Viral Duet

38 5 0
                                    

The Present - Chapter 12 - Viral Duet

Sa huling pagkakataon, nilibot ng paningin ni Bela ang silid. Sa ilang linggo ring pamamalagi niya sa Star Mansion, ngayon lamang niya nadama ang malamig na katahimikan. Bakante na ang kaniyang kama at hairdresser dahil niligpit na niya ang mga kagamitan at isinama na sa mga inempake. Ang tanging iiwan na lamang niya rito ay ang nabitiwang pagkakataon para maabot ang inaasam na tagumpay -- at oo nga pala, pati ang roommate niyang si Eizka na ngayon ay bumungad sa kakabukas na pintuan. Dumako ang mga mata nito sa kaniyang suitcase na akma na niyang hihilain palabas.

"Hard feelings?" tanong ni Eizka.

"Very." Ngumiti si Bela bilang pampalubag-loob. Ibinalik naman ng kausap ang ngiti, na sa unang pagkakataon, tila nakita niya ang paglamlam ng lagi na'y matapang na titig nito.

"You know, Yisabela, for the last time I want to be honest." Sabay kibit-balikat nito. "Dapat maramdaman ko 'yong sigh of relief dahil aalis ka na. Pero alam mo 'yon? Siguro tinamaan din ako sa mga sinabi mo na hindi ka papayag maging talunan. And somehow, naniwala ako sa mga sinabi mo dahil alam kong kaya mo. But it turned out, you give such disappointment." Sandaling tumigil si Eizka, umiling-iling. Nanatili namang tahimik si Bela.

"Noong pinanood ko ang performance mo sa backstage, nakaka-disappoint that you were totally lost," patuloy ni Eizka. "The fact na sinabi mong lalaban ka, hindi mo nagawa because you stepped on the bait instead of evading it. From the start, the show runner makes bluffs and tricks to create weakness in each of you."

Tumango si Bela. "I know. But to tell you the truth, I tried, Eizka. Lumaban ako, but maybe I have overestimated myself. Hindi pa rin pala ako gano'n kagaling at kalakas sa tulad ng inaakala ko. If it were you, you can make it. I am sure of that. Kasi sa totoo bago ko pa man malaman ang tungkol sa backer mo, I've always been looking up to you. Talent-wise and everything about you as a performer, that alone have already made you a big threat for all of us.

"Alam kong hindi patas ang mundo, gaya ng sinabi mo. At hindi kailanman magiging patas hangga't walang kikilos para mabago iyon. One reason I am here is because I want to change something. You know my family history by now, right? For too long, I am hanging unseen between the stars. I am trying to change that. But I am powerless." Ngumiti si Bela, kinisap ang mga mata, pilit pinipigilan ang luhang gustong kumawala na bunga ng papasilakbong damdamin. Humugot siya ng malalim na paghinga saka muling tumingin kay Eizka. "Well, I'm leaving now. Good luck." Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na tumugon ang kausap. Dali-dali na niyang hinila ang suitcase at tinungo ang pintuan palabas sa silid na iyon.

Sa parking lot ay naghihintay na ang kaniyang van. Mula roon ay bumaba si Flo at sinalubong siya. Ngunit bago pa siya makalapit ay may narinig siyang boses mula sa kaniyang likuran.

"Yish!" habol ni Maxxie. Paglingon niya ay niyakap siya nito nang mahigpit. "Mabuti at naabutan kita." Umiiyak ito. "Sorry, sorry, sorry."

"Sorry for what? Maxxie? You didn't do wrong, ano ka ba." Tinapik niya ang magkabilang pisngi ng kaniyang contest manager. "Sabi ko naman sa iyo, no dramatic goodbyes. Naiiyak na tuloy ako."

"Aigoo! Tama na muna ang KDrama eksena n'yo, mga ate," sabay singit ni Flo. "May oppang nanonood sa inyo.

Mabilis na sinundan ng mga mata nina Bela at Maxxie ang direksiyon na tinuturo ni Flo. Naroon at nakatayo si Ram Gonzales. Ngumiti ito at kumaway kay Bela.

"Anong ginagawa n'yan dito?" Napa-roll eyes si Maxxie at nag-cross arms. "Pasalamat siya at cutie siya, kung hindi 'who u' na 'yan sa akin."

"Maka-emoticon ka, bakla. Baka nandito naman para mag-sorry sa alaga ko," bulong ni Flo, habang papalapit naman si Ram sa kanila.

"Yish Concepcion, hi." Alanganing ngumiti si Ram, hindi mapakali ang kamay kung ilalagay ba sa bulsa o sa batok nito. "I just heard the result from the other night. I'm sorry for what happened. I know I am to be blamed."

"Don't be," maagap na tugon ni Bela. "I was eliminated because of my own weakness. Ayoko nang humanap ng excuses o masisisi. Sometimes, we lose our chance and all we can do is acccept the fact and help yourself to move forward."

"Yes. I think I can relate to that. Been there too. Missed chances... but now, it's time to move forward--and speaking of that, I heard once the contestant was out, there's no restrictions to do any auditions or guestings. Actually, I'm here to invite you personally to appear on my channel. We can sing together. A real duet, this time."

***

"Ingatan mo lagi ang sarili mo."

Mula sa driver's seat ay sumulyap si Ghelo sa kaniyang ina. Kasalukuyan silang bumibiyahe patungo sa airport. "Yes, 'My. Kayo rin ni Philly, bawal ma-homesick."

"Ikaw nga ang inaalala ko dahil mag-iisa ka lang. Sa abroad naman, kahit paano naroon ang tito mo at iba nating kaanak na makakasama namin ni Philly."

"'Wag n'yo akong alalahanin. Bah, si Superman yata itong anak n'yo. Basta tatawag ako madalas sa inyo, kahit araw-araw. And Philly," tawag niya sa kapatid sabay sulyap sa rearview mirror para makita ito na nasa passenger's seat at tutok ang atensyon sa phone nito. "Make sure na sundin mo ang mga ibibilin sa iyo ro'n ni Tito para sa health mo. 'Wag matigas ang ulo."

"Opo, tatay," pabiro nitong sagot na hindi inaalis ang tingin sa phone.

Nagpalit ang ilaw ng traffic light sa red. Sakto naman sa pag-apak sa brake ni Ghelo ay napasinghap si Philly:

"OMG, si Ram!"

Sabay na napalingon sina Ghelo at ang mommy nila kay Philly.

"Bakit anong nangyari?" tanong ni Ghelo.

"Nag-upload ng new song video si Ram and it's now viral!"

"Well, that's good for him," sabi ni Ghelo, napakibit-balikat. "After what he did last time..." Bagaman masaya siya na tila parte si Philly ng pagbabalik-sigla ni Ram sa craft ng singer, hindi niya maiwasang ma-disappoint sa nabalitaang naging impact ng performance nito sa pagkaalis ni Bela sa Rising Superstar.

"And guess what kung sino ang ka-duet niya kaya marami lalong positive comments?" masayang patuloy ni Philly.

"No idea," tugon ni Ghelo.

"Si Yish Concepcion."

Sandaling natigilan si Ghelo pagkarinig sa pangalang iyon, nakatutok ang mga mata sa traffic light, pagdaka'y napangiti kaalinsabay ng paglipat ng ilaw sa green.

--------------
A/N: Green for go! Green for hope!

Thanks so much to everyone who added this on their Reading List. Sa mga nagla-like, nagbabasa... At sa nagbabasa nito na feeling talunan, nawa'y dapuan tayo ng pag-asa. 💞🙏 Green for go!

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon