Chapter 19

1 1 0
                                    

CLEANE'S POV:

“Meet tayo Cleane sa Pastrana Park mamayang 8pm. Please? Gusto ko lang makipag-usap,” chat sa’kin ni Joss.

Alam ko na agad kung ano ang gusto niyang pag-usapan kaya, I rejected his invitation. Pero, naging persistent siya. Gustong-gusto niya raw talagang makipagkita. Gustong-gusto niya raw talagang pag-usapan namin nang maayos ang lahat.

Huminga muna ako nang malalim, at nag-isip ng ilang minuto bago pumayag. Sana magiging maganda ang patutunguhan nito.

Nang makatapos na ‘ko sa pag-aayos sa sarili ko ay nag-chat ako kay Kuya na pupunta ako ng Pastrana Park.

Pero hindi ko sinabi na makikipagkita ako kay Joss dahil baka hindi pumayag ‘yun. Nagreply siya na sasama raw siya sa’kin pero sinabi kong huwag na. Kaya ko naman na sarili ko.

"Sasamahan ka ba ni Gelo?" tanong ni Kuya.

"Hindi po, Kuya."

"Pasama ka na lang sa kanya kung hindi ako ang sasama sa'yo, Chichu."

Ganun ba talaga kalaki tiwala mo sa kanya, Kuya? Hindi ako makapaniwala sa reply ni Kuya. Seryoso ho ba?

"Kailangan ko lang makasigurado na safe ka, Chichu lalo at gabi pa ngayon," dagdag niya.

"Pero kaya ko naman sarili ko, Kuya. . ." I replied, whining as I encode the message.

"Sasamahan ka ni Gelo, Chichu o hindi ka pupunta? :)" isinama niya pa talaga ang smiling emoji sa reply niya.

Kakaiba na ‘to Kuya ahh. Kuya naman ehh. . . Ba’t niyo ho ba ko pinapahirapan?

Huminga ako nang malalim bago ako nakapag-type. "Ok po, Kuya. . . Isasama ko na po si Gelo."

“Nice one, Chichu!” ba’t ko ba naririnig boses ni Kuya sa mga chat niya? Haaayyy. . .

In-off ko na phone ko at tsaka naglakad sa pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil bumungad sa’kin si Gelo na naka-itim na sweatshirt, may manipis na silver na kwentas at mukhang bagong ligo, na nakasandal sa pader sa tapat ng pinto ko habang naka crossed-arms.

Pinaplano ko pa nga lang na puntahan  siya sa kwarto niya pero andito na kaagad siya? Umamin ka nga, Gelo. Si Charles Xavier ka ba?

"Dito ka ba sa labas ng kwarto ko nagre-rent, Gelo?"

Nagawa pa niyang mag-smirk sa’kin.

"Saan punta mo ngayon, Cleane? Gabi na ah,” saad niya habang naglalakad papalapit sa’kin. Naaamoy ko na naman ang nakakaadik niyang bango.

"Sa Pastrana Park. . . " I said almost sighing.

"Samahan na kita."

"Kung hindi lang talaga ako inutusan ni Kuya, hindi ako papayag eh," bulong ko sa sarili ko.

"Ano yun, Cleane?"

"Wala. Sige na. Sama ka na. Basta, huwag kang gagawa ng gulo ha," seryoso kong sabi para seryosohin niya din ‘tong sinabi ko. Knowing him, baka makikipag-away ‘to ulit kay Joss ‘pag nagkita sila.

"Pumayag ka kagad? Bago ata 'to ahh. Baka date gagawin natin dun ha. Huwag muna. . . Virgin pa ko, little angel,” umarte siya na tila binabastos siya.

At ako pa talaga babastos sa’yo, Gelo?

Dahil dun ay sinuntok ko siya sa braso niya. "Oh di sige. Huwag ka nang sumama." At nagsimula na ‘kong maglakad nang mabilis papuntang elevator.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now