Fanboy Ghelo

44 5 0
                                    

The Present - Chapter 14 - Fanboy Ghelo

Panay tingin sa pambisig na relo si Ghelo, matapos ay dadako ang kamay sa kaniyang necktie na tila nasasakal saka ilalapag sa lamesang may nakalatag na mga plato at kubyertos, ang mga daliri ay kusang tumitipa na parang nagda-drumroll. Wala naman kasi sa orihinal niyang schedule ang pagdalo sa press launch ngayong weekend. Out of the blue, inutusan siya ng boss nila na silipin ang event na ito ng kanilang client. Dati-rati, ayos lang sa kaniya ang mga ganitong un-scheduled task, pero iba kasi ngayong araw dahil may personal siyang lakad. Kanina pa nga message nang message sa kaniya ang RamIsh fans. Late na siya sa set visit.

"Mukhang kanina ka pa naiinip, Mr. Jacob," puna ni Galver. "Kung may lakad ka, you're free to go. Sinabi ko naman kasi kay Madam hindi na niya kailangan magpadala ng bantay. Kayang-kaya na ito ng team ko."

Tinitigan lang ito nang matalim ni Ghelo. Pero hindi pa rin huminto. "Sayang lang ang panahon mo rito. Hindi mo naman naiintindihan ang scenario. Ano bang alam mo maliban sa maging utusan ng chairwoman?" pang-uuyam pa nito.

"I remember what else I know, Sumilong." Ngumiti si Ghelo, pinalabas ang kaniyang dimples. "See?" Itinuro niya ang sariling mukha. "I know how to be happy."

Sakto naman na nagpalakpakan ang mga nasa paligid dahil tumayo sa harapan ang client nila para magsalita ukol sa produkto nito. Ibinaling na roon ni Ghelo ang atensyon at nakisabay na rin sa pagpalakpak, nanatili ang mga ngiti. Awtomatiko naman na napasabay na rin sa pagpalakpak si Galver, hindi na nakatugon.

Nang natapos na ang pinakaimportanteng bahagi ng event ay tinawagan ni Ghelo ang kaniyang boss para i-report na maayos naman ang lahat. Pagkabati sa kliyente bilang pagpapaabot ng mensahe ng chairwoman ay dali-dali na siyang sumibad at kinuha ang backpack na iniwan niya sa reception. Habang daan patungo sa hintayan ng taxi ay naka-receive siya ng message mula sa kapatid.

Philly: Kuya Ghelo, nag-post na ang RamIsh fans with Yish Concepcion. Hindi ka ba sumama sa groupfie o wala ka pa?

Nakita ni Ghelo ang picture na pinadala ni Philly. Paghinto ng taxi sa tapat niya ay nagmamadali na siyang sumakay sa passenger's seat at sinabi sa driver ang lugar na pupuntahan, saka sinagot si Philly.

Ghelo: Papunta pa lang. Kakatapos lang ng press launch.

Philly: Baka naka-coat and tie ka pa pagdating mo. Mapagkamalan kang executive rep o major sponsor. LOL

Binuksan ni Ghelo ang backpack at inilabas ang baong shirt at jeans. "Boss, dito na 'ko magpapalit. Rush hour lang," abiso sa cab driver.

Pagdating ni Ghelo sa location ay isinuot na niya ang baseball cap, saka nag-selfie. Ipinadala kay Philly kasama ang message.

Ghelo: Setting my foot on the location.

May mga nadaanan siyang trailer van na may logo ng film production. Nilapitan niya ang isang staff member para itanong kung saan naroon ang fans ng RamIsh. Itinuro naman nito. Habang binabagtas ni Ghelo ang daan, sakto na natanaw niya ang papadaan na si Bela. Panay punas nito sa pawisang mukha habang nagmamadali sa paglakad nang natipalok ito at hindi naagapan ang balanse.

Kusang napatakbo paroon si Ghelo. "Oops!" sabi niya, kasabay ng pagkabig sa papadapa na si Bela, hindi alintana ang pagkahulog ng suot niyang cap. "Konting ingat naman, Sweetheart," sabi pa ni Ghelo. Tumingala ito sa kaniya at nagkatitigan sila. "Sweetheart naman, makatingin akala mo nakakita ng multo," biro niya para matakpan ang tensyon at kaba na umahon sa dibdib niya.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon