Rising Star Yish

151 7 29
                                    

The Present - Chapter 9 - Rising Star Yish

Staring up at the facade of a fairytale-like building, Bela knew her every step toward its door meant getting closer to her present dreams.

"Welcome to Star Mansion!" Sa likod ng bumukas na malapad na pinto ay nakatayo ang camera-ready smile ng lalaking naka-butler attire. Walang iba kundi ang kilalang hunk actor-host na si Andy Gamboa.

Isa-isa silang mga kalahok ang pumasok sa entrada para makuhanan ng magandang shot ng cameraman na nakatutok sa kanila.

From 100 contenders down to the so-called ten rising stars, iisa lang ang tatanghaling "Rising Superstar." Sa Star Mansion, dito magaganap lahat ng ipapalabas sa telebisyon. Dito igu-groom ang sampung kalahok na, kada linggo ay may tatanghaling talunan o "fallen star."

Pagpasok nila sa Mansion ay bumungad ang malawak na espasyo at grand staircase na nasa gitna ng foyer.

"Mayroon tayong ikatlong palapag," paliwanag ng producer na ipinakilalang si Ma'am Carel. "Mayroong tatlong kwarto at isang common room. Doon kayo mamamalagi habang nasa competition pa kayo. Pero bago kayo tumungo roon at makapag-explore, kilalanin muna ninyo ang mga hahawak at mag-aalaga sa inyo all throughout your journey. Your so-called CMs or Contest Managers. Follow me."

Sumunod naman ang sampung kalahok sa silid kung saan mayroong sampung cubicle doors na may nakapaskil na bilang.

"Pakiabot na ang draw lots kay Andy," sabi ng direktor. "Camera, standby..."

Maagap namang lumapit ang staff member na may hawak ng draw lots bowl sa host na si Andy.

"On my signal, your lines, Andy..."

"Copy, direk!"

"In 3, 2, 1... roll!"

"Contestants, sa draw lots na ito magsisimula ang inyong karera sa kompetisyong ito. But remember, while you're here, each of you is already a 'Rising Star.' That means, you will be treated as a star already, while you are still in the contest. Now, para maging patas, from this draw lots you will pick a number. Each number has a corresponding cubicle, where your CM, your Contest Manager is waiting for you. Good luck!"

Isa-isa silang bumunot. Number 10 ang nakuha ni Bela kaya pumasok siya sa cubicle number 10.

May plain desk at visitor's chair, pero walang tao.

"Yisabela Concepcion! Hello, hello, hello."

Napalingon si Bela sa batwing door, sa pinagmulan ng magiliw na tinig. Isang lalaking pumipilantik ang mga daliri, ang mga mata ay sumusuri sa kaniya mula ulo hanggang paa. Kung hindi siya nagkakamali, parang hindi nalalayo ang edad nito sa kaniya.

"Maganda ang pangalan mo, in fair, kasing ganda mo. But we need a shorter first name para madaling maalala ng viewers at madali rin ilagay sa profile mo. Short and catchy. Just like me. Oops, my name is Maxxie nga pala--short for Maximillan Ernestino Dago. Capital "D" not Gago. Pero actually, madalas gaga ako." Sabay tawa nito.

Natawa na rin si Bela. "Hi, Maxxie. Well, you look too young to be a manager."

"Bakit, kapag manager ba kailangang gurangis?" Tumawa na naman ito. "Well, acting lang naman. Originally, isa akong production staff assistant dito. Eklavu manager lang naman kami rito, pero ako ang magiging fairy godmother mo sa palahok na ito. Ako ang naka-assign para maging mas maganda ang lahat sa iyo. Kaya, let's proceed to work, okay? Balik tayo sa first task natin. Kailangan namin magpasa ng screen name ninyo for this competition. Ano bang nickname mo? Bela?"

"Y-yeah. People who are close to me call me Bela. But for some reason I hate that name," sagot niya.

"Oh, bakit naman? Magagalit sa iyo si Edward Cullen n'yan."

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon