Hello Sweetheart

38 4 0
                                    

Interlogue - Fanboy 13 - Hello Sweetheart

Paroo't parito si Ghelo sa bahay, hindi alam kung ano ba ang gagawin ngayong day-off. Tahimik ang buong kabahayan mula nang umalis sina Philly at mommy nila. Nakapagtataka na sanay naman siya mag-isa dahil dati naman ay halos sa condo unit na siya naglalagi at weekend lang kung umuwi. Iba pa rin pala kapag alam mong malayo ang mga mahal sa buhay, naisip niya.

Naupo siya sa couch, hawak ang phone at gaya ng dati, tiningnan niya kung may update ang kapatid. Binasa niya ang most recent post nito:

Hey, Ram G. fanmates! In hiatus ako pansamantala. (Sad emojis) Pero happy na rin sa masayang pabaon ni Idol Ram na song video with Yish Concepcion! (hearts) Support natin ang next journey ni Idol. Sorry na for now, hindi ako makakasabay for personal reasons. Pero my heart is screaming for RamIsh. May pa-twitter party raw everyday sundan ang hashtag RamIshLove. Hahabol ako berry berry sooon! Nagmamahal, Philly.
 
Nangiti si Ghelo pagkatapos magbasa. Pinindot niya ang view comments.

Riza: Miss ka na namin agad, Pinpin!
Jovelyn: Uwi agad Philly kundi palitan ko name mo ng Abroad. (LOL)
Bon: Force be with you.
Lea: Yup, support natin ang RamIsh!
Jean: Okies. Basta for Ram.
Mei: Kung saan happy si Ram doon ako happy!
Marie: Habol ka. Bawal madapa.
Laine: Bangon. Taralets! Sundan ang hashtag and the light...

Marami pang comments kaya tumigil na si Ghelo. Pero napukaw ang pansin niya ng pamilyar na pangalan na naroon saka binasa ang mensahe:

Malik: Ingat ka, Philly. Kami muna bahala kay Idol. (hearts)

Pansamantalang nakatitig doon si Ghelo. Naalala niya kung gaano kasaya si Philly noong umuwi ito galing sa studio ng Rising Superstar. Nakausap daw nito si Ram -- at saksi roon si Malik. Dati, hindi maunawaan ni Ghelo ang pagiging fangirl ng kapatid. Iniisip niyang pag-aaksaya ng panahon na mahumaling sa mga celebrity. Pero dahil sa mga pinagdaanan ni Philly, sa pag-uusap nila nang masinsinan noong nasa ospital ito, at sa ginawa ni Ram na personal na pagdalaw, unti-unti nang nababago ang pananaw niya sa salitang fan. Hindi naman pala laging negatibo. Nagkaroon ng malaking impact si Ram sa buhay ni Philly para magkaroon ito ng karagdagang rason na sumaya, lumaban, at lumakas. Ganon din si Philly kay Ram. Dahil sa isang tagpo sa buhay nilang dalawa, nagkaroon ng panibagong will si Ram para ipagpatuloy ang craft nito. Balita ni Ghelo, binalak palang mag-quit na ni Ram. Sinasadya nitong hindi pagbutihin ang engagements at performances para sumuko na ang management nito. Ang dahilan, naiwan itong may duguang puso. It resonated to Ghelo who was once thought he found his true love. Pero nabigo siya at ang masaklap pa nga, nabingit siya sa kamatayan. Ghelo could never forget that one moment in his life. The moment he faced the brink of his life -- physically and emotionally. What could have happened if that anonymous girl never came to his rescue? If she never had talked to him while he was in coma?

Subconciously, Ghelo tapped the twitter app and signed up while continued reflecting. Just like him, Ram had faced the brink of life -- lost but found and saved in a special moment. Ang kaibahan lang, nakilala ni Ram ang savior nito, at hindi lang si Philly, kundi pati ang viral duet at si Yish Concepcion -- na kilala niya sa pangalang Bela, ang kaniyang Canon Girl. What a small world! Siya kaya, kailan liliit ang mundo nila ng sumagip sa buhay niya? Kailan ba niya ito makikita at makikilala?

All set! Natapos ang kaniyang pagninilay-nilay at tapos na rin ang pag-sign up. Mayroon nang twitter account si Ghelo, dedicated to RamIsh love team. His handle? RamIsher. Hinanap niya ang hashtag na RamIshLove. Marami-rami na rin ang tweets. Nag-scan read siya hanggang sa mapadpad sa tweet mismo mula sa handle na hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may sumusuntok sa dibdib niya kapag naaalala ito.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon