Chapter 2

10 1 0
                                    

“Eto na apartment building natin, bunso,” ani Kuya nang ihinto niya ang sasakyan sa harap ng isang mataas at malaking gusali.

“Fam Reyes Apartment,” bulong kong pagbasa sa pangalan na naka print sa tarpaulin na nakasabit sa harap ng terrace ng gusali.

Habang ‘di ko pa nakikita ang kabuuan ng gusali ay napanganga na agad ako sa laki nito. Pagkatapos ay lumabas na kami ni Kuya sa sasakyan at kinuha ang mga gamit sa backseat.

Magkaka-muscle na yata ako neto sa braso kakabitbit ng mga bag ko. Sinabi naman sa’kin ni Kuya na siya na’ng magbubuhat ng mga bag ko pero hindi ko naman pwedeng iasa sa kanya pati bag ko kasi may dinadala din naman siya. Grabe naman kasi talaga dinala ko’ng mga gamit. Halos buong kwarto ko, nadala ko na eh.

Halos maubusan ako ng hininga nang maibaba ko na ang aking mga gamit— pati ang Pikachu plushy ko— sa harap ng daanan papasok sa building.

“Good morning, mga anak,” pagbati sa amin ng hindi katangkarang babae nang marahan at malambing. Medyo maputi ang kanyang kutis, kulot and buhok at nakatali ng bun, medyo mataba, medyo may kasingkitan, hindi din katangusan ang ilong ngunit mapula ang mga labi. Maayos ang kanyang suot na mahabang damit na abot hanggang kanyang tuhod. Sa palagay ko’y nasa forty na ang kanyang edad at mapayapa ang kanyang ngiti—gaya ng kay Mama. Namimiss ko na kaagad si Mama.

Binati naman namin siya pabalik ngunit sa mas mababang energy. Napatingin ako kay Kuya at komportable siyang nakangiti sa babae.

“Siya na ba ‘yung kapatid mo, Def? Ang gandang dalaga. Ang ganda ng kutis. . . parang sa labanos,” saad ng babae nang medyo mas mataas ang tono kumpara sa kanina habang nakatingin sa akin nang may ngiti sa kanyang mga labi.

“Opo, Nanay Langga. Siya nga ho pala si Cleane Xyz. Bunso at baby namin sa bahay,” sagot ni Kuya habang lumapit pa sa’kin at inakbayan ako. Dahil dun ay bahagya akong napayuko para maitago ang aking mukha.

Mahinang tinamaan ko siya ng aking siko at tumawa silang dalawa. Pagkatapos ay pinipilit ang sarili na ngumiti—nakangiti ang mga labi ngunit tuwid ang mga mata.

“Mukhang totoo naman talaga sinabi ng Kuya mo, Cleane,” saad ni Nanay Langga nang masaya pero malambing pa rin pakinggan. Ang ganda lang sa tenga pakinggan ng tono niya.

Pero wala pa ring pagbabago sa aking ekspresyon habang nakaakbay pa rin sakin si Kuya.

“Oh, wait, hindi ko pa pala napapakilala sarili ko, ano?” at napaubo si Nanay Langga na tila hinahanda ang boses sa sasabihin pa niya. "Ako si Remedios Reyes. . . You can call me Nanay Langga... pwede ding Ate Langga dahil bata pa naman ako. . . And I am the owner of this uhmm, majestic villa. . . the Fam Reyes Apartment," dagdag nito na tila ba’y ipinapakilala ang sarili sa isang beauty contest.

“Forty-three years old na ‘ko. Biyuda, pero may dalawang anak sa abroad. Close naman ako sa lahat ng mga tenant dito like your Kuya. Nakikita ko kasi sila na parang mga anak ko na din,” dagdag pa nito sa mas mababang tono—seryosong tono.

Nag-umpisa akong maglakad patungo kay Nanay Langga at inalis ni Kuya ang kanyang braso na nakaakbay sa akin. Nang nasa mismong harapan na ako ni Nanay Langga ay niyakap ko siya nang mahigpit.

Hindi ko nararamdaman ang mga braso ni Nanay Langga habang ang aking ulo ay nakasandal sa kanyang leeg, ngunit maya-maya pa’y naibalot niya na din ako sa kanyang mga bisig. Hinahaplos niya din ang aking buhok hanggang sa maghiwalay na kami.

Habang hawak-hawak niya ang aking mga braso, “Awww, Cleane, anak. . . ang sweet mo naman,” ani Nanay Langga nang nakangiti at bahagyang kumikinang ang kanyang mga mata.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant