time, kailangan ng kapatid ko ang moral support, 'My, hindi ko naibigay iyon kasi hindi ko alam na ganito pala ang sitwasyon. Para naman ninyo akong binalewala. Katuwang ninyo ako. Kahit kailan hinding-hindi kayo magiging pabigat sa akin."

Katahimikan.

"Hiling ng kapatid mo iyon," halos pabulong na sabi ng mommy niya. "Gusto ni Philly, maging normal ang turing mo sa kaniya. Dahil kung alam mo, hindi mo siya sasawayin. Magiging espesyal ang turing mo sa kaniya. At iyon ang lalong magpapaalala raw sa kaniya na mayroon siyang karamdaman."

Buntonghininga at iling ang tanging tugon ni Ghelo.

"Kung sinisisi mo ang sarili mo kaya nasa ospital na ito ngayon ang kapatid mo--kung 'yan ang nagbibigay ng bagabag sa iyo, Michelangelo, wala kang kasalanan."

"Kasalanan ko. I almost killed her, please blame me. I just realized, kaya nangyari ito, kasi masyado akong tumingin sa karangyaan--sa pera na p'wede kong itustos sa inyo. I thought I am a good provider. Akala ko sapat na iyon. Pero 'yong pinakamahalaga, nalimutan ko pala. Masyado na akong malayo sa inyo ng kapatid ko. Wala na akong panahon na makasama kayo kaya wala akong kaalam-alam sa mga pinagdadaanan ninyo. I'm so sorry..." Niyakap niya nang buong higpit ang ina. "I really am sorry..."

__________

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon