Steps and Concerns

503 12 26
                                    

A/N: I don't have any intention to offend or insult anybody so if you find offensive line or part, just to let you know, it's for characterization. Suggestions for improvement are very much welcome.
________

Present - Chapter 4 - Steps and Concerns

Ayaw mang iwan ni Ghelo si Philly sa ospital at ang mommy nila, kinailangan niya pa ring pumasok kinabukasan sa Malcom Ad.

The usual scenario. Pag-apak niya sa opisina ay nahawi ang lahat ng mga tao sa daraanan niya, pero rinig niya ang mga alingasngas. May ilang araw nang naka-leave ang chairwoman-president at dahil sa special power na ibinigay nito sa kaniya sa pamamahala sa company kaya naman mas pabigat nang pabigat ang atmosphere sa kaniyang paligid. Dama niya ang papataas na lebel ng stress. At ngayon, nadagdagan pa dahil sa pag-aalala niya sa kalagayan ni Philly.

"Manwhore."

Alam niya. Kunwari ay pabulong iyon ngunit sadyang pasaring sa kaniya iyon pagtapat niya sa office cubicle kung saan nagmula ang tinig. Huminto ng hakbang si Ghelo.

"Baguhan ka rito, so you should be aware na boyfriend daw ni President 'yang Boss Junior ninyo," patuloy pa ng pamilyar na tunog ahas na boses na iyon.

Lumingon si Ghelo.

Hindi nga siya nagkamali. It's Galver Sumilong. The Media Department Manager.

"Kung gano'n nga, sir, wala namang asawa pareho sila, 'di ba?" sabi ng kausap ni Galver.

Na-recognize ni Ghelo na iyon ang trainee na nakasalubong niya nang nakaraang araw. Nakaupo iyon paharap sa desk kaya malamang na hindi alam na naroroon siya.

"Sumilong, enough corrupting the minds of the youth," sabad ni Ghelo.

"Hey, Ghelo--Boss Junior!" Kunwari ay ngayon lang siya napansin ni Galver. Halata naman na umaarte ito. "Joke lang 'yon, of course. Hindi mo ba kayang sumalo ng biro?"

Ngumisi siya. "You know..." sa halip ay tukoy niya sa lumingon na kausap nito. "Malik Nuevo, right?"

"Sir Ghelo!" kandautal na bati ni Malik sabay tayo. Nauntog pa ang tuhod nito sa desk sa pagmamadali. Pigil ang pagngiwi, ngumiti ito kay Ghelo saka bumati, "Good morning, sir."

"If I were you," sa halip ay patuloy ni Ghelo, "I'll take vitamin C every day to protect yourself from viruses. You see that guy, your boss? Mr. Galver Sumilong has always been playing as my rival. I don't get him sometimes. He's already a manager, but still, he seems to be jealous of me. He would kill just to be in my position. Pero sorry na lang. Kahit pa nagpagamit 'yan sa lahat ng baklang executive, hindi pa rin siya nakuhang kanang kamay ng president."

"Watch your words, Mr. Jacob," seryosong sabad ni Galver.

"Oops. Isn't it a joke? Hindi mo ba kayang sumalo ng biro?" Sinalubong ni Ghelo ang mga titig nito. After all, he is telling the truth. Unlike this guy whose expertise is to blabber gossips with no basis.

Si Galver ang unang nagbawi ng tingin. "I apologize, Boss Junior. Hindi lang siguro ako sanay na nagbabato ka ng joke. Mainit ang ulo mo. Kalma." Tinapik-tapik pa siya nito sa balikat.

Tinabig niya ang kamay nito at tumalikod. Hinagod niya ng tingin ang lahat ng mga empleyadong naroroon. Halos sabay-sabay na nagsibalingan ang nga iyon sa kani-kanilang desks para maiwasan ang tagos sa lamang tingin niya.

Wala siyang pakialam kung ano ang impression ng iba tungkol sa kaniya. Matagal naman na siyang nakararanas ng panghuhusga.

Tahimik ang lahat at tanging lagutok ng sapatos niya ang maririnig nang dumiretso na siya sa kaniyang area.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon