A Glimpse: Chubby Ghelo

529 16 16
                                    

A Glimpse - Chapter 8 - Chubby Ghelo

Isang binatilyo ang nalugmok sa damuhan, patuloy na tumatanggap ng suntok at tadyak mula sa mga nakapalibot na grupo ng mga kasing-edad na kalalakihan.

"Humihinga pa ba 'yan?" tanong ng isa.

"Tigok na 'yan, brader," tugon naman ng isa pang kasama.

"Bukas, laman na 'yan ng balita. Tingnan natin kung hindi ang fraternity n'yan ang pagbintangang nang-hazing sa kaniya."

Sabay-sabay nagtawanan ang mga ito.

"Tara na."

Dinig niya ang pagsara ng mga pinto ng kotse at pag-arangkada ng makina.

Makirot ang buo niyang katawan. Nangangapal ang pakiramdam mula mukha hanggang binti.

Nang tiyak niyang nakalayo na ang mga sasakyan ay gumulong siya upang tumihaya. Napadaing siya nang maramdaman ang sakit ng mga buto. Sa kaniyang pagkakahiga, halos hindi na mabuksan ang namamagang mga mata, pilit niyang tinanaw ang kalangitan. Doon ay nasilayan niya ang kislap ng liwanag sa gitna ng kadiliman...

Bulalakaw? bulong ng isip niya.

Bago iyon maglaho ay gumuhit sa kaniyang alaala ang mukha ng kaniyang pamilya -- ang ina at ang kapatid na umaasa sa kaniya.

Pinilit niyang bumangon kahit imposible. Halos pagapang niyang sinapit ang tabi ng kalsada. May matataas na talahib at hindi pa developed nang husto ang paligid kaya halos walang sasakyang dumaraan doon. Ngunit may papalapit na liwanag na naaninag si Ghelo. Pinilit niyang tumayo para mapansin siya ng paparating na sasakyan.

Ghelo was able to stand, waving his sore arms, trying to stop the passing vehicles but nobody seemed to notice him.

Hanggang sa bumigay ang kaniyang mga tuhod kasabay ng pag-ikot ng kaniyang paningin. He fell on the ground, still hoping someone would save him.

Miracle.

He always believed in miracles.

Sa isang tulad niyang mula sa hindi prominenteng pamilya, ang pagpasok niya sa prestihiyosong unibersidad ay isang malaking himala. Pinagsikapan niya ang scholarship niyang iyon sa Senior High, pero alam niyang ang malaking posiyento ng tagumpay na iyon ay biyaya ng tadhana.

Sa paaralang iyon, maraming pangarap ang natupad hindi man naging madali ang simula. Tampulan siya ng pranks at pambu-bully dahil sa katayuan niya sa buhay. Madali para sa iba ang husgahan siya dahil doon. "Chubby Ghelo" ang bansag sa kaniya at tinutukso ang suot niyang reading glasses.

Nakaka-culture shock sa simula. Ngunit may himala.

June 21, kasabay ng World Music Day, nakasama siya sa mga napiling finalists ng Clash for Campus Band. Siya ang tinanghal na ultimate winner sa instrumentong drums. At naging kilalang miyembro ng Rock High na opisyal na rock band ng kanilang unibersidad.

Nabago ang inog ng buhay niya dahil doon. Hindi na siya ang Chubby Ghelo na inaapi at ginagawang tampulan ng tukso. Nagkaroon siya ng mas mataas na tiwala sa sarili nang dahil sa mga humahanga at sumusuporta sa kanila. Lalo na nang maging girlfriend niya si Thalia, ang cheerleading queen sa campus.

Sobrang bigat na ng mga talukap ni Ghelo. Gusto nang bumigay at sumuko. Ngunit nang maaninag niya ang paparating na sasakyan, umasa siya. Pero muli, lumampas lang iyon sa kinaroroonan niya.

Tuluyan nang sumara ang kaniyang mga mata pero gising pa siya. Kaya narinig niya ang huni ng humintong sasakyan.

May mga yabag at tinig.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon