Lonely Heart

364 14 8
                                    

Present - Chapter 6 - Lonely Heart

"Diretso lang ang lakad, Bela," pabulong na sabi ni Flo. "'Wag kang lilingon. 'Wag kang lilingon." Mahigpit na kumapit sa braso ni Bela saka kinayag sa paglakad sa hallway.

"Bakit? Anong meron--?" Akma na sanang lilingon si Bela ngunit maagap na inakbayan ni Flo para pigilan.

"Umegash ka--when I say don't lingon, don't lingon," pabulong pero mariin na sabi ni Flo. Lalo pang binilisan ang paglakad at walang nagawa si Bela kundi ang magpatangay.

"Ano ba 'yon?" habol-hiningang angal ni Bela nang masapit ang studio kung saan naroon na rin ang mga nag-aabang sa audition. "May humahabol ba sa atin?"

"Hindi mo ba nakita? May lalaking nakatitig sa 'yo sa hallway."

"Lalaki? Saan? Wala namang ibang tao sa hallway."

"Aigoo! Palibhasa kasi lutangers ka habang naglalakad kanina. O baka naman..."

"Baka ano?"

"Ikaw, Yisabela..." Tinitigan pa itong mabuti ni Flo na tila sinusuri ang mukha. "Kung maglakad ka kanina para kang nasa tabing dalampasigan. Nagpapa-cute ka ba sa stalker mo?"

Napamaang si Bela. Sarkastikong nangiti at napa-roll eyes.

"Hindi porke pogi, mabuting tao na agad," patuloy ni Flo. "Sa romance drama lang 'yon totoo."

"Ay, wow. You're so bad talaga. Ni hindi ko nga napansin ang sinasabi mo kaya paano ako magpapa-cute? Sana hinayaan mo akong lumingon para nakita ko 'di ba? And then I could tell you--does he even pass my standard?"

"Aigoo! Curious siya oh."

"Aigoo, aigoo ka r'yan. Koreanang hilaw!" Sabay tinalikuran nito si Flo. "Pare-pareho kayo, umaastang as if kilala ninyo ako. Ang lalabong kausap!" Lumakad na ito na may malalaking hakbang patungo sa mga kapuwa nag-a-audition.

"Bela! Hoy! Sinong malalabo kausap?" Akmang susunod si Flo pero walang lingon-likod nang pumasok si Bela sa harang na inilagay ng staff members. Ibig sabihin ay off limit na roon ang hindi kasali sa audition.

"Tingnan mo ito." Napakamot-ulo na lang si Flo. "Bakit kaya nawala sa mood 'yon--ang init ng ulo... Naku, kailan ka pa natuto magtaray sa akin? Gumaganyan ka na sa hamak at batang-bata mong yaya... Aigoo!"

***

"To be in the show business is not what you really want in life, Bela. Don't lie to yourself. This is not your dream."

Nakatutok ang mga mata ni Bela sa bawat audition performance ng mga kasama niyang aspiring contestants, ngunit ang kamalayan niya ay inaagaw ng naging pag-uusap nila ng kaniyang daddy. Parang ngayon pa lang nagsi-sink in sa kaniya iyon.

At this point of her life journey, right timing sana ang pagtawag ng kaniyang ama. Ito kasi ang oras na kailangan niya ng suporta ng isang magulang. Sabik siya sa pagmamahal at pag-aalala ng mga taong nagluwal sa kaniya sa mundo. One call would be enough for her as long as it was to cheer her up and to wish her luck, letting her know whether win or lose for them she would always be a winner no matter what. Pero sa halip na palakasin ng daddy niya ang kaniyang loob, gusto pa nitong sumuko na lang siya.

"...I am your father and you are my daughter, that you can't change. Of course you will always be my concern. I care for you."

Care?

Saang banda sa salitang iyon ang katotohanan?

Niyakap niya ang hawak na violin. Napahugot siya ng malalim na paghinga. Napapikit. Kasunod ang mga luhang nag-unahang bumasa sa kaniyang mga pisngi.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon