Fangirl's Kuya

709 26 78
                                    

The Present - Chapter 2 - Fangirl's Kuya

Typical idle day sa Malco Ad. Ngunit nang pumasok ang lalaking naka-full office suit attire ay tiyak buhay ang dugo ng lahat ng staff members.

Sa mga mata pa lang na para bang may x-ray vision kung masapul ka ng tingin -- lakas ng arrive! Ang buhok ay plantsado at hindi mahipang-hangin na lalong nagpaaliwalas sa mukha na hindi man pangahan ay parang Superman ang awra.

"Si Boss Junior paakyat na," simpleng timbre sa intercom ng receptionist sa lobby patungo sa reception sa admin department sa second floor. Parang virus na kumalat ang mensahe: salin-labi at pasa-pasa sa text at group chat.

Si Boss Junior.

Katawagan sa kaniya bilang Executive Assistant ng chairwoman-president. Paano ay binigyan siya nito ng special power sa buong kompanya na halos ka-level na ng bise presidente ng bawat department -- o baka nga higit pa. Siya ang kilabot at bangungot ng lahat ng mga empleyado dahil mas mabusisi pa kaysa sa may-ari. Guwapo sana, kung kumilos akala mo royal family. Pero siya ang tao na pinangingilagan ng lahat sa opisina.

Ang tensyon ay mararamdaman dahil sa paghawi ng katahimikan na tila ba ang bawat lagutok ng makintab na leather shoes niya ay kasabay ng pagtambol ng kaba sa dibdib ng bawat makarinig.

"M-Morning, Sir Ghelo."

"Good day po, Mr. Jacob."

May panginginig pang bati ng bawat madaanan niya.

"Wait," pigil ni Ghelo sa nakayukong bagito na pasalubong sa kaniya sa tapat ng reception sa second floor lobby. "Trainee?" Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa sabay inayos niya ang kuwelyo nito na nakatikwas.

"S-sorry, sir..." Naiilang namang inayos nito ang sarili. "Yes po, sir. I'm a trainee. First day ko po--"

"Your name and department?"

Napalunok ito. "Maliksi Nuevo, sir. From media department," nakayuko pa rin nitong sabi, kandautal.

"I see. Next time, make yourself presentable. Eventhough you're a trainee, still, that makes you a portion that represents this company already. Do you get it?"

"N-Noted, sir."

Walang sabi ay nagpatuloy na siyang lumakad diretso sa kung saan matatagpuan din ang opisina ng president.

"Psst. Beware, Malik. Bakit kasi sinalubong mo si Sir Ghelo? Tinandaan ka na no'n."

Dinig niya pa ang bulong na iyon. Ipinaglihi nga yata siya kay Superman. Lahat ng alingasngas, dinig niya:

'Yon pala si Sir Ghelo.

Assistant lang naman ng president pero pati boss ng ibang department ilag sa kaniya.

Kaya nga tinaguriang Boss Junior, eh. Boyfriend nga yata kasi 'yan ni Chair.

Aware si Ghelo sa mga tsismis sa kanila ng chairwoman.

Mga malisyoso! Napapakuyom-palad na lang siya. Pasalamat sila at wala siyang ganang pumatol sa mga ito.

Mula pagkabata, madalas naman na siyang sentro ng pambu-bully. Dahil doon, dumating ang punto na kumapit siya sa makapangyarihang grupo sa paaralan.

Pero hayun, lalo lang siyang napahamak. He learned his lesson since then.

Kasing edad na ng mommy niya ang amo. Matandang dalaga -- na ang turing sa kaniya ay protegé. Hindi niya hawak ang isipan ng mga tao. Wala siyang paki basta malinis ang konsensiya niya.

Naupo na siya sa harap ng kaniyang desk. Pagkabukas ng kaniyang laptop, tadtad siya ng notifications ng mga tweet updates at facebook status ng nakababatang kapatid. Sadya kasing sinusubaybayan niya ito dahil malayo siya sa pamilya. Kinailangan niyang tumira sa condo malapit sa opisina. Every other weekend lang siya nakakauwi.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon