The Near Future

1.3K 32 51
                                    

"Yish Concepcion, girl! Kanina ka pa sa harap ng salamin! Labas na at naghihintay na ang fans ninyo ni Ram," bungad ni Maxxie sa tent ni Bela. High-pitched na naman ang kaniyang handler -- well, sanay na siya rito.

"Wait lang naman, nag-aayos pa nga," sagot niya, napabuga ng hangin.

"Jusmiyo Marimar! Kanina ka pa nag-aayos, madam. May kalahating oras na nga lumabas ang makeup artists natin. Wala pang take, 'no, babati lang mga fans mo na nagsi-set tour -- sandaleh." Nag-fingersnapping pa ito. "Wait a minute, kapeng mainit!" Ngumiti nang makahulugan. "Fans lang haharapin mo, 'neng, hindi si Ram. Todo ayos ka d'yan." Ang tinutukoy ni Maxxie ay si Ram Gonzales na ka-love team ni Bela. "O baka naman..." Sadya nitong binitin ang sasabihin.

"Oh, ano? Alam ko 'yang iniisip mong 'yan, bakla. Mali ka."

"Ay, defensive ang lola! Hmmm, guilty ka, girl. Excited ka makita 'yong fan mong hyperactive sa Twitter, 'no, divuh? Iyong mahilig tumawag sa inyo ni Ram ng 'Sweetheart'? Ano nga ba usernamesung no'n..." Nagpalit-palit pa ang pagtaas ng mga kilay nito habang nag-iisip. "I remember, RamIsher!"

Ang pangalang mula sa love tandem portmanteau nila ni Ram na "RamIsh."

"Bakit, masama ba? Sipag kaya niya magpromote at manguna sa pagpapa-trend."

"E, 'di umamin ka rin. Masyado ka nagpapadala sa pilantik ng tweets no'n."

"Tingin mo, Maxxie, babae kaya siya o lalaki?"

"Why? Kung fafa siya, mafo-fall ka na, ganern? Malamang kung boylet kasing lambot din ng beywang ko 'yon." Kumembot pa ito. "Meron bang macho na mahilig sa love team, aber?"

"Overthinking ka." Sabay nag-roll eyes siya.

"E, kung labasin mo na kaya sila para ma-meet mo na ang iyong mysterious 'sweetheart.' Hindi 'yang ganyan na naghuhulaan tayo. Let's gow!"

Pagtayo ni Bela upang humanda sa paghakbang palabas ng tent, nasapo niya ang tapat ng kaniyang dibdib. Paano'y biglang kumabog iyon nang hahakbang na siya palabas.

"Bakit ba ako kinakabahan?" bulong niya sa sarili sabay maikling natawa at napailing. Muli ay humarap siya sa salamin ng portable dresser na naroon. "Yisabela Concepcion, ano ka ba? Fan meet lang ito, just like before." At nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga.

Pagtungo ni Bela sa nagkukumpulan niyang fans ay agad siyang sinalubong ng tili ng mga ito.

"Yish!"

"Our princess!"

"Hello, guys. Salamat sa pagbisita, ha?"

Matapos ay isa-isa nang nagpakilala ang mga ito sa kaniya.

Memorized niya ang mga username ng mga ito sa Twitter -- hindi pa naman kasi ito ganoon karami dahil nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Iilan man ay overwhelmed talaga siya na makita ang mga ito sa personal. Finally!

Pero isang username ang hindi nabanggit.

Wala si... bulong ng isip niya. Of all people siya pa ang wala?

"Si RamIsher wala pa," disappointed na sabi ng isa sa mga babaeng fans.

Napukaw niyon ang papalutang na utak ni Bela. "Yeah. Siya lang ang wala, ah," kasuwal niyang sagot. "Kilala n'yo ba siya sa personal?"

Nagkatinginan ang fans, napapailing.
"Ngayon pa lang din namin siya mami-meet."

"Hahabol 'yon. Nag-reply siya sa tweet ko. On the way na raw siya," sagot ng isa.

"Yish! Call ka na. Next na ang take mo," tawag ni Maxxie.

"Okay, I'll follow," tugon ni Bela rito. "Guys, excuse muna, ha? Wait ninyo baka parating na si Ram. Bond tayo later."

"Sure, thankies, Yish!"

"Take your time, beshie."

Magiliw na sagot ng mga ito.

***

Matapos ang take, feeling ni Bela ay nanggigitata na siya dahil sa pawis kaya minabuti niyang pumunta muna sa tent bago balikan ang fans nila ni Ram.

Panay punas niya sa pawisang mukha habang nagmamadali sa paglakad kaya hindi niya napansin na may nakausling kable sa dadaanan niya. Natipalok siya at hindi naagapan ang balanse ng kaniyang katawan.

Gosh! Madadapa siya--

"Oops!" sabi ng tinig ng isang lalaki.

Namalayan na lang ni Bela na nakakulong na siya sa bisig ng lalaking hindi niya kilala.

Napatingala siya para tingnan ang mukha nito.

Seductive smile! first impression niya sa estranghero. Ewan niya kung iyon ba ang tamang salita para roon. Iyon bang halos hindi gumuhit ang ngiti nito sa mga labi pero may kudlit ng saya ang mga mata -- na parang may malalim na sinasabi. Soul capturing. Nakakahalina ang mga tingin.

"Konting ingat naman, Sweetheart," sabi nito.

Doon nahimasmasan si Bela. Hindi dahil sa pagiging soft spoken ng lalaki na para bang boses motivational speaker, kundi sa sinabi nito.

"Sweetheart?" pabulong niyang ulit.

Isang tao ang agad pumasok sa isip niya dahil sa endearment na iyon.

RamIsher? Imposible! Itong mukhang artistahing ito? Pero porke ba fan hindi na p'wedeng maging good looking? pagtatalo ng isip niya.

"Sweetheart naman, makatingin akala mo nakakita ng multo," natatawang komento pa ng lalaki. Muling ngumiti. Hindi na tipid, kaya kusang lumabas na ang mga biloy nito sa magkabilang pisngi. Mas malalim nga lang ang sa bandang kanan.

Tumayo nang tuwid si Bela para makaalis sa bisig ng lalaki. Maingat naman itong bumitiw sa kaniya.

Nang muling magtagpo ang paningin nila, pakiramdam ni Bela ay mabibingi siya sa papalakas na pagtambol ng kaniyang dibdib. "Ikaw si..."

"Ghelo. Ghelo Jacob at your service." Sabay lahad ng palad nito para makipag-handshake.

Na hindi naman napansin ni Bela. Paano'y lito ang isip niya.

Ghelo? Ghelo Jacob? register ng utak niya. Pilit niyang inaalala kung may ganoon bang twitter handle sa fans nila ni Ram. Parang wala naman. "Do I know you?" walang ano-ano ay nasabi niya.

Nanatili ang nakalahad na palad ng binata. "Kaya nga nagpapakilala sa iyo, e. Si Sweetheart talaga..." Tipid na natawa. "It's me, RamIsher."

_______
A/N: All right!

The Past and The Near Future are both parts of the prologue. Pinaghiwalay ko para magkaroon ng emphasis. Next chapters will be The Present.

Comments, suggestions, criticisms are very much welcome... kung may magbabasa man. Thanks much! 😊

- Rainydusk -

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon