The Past

2.2K 39 33
                                    


A streak of light flashed across the evening sky...

'Sing bilis ng kisapmata, nagsaboy ito ng matinding liwanag sa nadaanang ulap bago tuluyang naglaho.

"Oh, my! Shooting star!" singhap ng isang dalagitang nakatanaw sa salaming bintana ng sinasakyang kotse. Kumikinang ang kaniyang mga mata sa excitement na hatid ng nasaksihan. Ngunit tulad ng liwanag ng bulalakaw, agad ding napawi ang kaniyang mga ngiti.

"Shooting... star," papahina niyang ulit sa sarili, nagpakawala ng malalim na paghinga.

Mula sa bulsa ng kaniyang paldang uniporme ay may dinukot siya. Dahan-dahan niyang ibinukas ang palad -- ang namamasang mga mata ay nakatutok sa nakasarang antigong locket na hawak.

Tumulo ang kaniyang mga luha.

Naalala niya kasi ang mga magulang -- mga bituing hanggang abot-tanaw lamang niya. Habang siya ay nasa tila hawla ng lungkot at pag-iisa.

Sa kabilang banda...

Isang binatilyo ang nalugmok sa damuhan, patuloy na tumatanggap ng suntok at tadyak mula sa mga nakapalibot na grupo ng mga kasing-edad na kalalakihan.

"Humihinga pa ba 'yan?" tanong ng isa.

"Tigok na 'yan, brader," tugon naman ng isa pang kasama.

"Bukas, laman na 'yan ng balita. Tingnan natin kung hindi ang fraternity n'yan ang pagbintangang nang-hazing sa kaniya."

Sabay-sabay nagtawanan ang mga ito.

"Tara na."

Dinig niya ang pagsara ng mga pinto ng kotse at pag-arangkada ng makina.

Makirot ang buo niyang katawan. Nangangapal ang pakiramdam mula mukha hanggang binti.

Nang tiyak niyang nakalayo na ang mga sasakyan ay gumulong siya upang tumihaya. Napadaing siya nang maramdaman ang sakit ng mga buto. Sa kaniyang pagkakahiga, halos hindi na mabuksan ang namamagang mga mata, pilit niyang tinanaw ang kalangitan. Doon ay nasilayan niya ang kislap ng liwanag sa gitna ng kadiliman...

Bulalakaw? bulong ng isip niya.

Bago iyon maglaho ay gumuhit sa kaniyang alaala ang mukha ng kaniyang pamilya -- ang ina at ang kapatid na umaasa sa kaniya.

_____________________
A/N:

The dry run version is finally over. This is a re-write!

Suggestions, opinions, criticisms are very much welcome.

Thank you sa mga magbabasa!

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon