Aspiring Star

896 22 69
                                    

The Present - Chapter 1 - Aspiring Star

Sa lahat ng pasyalan, iisa ang ayaw na ayaw puntahan ni Bela -- ang tinaguriang Walk of Fame sa Eastwood. Pero sa pagkakataong ito, sinadya niya talagang bagtasin ang daan kung saan malalakaran ang mga nakaukit na pangalan ng mga kilalang tao, partikular, sa showbiz at pelikula.

She is Yisabela Concepcion. Born in the shadows of two iconic celebrities. Anak siya ng dalawang sikat na artista ng 90s na mula sa magkaibang love team -- pero nagkaroon pala ng relasyon. Dahil doon, isinilang siya at lumaki na itinatago.

Isa siyang malaking sikreto.

Unwanted child, sa masakit na termino.

Anak na wala sa panahon.

I'm a perfect crime! pang-uuyam niya sa sarili. Pakiramdam niya kasi, isa siyang malaking kasalanan.

Huminto siya sa paglakad pagkatapat sa magkasunod na stars na plake ng mga magulang.

Merryl Concepcion

Frank Andrews

"Sinadya n'yo ba ito? Magkasunod pa talaga kayo. Mabuti pa ang mga pangalan ninyo close." Sarkastiko siyang natawa, at sakto naman na dumagundong ang kulog.

Napatingala si Bela.

Maaraw naman pero makapal ang ulap. Umihip ang mabining hangin na tinatangay ang itim at alon-alon niyang buhok. Napapikit siya at nangiti habang dinadama ang dampi ng hangin.

Hindi madaling maging artista, nasabi niya sa sarili. Lalo pa nga kung ang mga magulang mo ay nag-excel na sa larangan na ito. Well, ginalingan kasi nila, eh. Pero patutunayan ko na kaya ko ring gumawa ng sarili kong pangalan. Latak man ako ng dalawang iconic species sa mundong tatahakin ko, alam kong mayroon akong sariling pagkatao.

Keri ko ito!

Inilabas niya ang smart phone mula sa sukbit na shoulder bag at akmang kukunan ng larawan ang naka-sandalyas niyang mga paa habang nakaapak sa pagitan ng stars ng mga magulang niya. Remembrance sana bago siya sumabak sa Rising Superstar na isang reality artista search.

Nang pipindutin na niya ang camera ay may tumulo sa screen ng kaniyang phone.

Luha.

Makikita ninyo, gagawa ako ng sarili kong pangalan. Hindi na ako nakatago sa anino. Binalewala ninyo ako, pero balang araw, itong bastarda ninyo ang magniningning.

Ang isang patak ng luha sa kaniyang phone screen ay nadagdagan nang unti-unting bumagsak ang malalaking patak ng ulan.

Shocks! Napatingala siya. Bakit ngayon pa? angal niya.

Pero ipinagpatuloy pa rin ni Bela ang pagkuha ng larawan bagaman basa na ang sementong kinatatayuan.

Pagkatapos ay nagmamadali na siyang tumakbo papunta na sana sa may malaking payong sa tapat ng Starbucks. Pero sa pagmamadali ay hindi niya naiwasan -- may nakabanggaan siyang lalaki.

Naka-pink na polo. Parang animé character ang hairstyle. Mas maputi pa sa kaniya na para bang na-absorb na ng balat nito ang lahat ng Gluta na puwedeng i-absorb. May hawak itong dilaw na payong.

Nang magtagpo ang mga mata nila, feeling ni Bela ay nag-slow motion ang lahat. Sa likod ng isipan niya ay nag-play ang kantang Moving Closer.

"Are you okay, miss?" mahinay nitong sabi, bahagyang nakayuko sa kaniya.

Parang kilala niya ito, pero parang hindi rin. Kaunti lang ang distansya nila sa isa't isa at hindi man lang ito naiilang. Pero okay lang kasi ang bango-bango nito. Hindi niya tuloy mapigil ang mapapikit at langhapin ito.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon