Chapter 13

2 1 0
                                    

Nakadapa ako sa kama habang nasa harap ko ang mga colored papers, gunting, mga ballpen ko, at tsaka isang plastic bag.

Magsusulat kasi ako ng bago kong mga entry sa jar of stars ko.

Ngayon eh maipagpapatuloy ko na sa wakas ang inumpisahan ko. Itatago ko na lang muna ang mga ‘to sa plastic bag at ilalagay ko na lang sa jar kapag dinala ko na dito next week.

Habang gumagawa ay nagpapatugtog ako ng music. At ewan ko ba kung bakit, pero on repeat ngayon ang pinakapaborito kong kanta, ang Sad Song by We The Kings. Mas damang-dama ko kasi ngayon ang kantang ‘to lalo pa’t nasa isip ko si Gelo. Haaaayyyyy, Gelo.

“I wish I am the one that Gelo loves.” Una kong naisulat sa isang strip ng pink na colored paper at agad na itinupi para maging star at tsaka inilagay muna sa plastic.

“Even if it isn’t me, I wish that girl will love Gelo as much or more as I love him.” Nasa yellow-green naman ‘tong strip. Masakit itong entry para sa’kin pero, hindi dapat ako maging selfish, diba?

Dinadasal ko naman na maging totoo mga wish ko dito pero kung saan sasaya si Gelo, eh susuporta na lamang siguro ako. Haaaayyy. . . Wala na rin naman akong magagawa na.

Maya-maya pa ay biglang nag-vibrate ang cell phone ko malapit sa unan sa paa ko. Gamit ang paa ko ay nakuha ko ito at agad na in-on.

Isang email lang naman pala ng dati kong classmate nung elementary. Sabi, may reunion daw kami in the next two weeks.

Napahiwi ang aking bibig habang nag-iisip. Hmmm, hindi pa ako sigurado kung aattend nga ba ako ng reunion dahil: una, siguro magsa-study na lang ako para sa accounting dahil hindi talaga biro ang Accountancy. Pangalawa, hindi naman sa ayaw kong makita ulit mga classmates ko nung elementary pero, I’m not into partying. At pangatlo, I’m afraid of meeting someone. Paano kung matatandaan niya ‘ko at bigla siyang mapalayo sa’kin?

Napabuntong-hininga na lang ako at pinatay ang cell phone ko.

Nililigpit ko na ang mga gamit sa kama ko nang biglang may narinig akong katok sa pinto. Baka si Kuya ‘to. Ibinalik ko na ang mga gamit ko sa study table na malapit lang din sa kama ko, in-off muna ang music sa cell phone ko, at tsaka naglakad sa pinto.

"Kuya?" tawag ko.

"Pizza?" sagot ng lalaki sa kabila.

Wow! Agad-agad kong binuksan ang pinto dahil naaamoy ko talaga ang nakakatakam na amoy ng ham at cheese at tsaka yung bell pepper. Nakakapanglaway naman talaga.

Pagbukas ko’y bumungad sa’kin si Gelo bitbit ang isang box ng pizza.

Halos mapaatras ako sa nakita ko ngunit hindi ko man lang maibaling ang tingin ko sa ibang direksyon.

Nakasuot siya ng puting muscle shirt at grey na pajama pants. Saktong-sakto sa kanya ang sukat. Maganda din mga muscles niya.

Napalunok na lamang ako sa tanawin sa harap ko.

Napansin ko din ulit ang itim na bracelet sa wrist niya. Ba’t nga ba suot niya pa din ‘yan hanggang ngayon?

"Hey, little angel. . . Mas masarap yata 'yang tinititigan mo kesa sa dala ko."

Mailang beses akong kumurap at bumalik na nga sa wisyo ko.

"Huh? Ba't ka ba kasi andito?" bahagyang tumaas ang boses ko.

"Kainin mo 'ko. . . Este. . . Kain tayo pizza."

Bahagyang napatigil ako sa paghinga sa sinabi niya. May problema ba ‘to sa reproductive health niya?

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now