Chapter 14

2 1 0
                                    


Mabilis akong nakapaghanda para sa pasok ngayong araw. Masaya kong pinihit ang knob ng pinto at nang magbukas ay bumungad sa’kin si Gelo na nakasandal sa pader na katapat ng pinto ko.

Suot niya ay puting long-sleeved polo na nakatuck-in tapos hindi niya binutones ang dalawa mula sa leeg niya. Dumudungaw tuloy ang napakakinis at maputi niyang collarbone. Hindi ko tuloy mapigilan ang lumunok nang mababaw lang naman.

"Good morning, little angel." Bati niya nang malambing.

"Good morning, Gelo. Ba’t ka naman nag-aantay diyan?”

"Isasabay kita sa school,” sabay lakad niya papalapit sa’kin.

"Ahh, eh kay Kuya ako sasabay."

"Saan ba si kuya?"

Bahagya akong napapikit.

"Este, saan ba kuya mo? Ipapaalam kita sa kanya."

"Nasa baba."

Hala. Paano 'to? Gugustuhin ko ba'ng magkita sila ni Kuya? Hindi naman siguro ako ilalaglag ni Kuya diba?

"Tara na."

"Pero, Gelo. . . Kay k-kuya ako sasabay."

Ngumiti siya. "Nahihiya ka ba sa'kin? Kinakabahan ka?"

Sinubukan kong maging matapang at tumingin ako sa mga mata niya.

"Hindi. . . Ba't naman ako mahihiya sa'yo?" mahigpit kong sabi. Kaya mo naman pala, Cleane eh.

Hinawakan niya ang ulo ko nang marahan para marahil ay makafocus ako sa kanya.

"Tingin ka nga ulit sa mga mata ko, Cleane. Tingnan mo 'ko nang diretso."

"Para saan ba, Gelo?" Tumingin ako sa nakakalunod niyang mga mata.

Nagkamali yata ako.

"Mahal mo ba 'ko?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang nanginginig pa yata ako. Nawala rin sa wisyo paghinga ko habang unti-unting nanghihina ang mga mata at tuhod ko.

Sinusubukan kong magsalita ngunit tila hindi pa rin makagalaw ang dila at mga labi ko.

"A-ano'ng tanong ba 'yan, Gelo?" sabay alis ko sa pagkahawak niya gamit ang mga kamay ko. "Una na 'ko," dagdag ko at mabilis akong naglakad papuntang elevator.

Narinig ko pa siyang tumawa nang mahina.

Ahhh, nakakatawa pala ‘yun, Gelo ha. Humanda ka, makakaganti din ako.

"Cleane, hintayin mo 'ko,” pasigaw niya habang dinig ko ang tunog ng pagtakbo niya.

"Bahala ka diyan."

Huminto ang elevator at nang bumukas ay bumungad sa’min si Kuya na nakatayo sa entrance ng apartment. Tumakbo naman agad ako sa kanya at niyakap siya. “Good morning, Kuya.”

"Good morning, bunso.”

"Good morning po," dinig kong bati ni Gelo at naghiwalay na kami ni Kuya.

"Good morning," bati din sa kanya ni Kuya habang nakangiti.

"Ahh, Kuya, siya si Gelo. . . Schoolmate natin tapos 'yung bagong lipat sa room na katabi ng sa'kin."

"Hello po. Gelo Travis del Castillo. Ka-ibigan ni Cleane."

Humakbang ako nang kaunti para makalapit kay Gelo at tinamaan ko siya gamit ang siko ko sa gilid niya nang mahina lang naman. Napatawa siya nang mahina habang hinahaplos ang bahaging tinamaan ko at saka ako humakbang ulit papalapit kay Kuya. Hinawakan ko pagkatapos ang braso niya at sinubukan siyang hilahin para makaalis na kami pero, naging matigas siya. Hindi ko na tuloy siya nahila. At ito, nananatili pa rin kami sa tapat ni Gelo.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now