Chapter 29

2 1 0
                                    


"Konti na lang talaga, magmumukha na 'kong pinakaunang libro na nai-publish ni Luca Pacioli," sabi ni Kitty na mukhang stressed na. Di ko naman siya masisisi. Ang hirap naman kasi talaga ng Accounting.

Nasa Vistra Cleane Café and Resto kaming tatlo ngayon, magkatabi sa table sa second floor. Marami na rin namang mga customers dito ngayon pero tahimik naman at kaya naming magreview. Malapit na rin kasi ang Midterm examination namin.

Actually, gustong-gusto talaga ni Kitty na dito magreview ngayon. Sa tingin ko eh para ma-inspire siya dahil kay Kuya Kennedy. Hindi naman namin siya iiwanan dito mag-isa kaya sumama kami sa kanya. Wala nga lang si Kurt dahil sa library daw siya magrereview.

"Ba't kasi hindi kagaya ng sa'yo mga utak namin, Cleane. . ." marahang reklamo ni Yvan. "Gusto ko talaga buhayin si Mr. Pacioli tapos kunin utak niya tapos patayin ko siya ulit. Pwede ding buhayin ko siya tas patayin ko agad ulit."

"Ako, bubuhayin ko siya tapos uutusan ko siyang bawiin ng accounting. Dalhin niya hanggang sa hukay niya dapat. Hindi 'yung ipinalaganap niya pa," pahayag ni Kitty. "Mamamatay na lang, magbibigay pa ng hirap ehhh."

“Aaminin kong nag-MTAP ako nung elementary. Pero, ibang iba ‘tong accounting na ‘to.” Napapahawak na sa ulo sa Yvan habang nakatingin sa module niya.

Natawa na lamang ako pero syempre, nag-aalala din naman ako para sa kanila. "Kakayanin natin 'to, guys," I cheer. "Pwede din tayong mag-overnight para magreview.”

Tila kumalma na yata sila dahil napahinga sila nang malalim. "Pwede din. Sige, sige. Go ako diyan, bhe!" masayang sabi ni Kitty.

"Para magkaroon ako ng maraming baon sa exam, go din ako diyan," pagsasang-ayon ni Yvan.

"Let's decide later na lang kung kaninong house tayo mag- oover night, okay?" dagdag ni Kitty.

Nag-agree naman kami at nagpatuloy ulit sa pagrereview.

Makalipas ang ilang mga minuto ay nagulat na lamang kami dahil sa mga sigaw at tili na nanggagaling sa baba.

Napatingin kami sa hagdan at maya-maya pa ay nakita namin sina Marcou, Zyrone, Xeian, at Gelo na may bitbit pang gitara, habang naglalakad papunta yata sa’min.

"Bhe, sa ikaw na’ng pinagpala. That's all of it. Sana all," mahinang sabi ni Kitty, na tila itinatago ang kanyang kilig at pagtili.

Inaamin ko. Seeing him is indeed a magnificent view. At bumibilis pa lalo sa pagtibok ang puso ko habang lumalapit sila sa’min at halos napapatulala na lamang ako.

"Hi, Cleane," bati niya habang nakangiti nang nakakaadik at pagkatapos ay inihanda ang kanyang gitara. "I have never done this for a long time now, so. . . please bear with me," he then prepares his voice, smiles temptingly, strums the guitar, then sings "Ikaw Lang ang Aking Mahal" by Brownman Revival.
“Itanong mo sa akin. . . Kung sino’ng aking mahal. . .”

"Itanong mo sa akin.  . . Kung sino'ng aking mahal.  . ." panimula niyang kanta.

Tila napapasigaw na ‘ko sa kaloob-looban ko pero hindi ko magawang isigaw gamit ang lalamunan ko. Kaya naman ay nakakagat ko na lamang ang aking ibabang labi upang doon ko ibuhos ang lahat ng mga kilig na nararamdaman ko.

Sumasabay din naman nang mahina ang mga kaibigan niya. Sinasabi ko na nga ba’t napakaganda ng boses niya ‘pag kumanta eh.

His voice is heavenly, like it's taking me to somewhere beautiful, somewhere safe, somewhere I will be happy. It's like, he's taking me to his heart. He feels every word in the lyrics and looks at me with love. I can definitely see love-fiery love-in his eyes. He's putting me in a trance because as of now, he's the only one I see. He's the only one I hear. He's the reason why I feel so light like I could fly. His voice sends shivers even down to my spine. I can feel both ends of my lips tilting up, as I try to suppress a smile. I definitely want to smile-the widest I can. Maybe, I'm doing it. I just can't see.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt