Concerto

40 5 0
                                    


Present - Chapter 15 - Concerto

Every stomping feet on the floor produced a wild beat that filled the four corners of the dance studio. Their bodies moved in sync, reflected on the wall mirrors.

"And six, five, four, three--left, right, and pose!" pagtatapos ng dance choreographer. Matapos ang ilang segundong katahimikan para sa end position nila, nagpalakpakan ang dancers.

"Great job, guys!" habol-hininga pang sabi ni Bela, diretso sa bench na pinag-iwanan niya ng sports bag saka dinampot ang water jug na naroon. Halos malunod na siya sa pag-inom sa sobrang uhaw. Nagpunas na siya ng face towel at inayos ang pagkakatali ng buhok.

"Yish, sa auditorium tayo next," paalala sa kaniya ni Ram. "May quick interview lang ako. See you later, okay?"

"Okay," tipid niyang sagot.

Nang makapagpaalam na ang lahat, may ilang sandali muna siyang naupo. Tutok ang mga mata sa kaniyang repleksiyon sa salamin ngunit ang isip ay lumilipad sa kawalan. Parang kahapon lang, nasa pila siya ng audition para sa Rising Superstar, natalo -- nagkaroon ng viral video. Kasalukuyan, umeere naman ang musical drama series nila ni Ram, at ngayon, abala naman sila sa paghahanda sa mini-concert niya kung saan special guest niya si Ram. She sighed. Everything happened in a flashing rollercoaster. Overwhelming. Overflowing. Pero pilit niyang kinakapa ang damdamin. Masaya ba siya? Hindi ba't ito ang pangarap niya? To shine in the space between the two stars in her life.

Dinukot niya ang cell phone sa bulsa ng kaniyang bag. Mula nang huling pag-uusap nila ng daddy niya, hindi na siya nito muling tinawagan. Kahit papaano, salamat at nagparamdam ito sa kaniya kahit sariling kapakanan naman ang nasa isip. Ang kaniyang mommy naman, hindi niya alam kung ano ang reaksiyon nito sa kaniyang pagsali sa Rising Superstar. Hindi ito nagparamdam kahit kailan.

"Well, what's new, Bela?" bulong niya sa sarili.

Hinanap niya ang social media page ng kaniyang mommy. The post update was just today. "Family cupcakes!" said the caption. A happy family picture in the kitchen, preparing cupcakes. There was her mom, her mom's husband, and her little sister who now a grown up teenager.

Nangiti si Bela, pero nalasahan niya ang maalat na likidong umabot sa kaniyang labi. Itinakip niya sa mga mata ang hawak na bimpo. Pero hindi niyon napatila ang pag-iyak niya. Napahagulgol siya. A realization kicked into her. With the stream of luck happening to her now, she still felt empty.

"Ehrm. Knock, knock!"

Pagkarinig ng pamilyar na tinig na iyon ay pinigilan ni Bela ang pag-iyak, nananatiling hawak ang bimpo patakip sa kaniyang mukha. Humugot siya ng malalim na paghinga para pakalmahin ang sarili pero nauwi iyon sa pagsigok niya.

"Kagagaling ko lang sa kabilang studio." Ramdam ni Bela ang yabag nito na papalapit. Kaya napilitan siyang ibaba ang bimpo at uminom sa water jug. Matapos ay binasa ng tubig ang face towel para ipunas sa mukha niya na alam niyang hilam sa luha.

"Oh, hi. Ghelo," bati niya.

"Umiiyak ka, Sweetheart? LQ na agad kayo ni Idol?"

Natawa siya sabay irap. "Hindi 'no. Loko ka, ah."

"Just kidding." Nag-peace sign pa ito. "Alam ko namang hindi ka sasaktan ni Idol Ram."

"Sige, ituloy mo pa 'yang pang-iintriga, Ghelo." Iningusan niya ito. "How's your drums practice?"

Kumibit-balikat si Ghelo. "Ayun, kinakalawang. Sabi ko naman sa iyo, matagal na akong tumigil. Hindi ka ba nabibigla na isama ako sa concert mo? May time ka pa magpalit ng isip."

Umiling si Bela. "Gusto ko ikaw ang kasama kong mag-perform ng Canon Rock." Gusto sana niyang isatinig na importante kasi sa kaniya ang performance na iyon dahil sa alaala ng Lolo Miguel niya. Wala siyang tiwala na tugtugin ang rock rendition ng Pachelbel's Canon maliban na kung kasabay niya ang kaniyang lolo noong nabubuhay pa ito. At mula nang mawala si Lolo Miguel, tinutugtog na lang iyon ni Bela kapag mag-isa siya. Kapag gusto niyang palakasin ang loob -- tulad noong napanood siya ni Ghelo. Lahat nang iyon ay gusto niyang sabihin dito, pero nagdadalawang-isip siya dahil baka isipin nito na masyado siyang madrama. "Tutal ikaw ang nagbuking sa akin sa RamIsh friends tungkol sa Canon Rock kaya dapat damayan mo ako sa stage," sa halip ay idinugtong niya. "Hindi talaga ako confident i-perform 'yon."

"Hindi ka pa confident n'on, eh nakakabilib nga ang performance mo. Kaya mo nga ako naging fanboy dahil doon. Saka kasama mo naman si Idol Ram. Hindi ka no'n pababayaan."

Tumango si Bela. "I'm grateful na inaalalayan niya ako. Kahit pa nga solo concert ko lang ito, pumayag siya na magkaroon kami ng special performance as love team."

"Mabuting tao si Idol Ram, at masaya ako para sa kaniya--at sa pagbangon niya na ikaw ang kasama niya, Sweetheart. You both supporting each other. You're helping him, too."

Hindi agad nakasagot si Bela. Ngayon lang niya naisip na natutulungan din pala niya si Ram. Ang alam niya kasi, kahit anong mangyari, may solid fans na iyon kaya babangon at babangon si Ram, no matter what.

"Well, it's a sweet thought of you, Ghelo." Dama na naman ni Bela ang kakaibang tama ng mga salita nito sa puso niya. She needed to divert the topic. "Buti napaglaanan mo ng time ang practice kahit busy ka."

"Yeah, right? Ngayon ko nga lang na-realize I have enough time for myself. I was then too absorbed planning and taking tasks from my boss. Pakiramdam ko nga, bumata ako nang sampung taon ngayon."

"Kung makapagsalita ka akala mo naman nasa fifties na. Hindi naman tayo masyado nagkakalayo ng age. Kangarag bang maging assistant ng boss?"

"Nakaka-pressure kasi hindi niya lang ako basta assistant, protege niya ako. Maraming hindi pabor sa akin or sa karapatan na binibigay ng boss sa akin. Ang iba, mas nakatatanda, may managerial positions, they don't honor me. I have to be tough. I have to be matured twice as my age. Ngayon na nga lang talaga ako ulit natutong magbiro at ngumiti mula nang maging fanboy mo ako."

Napalunok si Bela. "For real? Napapangiti kita... In what way?"

"Ever since na napanood kitang tumugtog ng violin. And like now. Ganito na nakakausap kita, Sweetheart. My heart is singing out of happiness."

"Is... that so, Ghelo?" Sa papalakas na tambol ng puso niya, hindi na sigurado si Bela kung naisatinig niya iyon. Pakiramdam niya may kung anong puwersa ang kusang nagpatayo sa kaniya. "How about this?" Sabay pumikit siya, tumingkayad, at dinampian ng halik sa labi si Ghelo. "Does it make you smile?" tanong pa niya.

Hindi nagsalita si Ghelo. Sa halip ay tinugon nito ang kaniyang halik. Sa mga oras na iyon, pakiramdam ni Bela ay inilipad siya sa ibang mundo. Gusto niyang kumapit na mahigpit sa matipunong balikat ni Ghelo at hayaang makulong sa matatag nitong mga bisig.

"Bela? Ayos ka lang?"

Napakurap-kurap si Bela. Namalayan na lang niya na pinupunasan ni Ghelo ng panyo ang kaniyang pawisang noo.

"Ha?" anas niya.

"Bigla ka na lang tumayo at natulala. Saka namumula ang mukha mo," paliwanag ni Ghelo sabay sinalat ng palad nito ang noo ni Bela. "Mainit ka. Kaya ka pala pinagpawisan. Nilalagnat ka ba? Gusto mo ng tubig?"

Litong-lito si Bela. She took a step backward, away from Ghelo -- to recollect her senses -- to get back to her reality. Nangiti siya at nailing. Ano bang pumasok sa kukote niya? Pansamantala siyang nawala sa reyalidad at inakalang totoo ang kaniyang pantasya. Hindi siya makatingin nang tuwid kay Ghelo dahil baka kapag nagtama ang mga mata nila ay makita nito ang kaniyang ilusyon.

"There you are, guys," bungad ni Ram sa sliding door ng studio. Kasunod nito si Flo na halatang nag-aalala.

"Aigoo, Bela." Lumapit na si Flo at binuhat na ang kaniyang sports bag at water jug. "Kinabahan naman ako at wala ka pa sa awditoriyum. Hinila ko tuloy si Ram para hanapin ka. Bakit ba nakatambay kayo rito ni Mr. Dimpol?" sinadyang ibulong ni Flo ang huling katanungan. Siniko na ito ni Bela.

"I'm sorry--Flo, Idol Ram, dinaldal ko kasi si Bela," paliwanag ni Ghelo.

"It's okay, bro," sagot ni Ram. "Halos kababalik ko lang din from interview. Sabay-sabay na tayo bumalik ng auditorium for the stage rehearsal. Hype the energy for Bela's concerto!"

"Aja, aja, fighting!" sagot ni Flo.

"Fighting!" sang-ayon ni Ghelo sabay pukol ng ngiti kay Bela. His smile made her heart race once more.

Bakit ba kasi palabas ito nang palabas ng dimples? bulong ng isipan niya. Nag-heart finger na lang siya at naki-cheer, "Fighting!" Doon niya ini-release ang kilig -- na sana ay hindi nahalata ni Ghelo, hiling niya.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon