Chapter 6

5 1 0
                                    

“Para saan ‘to?” tanong ko sa isip ko nang mawari ko na ang inumin sa harapan ko.

Isa itong iced milk. Ang iced milk ay milk version ng iced coffee, plus the jellies.

Napatitig ako sa iced milk, sunod kay Kitty na nakangiti sa’kin, at sumunod ay tumingala ako sa lalaki na nasa tabi ko. Pansin kong halos ayaw mag-steady ng mga mata ko sa kanya dahil na rin siguro sa ayaw kong mapansin niyang tinititigan ko siya. Kung kaya’t ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa iced milk.

"Pambawi ko sa pagbangga ko sa'yo kanina," sambit nito. Nabasa niya ba ang inisip ko?

Napalunok ako nang malalim dahil naririnig ko ang sarili ko na nauutal "Ahh. T-thank you." Napapikit ako, napakagat sa ibabang labi ko at nanigas ang aking mga kamay dahil sa nautal nga talaga ako.

Narinig ko’ng tumawa siya nang mahina. "You're welcome. Inumin mo 'yan ha. Ingat ka lagi," dagdag nito at ni-ruffle ang buhok ko.

Nanigas ulit ang katawan ko sa ginawa niya at bahagyang tumayo ang mga balahibo ko sa batok. “Ipagpatuloy mo pa, please?” isip ko.

Agad-agad niya  din namang binawi ang mga kamay niya mula sa ulo ko. Tila nais kong magrebelde dahil dun.

"Bye, Kitty. Bye, Cleane," dinig kong saad niya at bigla akong napatingin kay Kitty na bahagyang nanlalaki ang mga mata ko.

Nakita kong itinataas-baba niya ang kanyang mga kilay habang nakangti sa’kin. Pagkatapos ay kumaway na din siya sa lalaki.

"Bye. . . " dinig kong pagpapaalam din ng mga kaibigan niya na hindi ko muna nilingon.

"Binili niya 'yan para talaga sa'yo," halos mapaatras ako dahil biglang bumulong sa akin ang isa niyang kaibigan habang itinuro ang iced milk. Pagkatapos ay humagikhik ito ng mahina at umalis.

Hindi ko na halos maunawaan ang nararamdaman ko. Aaminin ko’ng kinikilig ako pero halos magkasalubong pa rin ang mga kilay ko kakaisip ng kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Masyado naman yatang weird.

Oo, aaminin ko din na pamilyar siya sa’kin pero hindi lang ako sigurado kung tama nga ba ang hinala ko dahil mukhang malaki ang pinagbago niya. Pero paano kung hindi? Saan niya naman nakuha pangalan ko? Facebook? Maaari. Pero hindi ko naman yata siya namumukhaan sa mga friends ko dun. Stalker? Maaari din dahil mukha naman siyang mayaman. O mayaman nga talaga siya. May kakayahan siyang mag-stalk. Ngunit sa tingin ko naman eh di siya masamang tao. Ewan ko na nga ba.

Napayuko ulit ako nang bahagya dahil nahihiya na ‘ko. Nararamdaman ko din kasi na maraming nakatingin sa’kin lalo pa’t marami ang tumitili para sa kanila kanina tapos sa’min pala patungo.

Paano kung i-bully ako ng mga nagkakagusto sa kanya? Sa kanila? Napakabaguhan lang pa man din ako dito. Kung sakaling may kumidnap sa’kin gaya ng mga nasa teleserye, ehh siguro nama’y may clue na sina Kuya at sina Kitty kung sino tumangka sa buhay ko nuh?

Naririnig ko din ang mga usapan ng ilang mga estudyante sa cafeteria.

"Swerte naman ng girl na 'yun."

"Sanaol."

"How to be her."

"Sarap nung iced milk, pero parang mas masarap si Gelo."

Bahagyang umaangat ang dalawang  dulo ng mga labi ko dahil wala yata akong narinig na masama mula sa kanila. Tuluyan na nga itong naging ngiti. Akala ko magiging masama tingin nila sa’kin.

"Bheee?” dinig kong tawag sa’kin ni Kitty at napatingin ako sa kanya na pinipilit ang sarili na itago ang ngiti.

“Namumula ka yata, bhe? Aren't you going to tell me anything?" mataas ang tono ni Kitty na sa palagay ko’y itinatago din ang kilig at tili.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now