Achilles' Heel

34 5 0
                                    

The Present - Fanboy 16 - Achilles' Heel

The whole theater breathed as if it had its own life. Bela never expected her mini-concert would feel this big. During the rehearsals, she thought her performances had hit her limit. But everything exceeded with the energy coming from the fans in the audience. Iyong inaakala niyang best niya, may iaangat pa pala. And now they reached the magical finale -- light sticks glowing.

Ram appeared on the spotlight, playing the intro of Pachelbel's Canon in D. Then came along Yish with the violin. Mellow music. Silence. Broken by the playful percussion. It was Ghelo behind those drums. Yish began to play Canon Rock on violin, empowering the piano and drums. This time the crowd danced along with the lively electric music the three instruments produced.

No doubt everybody enjoyed every part of the concert. Both fans and critics showed it via social media. Trending ang YishConcerto at nangunguna na naman ang RamIsh Love Team.

"Congratulations to all of us," bati ni Ram sa lahat ng nasa backstage. "And of course, to the real star of the night, Yish, I'm super happy and proud of you." Sabay bigay nito ng bitbit na bouquet. Kaniya-kaniyang kantiyaw naman ang mga nakasaksi noon. May pumalakpak, may napatili.

"Thanks so much," nahihiyang tugon ni Bela habang tinatanggap ang mga bulaklak mula kay Ram.

May nagkislapang mga ilaw. Kapuwa natigilan ang dalawa, napakurap dahil sa sinag ng liwanag mula sa mga kamera.

"Ang tamis naman ng eksena!" komento ng isa sa mga kaka-entrang press members na kumukuha ng larawan sa tagpong iyon.

"Ano naman ang real status ng inyong relasyon?" tanong naman ng isa.

Naglaho ang ngiti sa mukha ni Bela.

Maagap namang sumagot si Ram, "We're more than good, you know. Mas tumibay ang bond namin, mas nakilala pa namin ang isa't isa, especially during tapings and rehearsals--we discovered more of our talents together."

Namalayan na lang ni Bela na nakapalibot na ang mga reporter sa kanila. Luminga-linga siya. Kanina lang ay tanaw niya si Ghelo at ibang RamIsh fans na sumalubong at bumati sa kaniya kasama ni Maxxie.

"Ikaw naman, Yish. Anong pakiramdam na todo-suporta itong ka-love team mong si Ram sa iyong first concert?"

"Ha? Ako? Well..." Tumingin siya kay Ram at nangiti dahil ang totoo ay pinoproseso pa niya ang tanong sa kaniya.

"Nagba-blush siya, oh," tukso pa ng reporter.

"Ha? No," lutang pa rin niyang sagot. Nakantiyawan na naman tuloy siya.

"We'll take that as answer na may namumuong something. Ikaw na ba talaga ang gamot sa sugatang puso ni Ram?"

"Totoo ba 'yan, Ram? Finally naka-move on ka na sa non-showbiz ex mo dahil may Yish Concepcion ka na?" dugtong pa ng isa.

"Sorry to interrupt, press friends," saway ng manager ni Ram na ngayon ay manager na rin ni Bela. "Ram and Yish have to go. Masyado nang pagod ang mga alaga namin. Thank you for the overwhelming presence. See you next time sa press party."

Naramdaman ni Bela ang kamay ni Ram sa kaniyang likuran na hudyat na inaaya na siya nitong lumakad paalis ng backstage.

"Go straight to your dressing room. Don't look back," bulong sa kanila ng manager.

***

Huli sa akto ang matamis na eksena sa backstage ng nagdaang concert ng former Rising Superstar contestant na si Yish Concepcion at ang ka-love team nitong singer-actor na si Ram Gonzales...

Iyon ang lundo ng sari-saring artikulo na nagkalat sa Internet at tabloid kinabukasan kasama ang mga larawan nina Bela at Ram na nakuhanan ng mga reporter sa backstage. Tanggap naman ni Bela na hindi maiiwasan na bigyan ng kahulugan ang bawat kilos nila ni Ram sa isa't isa dahil love team nga sila nito. Lalo pa nga sa comments at social media threads, nariyang tinutukso sila ng RamIsh fans. Naisip ni Bela na napapasaya rin nila ang mga tao lalo na at nakikitang close sila ni Ram kahit hanggang sa likod ng eksena at kamera. Pero ayaw naman niya na paasahin ang mga ito sa ilusyon na may namumuong romantic relationship sa kanila sa reyalidad.

Una, hindi pa fully healed si Ram sa nagdaan nitong break-up. Pinaghiwalay lang naman kasi ang mga ito ng sitwasyon. Ang dating nobya ni Ram ay nakakulong sa hindi mabali-baling family tradition ng wedding engagement. Sapilitang pinaghiwalay ang mga ito kahit pa mahal nila ang isa't isa. Ibinahagi ni Ram ang istorya nito sa kaniya minsang nagka-heart-to-heart talk sila habang nasa downtime sa drama set. Ikalawa, mas komportable si Bela na katrabaho si Ram at nakakausap na walang ilangan gaya ng isang best fiend. Hindi naman mawawala na humanga siya rito, pero hindi iyong paghanga na may kasamang kakaibang kilig. Alam niya, hindi lang sila basta love team kundi iyong friends for keeps.

Nag-scroll pa ng news si Bela. Hanggang sa mahagip niya ang headline ng blind item column sa digital tabloid: Itinagong bituin noon, namamayagpag ngayon!

Tinuloy ni Bela ang pagbabasa: Da who itetch na isang papasikat na "star" na isa palang bastarda? Hep, hep, hindi ako judgmental ha! I am not against sa pagiging anak sa labas nitong si "star." Ang totoo, I feel for her. Kawawa naman kasi ang nasabing bata e itinago pala ng mga magulang na akala mo ay mabahong basura. Sorry for the term ha! E kasi naman ang "star" na ito pala ay anak din ng dalawang bituin! O 'di ba kaya pala 'di maitatanggi na magaling din ang batang ito. Nasa dugo naman pala kasi! Sino siya? Basta hindi ko na sasabihin kung saang show siya unang lumabas. Basta ang clue ko, "Rising" siya. Korek! Papaangat, at may potensiyal siya maging "Superstar." Gets? Babush!

Parang nag-yelo ang katawan ni Bela sa lamig na nararamdaman. Nakatulala pa rin siya sa article. Ano ang dapat niyang gawin? Dapat ba niya itong sabihin kay Maxxie at sa management? Pero parang hindi pa siya handa na idetalye rito ang lihim.

"Bela!"

Tumalon ang puso niya sa tawag ng humahangos na si Flo. Nabasa na rin kaya nito ang blind item?

"Bakit tulala ka pa, aigoo. Bilis, tumawag si Maxxie, mag-meet daw tayo dun sa Orlando's resto--"

"Flo? Bakit daw?" Lalo siyang kinabahan. Nakarating na rin kaya ang lihim niya sa management nila ni Ram?

"Basta, importante raw. ASAP. Bakit ka namumutla? May sakit ka ba, ha?" Sinapo-sapo ni Flo ang noo at pisngi ni Bela. "Oh ang lamig mo, may problema ba?"

Napalunok siya at napahugot ng malalim na paghinga saka alanganing tumango. "Flo..." Naluluha na siya at iniabot dito ang phone para mabasa ang blind item.

"Ano ito?" Sabay inabot iyon ni Flo at nang mabasa ang heading ay ipinukol ang nag-aalalang tingin kay Bela.

"I'm... scared." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ni Bela. Parang may nakabara sa lalamunan niya. Bakit ganito ang reaksiyon niya gayong ito naman ang ibinabala sa kaniya ng kaniyang ama bago siya sumabak sa Rising Superstar? Hindi nga siya nakinig dahil galit at pagdaramdam ang nangibabaw sa kaniya. Bigla, pumasok sa isip niya ang larawan ng masayang pamilya ng kaniyang ina. Siya ba ang magiging dahilan para masira iyon? Pakiramdam niya, anomang oras ay babagsak siya sa kinatatayuan. Mabuti na lamang ay mahigpit siyang niyakap ni Flo.

"Aigoo, Bela." Tinapik-tapik nito ang kaniyang likuran. "Aigoo!"

***

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon