Fangirl's Happiest Day

569 14 23
                                    

Present - Chapter 7 -
Fangirl's Happiest Day

Malalim na ang gabi pero heto si Ghelo at gising pa rin. Nakaupo sa harap ng kaniyang study. Hindi kasi mawala-wala sa isip niya ang performance ng babaeng tinagurian niyang "Canon Girl." Kahit maidlip kasi siya, iyon pa rin ang napanaginipan niya.

Hindi kaya witch ang babaeng iyon? Napangisi siya, natatawang naiiling sa mga pumapasok na kalokohan sa utak niya.

Tutok ang paningin niya sa laptop na nasa harapan. Nangangalumata. Nilulunod ang sarili sa panonood at pakikinig ng sangkaterbang versions ng Canon Rock violin cover online. Baka-sakali mawala ang kahibangan niya sa pagkaumay.

In fairness, nabilib naman siya sa female violinists na napanood niya. Mayroong sumasayaw pa nga habang tumutugtog.

Pero iba pa rin si Canon Girl. There was no awkward movement. She totally rocked the violin. Astig pero sweet. Her music and presence had opposing forces that he found compelling.

Wala siyang katulad. Sayang, hindi ko nagawang i-record iyon.

Natulala kasi siya nang mapanood at mapakinggan ang musika ng dalaga. Na para bang may matagal nang namumuong koneksiyon sa pagitan nila.

Nasapo ni Ghelo ang kaniyang mukha habang iniisip kung ano bang nangyayari sa kaniya. Heto na nga at hindi na mabura sa isipan niya ang dalaga tapos nanghihinayang pa siya na sana na-video record niya ang pagtugtog nito?

Ano ang tawag doon?

Natapik niya ang noo. Napapikit sabay pabagsak na sumandal sa backrest ng inuupuan, trying to block his weird feeling. Dinama niya ang suot na locket habang inaalala ang pangako niya sa sarili.

Haven't I told myself? Until I find her. Until I see my savior's face. It's a rock solid vow.

"Bela..." walang ano-ano ay pabuntonghininga niyang naiusal ang pangalang iyon.

Natigilan siya. Kumurap-kurap na pinipilig pa ang ulo.

No way! sita niya sa sarili. He has no reason to welcome this kind of feeling. This should have no room in his heart.

Dinukot niya ang suot na locket. Tinitigan iyon. "I have to find you first. When I get to see you, nothing's gonna bother me nor sway my loyal feelings toward you. That's right. I will see you," pangako niya sa sarili.

***

Maingat na hinawi ni Ghelo ang blinds sa bintana ng silid kung saan naka-confine si Philly. Maaliwalas ang kalangitan. Tumutugma sa plano niya sa araw na ito.

"Phinas," sabi niya sabay naupo sa gilid ng hospital bed. Kaarawan ngayon ng kapatid at gusto niyang sabihin dito ang espesyal na bagay na matagal na niyang sinarili.

"Do you remember the last time you asked me? Kung wala ba akong taong hinahangaan? Isang taong gustong makasama, makita, makausap. Espesyal na taong nagbibigay-pag-asa sa akin... Well, my answer is: Of course, there is." Dinukot niya ang suot na locket. "This. The girl who owns this necklace is the person I admire. You don't know how much I want to see her, to talk to her. And who knows, maybe this feeling--maybe, I've fallen in love with her..." Natawa siya. "Adik ba?"

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon