Hell Side of Someone's Heaven

56 5 0
                                    

The Present - Chapter 10 - Hell Side of Someone's Heaven

Napabalikwas ng bangon si Bela. Nasalubong ng mga mata ang nakasisilaw na liwanag mula sa bintana. Napadaing siya sabay napapikit nang mariin. Hindi pa rin talaga siya nakapag-adjust sa bago niyang silid.

May ilang linggo na ring umeere ang programa nilang "Rising Superstar," pero parang bago pa rin sa kaniya ang araw-araw na routine sa Star Mansion.

Mula sa sampu, habang pabawas sila nang pabawas kada linggo, pabigat nang pabigat ang challenges. At lalo pa ngang bumigat dahil sa aksidente niyang narinig ang usapan ng major sponsor ng program at ng show runner.

Nilingon ni Bela ang kama na katapat niya. As usual, wala na roon ang kaniyang roommate na si Eizka Marvelles. Noong una, akala niya sobrang sigasig lang talaga ng team nito. Lagi kasi nitong nauunahan ang ibang team sa studio. Kaya nga hindi nakapagtataka na laging perfect performance ito. Somehow, gusto nang aminin ni Bela sa sarili na magiging talunan lang din siya, until she heard the truth --

Tumunog ang phone niya na nasa sidetable ng kaniyang kama. Agad iyong dinampot ni Bela. Tawag mula sa kaniyang Contest Manager:

"Girl, may problema tayo sa guest partner mo. Kita na lang tayo sa studio at 10 am. Babush!"

"Maxxie, wait! Hello?" Napakibit-balikat na lang si Bela nang makita sa screen na disconnected na ang kabilang linya.

Ano naman kaya ang problema kay Ram Gonzales?

Kumudlit sa isipan niya ang una nilang pagtatagpo. Sa East Wood Walk of Fame -- noong dinalaw niya ang tila puntod ng mga magulang. Umuulan noon at nagmamadali siyang humanap ng masisilungan nang bigla na lang makabanggaan niya ito at kausapin siya:

"Let's walk together, miss. Iwasan lang natin 'yang mga naghahanap sa akin. Anyways, I can provide you with my umbrella. Saan ka ba patungo?"

Nangiti si Bela sa alaalang iyon. Sinong mag-aakala na ito rin pala ang magiging celebrity guest partner niya sa singing challenge. Pero ano kaya ang problema?

Napabuntonghininga siya. Pinilig ang ulo. Hindi siya dapat padala sa maraming isipin. Isa lang ang dapat niyang pagtuunan ng pansin, at iyon ay ang kaniyang panalo. Basta nasa puso ang pananalig, walang pagsubok ang hindi magagawan ng paraan. Niligpit na niya ang higaan at masiglang humanda sa pagtungo sa studio.

***

Nadatnan ni Bela na kausap ni Maxxie ang producer na si Ma'am Carel sa studio.

"Yish, good you're here," kalmadong bati ni Ma'am Carel, habang si Maxxie naman ay halatang hindi mabuti ang pakiramdam paglingon sa kaniya.

"Is everything okay?" tanong-tugon niya, ang mga mata ay nakadirekta sa kaniyang CM.

"Your celebrity partner couldn't make it today," paliwanag ni Ma'am Carel, "but you go on with your rehearsal as scheduled. Maxxie will guide you as we already discussed. Hindi p'wedeng ma-delay ang routine natin dahil lang sa mga maliliit na problema tulad nito. Is that understood, Maxxie?"

"Yes, ma'am, I understand, pero sana po consider a replacement for Ram Gonzales--"

"We're done with that, Maxxie. Do your job as Yisabela's CM, don't cross the line. If the show runner doesn't approve to that request, they have reasons. Now, proceed with your work and no more buts."

Tango na lang ang naitugon ni Maxxie bago sila iwan n Ma'am Carel.

"What's that all about?" usisa ni Bela.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon