The Canon

521 16 17
                                    

Present - Chapter 5 - The Canon

Kinahapunan ay dumiretso si Ghelo sa TV network. Salamat kay Malik dahil maaasahan ito. Pina-research lang naman niya sa trainee ang schedule ni Ram Gonzales. Endorser iyon ng client nila na ginawan nila ng TV commercial kaya sigurado siyang may contact sila sa talent manager nito. Si Malik na trainee nila ang inutusan niya dahil gusto niya ay maging discreet ang kaniyang gagawin. Wala naman siyang tiwala sa mga nasa Media Department lalo pa at hawak iyon ng kaniyang frenemy na si Galver.

Yes, palihim na niyang ginamit ang koneksiyon ng MalCom Ad. Desperado siyang bumawi sa kapatid. Gagawin niya ang lahat para lang maging masaya ito. Para maiparamdam niyang handa siyang unawain ang sinasabi nito sa kaniya tungkol sa pagiging isang fangirl.

Malaya siyang nakakalibot sa mga studio dahil sa pass na ibinigay sa kaniya ni Malik. Maasahan pala ang trainee nila. Above his expectations. Now he might have a chance to a first-hand experience what was like to be a fan. Ngayong araw, nasa network daw si Ram para mag-rehearse sa Sunday variety show kung saan ito guest host ngayong Linggo. Dinaanan niya ang studio ng Sunday variety show. Wala pa ito kaya naglakad-lakad muna siya.

Habang lumilibot ay napahinto si Ghelo malapit sa fire exit. May narinig kasi siyang pamilyar na tugtog. Classic. Pachelbel's Canon in D.

May naglalaro siguro ng mobile game na Piano Tiles sa paligid, ang unang naisip niya. Pero nang marinig niyang sa ibabaw ng umeereng tugtugin, sumaliw ang isa pang tunog -- swabe -- string instrument. Nag-blend iyon sa recorded musical accompaniment o backing track pero nakalutang pa rin ang string part.

Live? May nagpa-practice sa paligid? Pero hindi naman sa loob ng studio galing.

Sinundan niya ang pinanggagalingan niyon. Napapasabay ang bawat hakbang niya sa ritmo ng tugtugin. Paborito niya ang canon music. Iyon bang nagbabatuhan at nagsasagutan ang mga nota. At itong masterpiece ni Johann Pachelbel ang the best sa lahat.

Natagpuan niya ang sarili na binabagtas ang fire exit. Paglabas niya ay may sulok na parang eskinita. Sumilip siya roon.

Confirmed. Live nga ang string part.

Isang babae ang tumutugtog ng instrumentong violin. Naka-maong jumper pants at rubber shoes. Off sa usual attire para sa isang violinist, pero refreshing. Ang ganda nitong panoorin, feel na feel ang pagtugtog. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang sinasabayan nitong backing track -- malamang sa phone nito.

Bawat kilos nito, kaisa ng musika. Ang sarap pagmasdan. Kahit parang hiphop na gangster ang porma, very feminine pa rin itong tingnan -- parang summer season ang impact sa kaniya, sakto pang tumama rito ang sinag ng araw.

Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil naka-side view ito sa direksiyon niya. Pero ang ganda ng hanggang balikat na buhok nito, unat na medyo may paalon. Parang ang lambot at ang gaan habang tinatangay ng mabining hangin.

Nakaka-in love tingnan at pakinggan... Parang idinuduyan ang puso niya.

Mayamaya, mula sa mellow, nag-iba ng ritmo ang tugtog...

Naging mabilis.

Maangas.

Not the usual transition of the said piece. It was supposed to begin calm and peaceful then would change to merry and cheerful mood in a classic style and approach. But this one turned into something else.

Metallic sound.

Canon Rock in violin? Ang astig!

This rendition... was arranged for electric guitar. Ghelo knew that. The Jerry Chang popular spin of Pachelbel's masterpiece, he and his high school gang and bandmates performed it a long time ago in a gig.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon