Chapter 16

3 1 0
                                    


Katatapos lang ng flag ceremony noon at nakaupo na ko sa front row, yung malapit sa bintana at pintuan. Grade 8 ako.

Habang hinihintay naming dumating ang teacher namin sa room ay lumalakbay ang paningin ko sa labas. Marami pa rin talaga ang late. Sa dami ng mga estudyanteng late ay isang lalaking cute ang nakahatak ng atensyon ko.

Maya-maya pa’y napatingin din siya sa’kin at saka ko ibinaling ang tingin ko sa greenboard sa tapat ko lang. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at sinusubukang ibalik ang normal kong paghinga.

Simula nung araw na ‘yun ay walang lumipas na araw na hindi siya nakipag-usap sa’kin, either sa messenger o personal. At, nalaman ko na din ang pangalan niya—Joss Martin Natividad.

Nahihiya pa talaga ako nun na makipag-usap sa kanya pero habang lumilipas ang araw eh nagiging komportable na din ako sa kanya.

Mas bata siya sa’kin ng isang taon pero ang confidence niya, kakaiba.

Marami ding mga babae at binabae ang tumitili sa kanya para mabigyan niya ng atensyon pero tila wala siyang pakialam. Siguro nga’y seryoso siya sa pag-aaral at doon lang nakatuon ang isip niya.

Pero makalipas ang isang taon ay inamin niya ang nararamdaman niya para sa’kin at nagsimula siyang ligawan ako. Pero sinagot kong hindi pa ‘ko handa sa commitment at may ibang tinitibok ang puso ko.

Ang unfair ko naman yata nun sa kanya kung makikipagrelasyon ako sa kanya pero may mahal akong iba.

Sumagot naman siya na handa siyang maghintay hanggang sa maging ready na ‘ko. Pagkatapos nun ay patuloy pa rin siya sa panliligaw niya sa’kin.

Minsan, nag-aaway din kami at mabilis din kaming magbati—like how typical friendship is. Hanggang sa naging Grade 10 na ‘ko, napagdesisyunan ko na ibigay sa kanya ang puso ko bilang kapalit ng walang kapagurang pagmamahal niya para sa’kin.

Nakita  ko naman ang labis niyang kasiyahan nung sinagot ko ng ‘oo’ ang katanungan niya.

We were like normal partners.

Ipinapanatili naming secret ang relasyon namin. Hindi kami nagpapakita ng public display of affection pero inaalagan namin ang bawat isa. Alam kong ayaw niyang maging secret ang relationship namin pero ginagawa niya pa rin para sa’kin.

Andami din naming mga away. Actually, mas marami na yata away namin nung kami na kesa nung magkaibigan pa lang kami. Dahil na rin kasi sa pagkakaiba ng schedule at priorities namin.

Nang papalapit na graduation naming nung Grade 12, yung pagmamahal ni Joss ay tila namamatay na.

Naging concern naman ako sa mabilis niyang pagbabago. Inakala ko pa nga na niloloko na niya ko. Na may iba na siyang gusto. Na ayaw na niya sa’kin. Nagsisimula na din akong mag-isip na toxic na relationship namin.

Hanggang isang araw, nakapagdesisyon siya na makipagbreak sa’kin.

Noong una, hindi ako pumayag. Sinubukan ko pa ngang ayusin ang kung ano pang pwedeng ayusin pero, wala. Ganun lang kadali sa kanya na kalimutan ang higit isang taon naming relasyon. Buong buo na ang desisyon niya at wala na ‘kong magagawa kundi ang respetuhin at tanggapin ang gusto niya.

Sinabi niya na ayaw niya ng long-distanced relationship because love never works out that way daw.

Seryoso ba? Distansya ba talaga problema o tiwala niya sa’kin?

Still, I can no longer do anything kundi ang mag-move on.

Ilang gabi ko din siyang iniyakan pero naging madali sa’kin ang pag-momove on dahil kay Kuya. Habang summer break nila ay sinamahan niya ‘ko at tinulungan na kalimutan ang taong ‘yun. Ang pinakauna kong boyfriend.

Until finally, natnggap ko na ang katotohanan na hindi siya ang taong para sa’kin. Kahit na bumalik pa siya, hindi na ko babalik sa kanya.

BACK AT THE PRESENT:

"Hi, Cleane. How have you been?" tanong ni Joss na tila walang nangyari.

Napansin ko’ng may mga nagbago sa kanya. Una, nagkaroon siya ng puting tina sa kaunting buhok niya sa harap. Nagmukha itong highlight at bumagay naman sa kanya.

Pangalawa, mas kuminis siya ngayon. Huling kita ko sa kanya, mga tatlong buwan na yata nakakaraan eh, may kaunting acne breakouts siya. At mas pumuti pa siya ngayon at nagkalaman.

"Ayos lang. Ikaw?" naging matipid ako sa salita. Hindi ko rin naman maitatanggi na mayroon pa rin akong familiar feelings sa kanya pero wala nang ibig sabihin ‘yun para sa’kin.

"I'm good. But not like when you're with me," tugon niya.

"Who are you?" lumakad si Gelo sa harap ko at hinaharangan ako mula kay Joss. Kaya naman ay pinipilit kong makasilip sa kanila.

"Ikaw? Sino kaba?" ganti ni Joss nang mahigpit habang naka-cross arm.

At nakaramdam ako ng may humahawak sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ko si Kurt na mukhang seryoso habang bitbit pa rin ang mga libro ko.

Hindi nakasagot si Gelo kay Joss pero sa tingin ko eh nanlilisik ang mga mata niya dahil sa tono ng pagkatanong niya kanina.

"I'm Joss. Her ex," dagdag pa ni Joss nang nakataas-noo habang naka-smirk.

Bahagyang napakunot ang aking mga kilay dahil sa sinabi ni Joss habang bahagya akong napayuko. Dahil dun ay nakita ko ang namumuong mga kamao ni Gelo. Nagmamarka na ang mga ugat nito na senyales na maaaring mahigpit ang pagkaka-clench niya.

Hinawakan ko sa wrist si Gelo para mapakalma siya.

“Gelo, please?” halos pabulong kong sabi. Naramdaman ko rin na tila lumalambot na ang kamay niya at nawawala na ang mga kamao niya.

Effective yata ginawa ko.

Ilang Segundo lang ay lumingon sa’kin si Gelo at naka-smirk. Seryoso ba, Gelo? Kakaiba yata mood swings mo ah.

"Well, Cleane's ex. . . You're expired now. But I'm Gelo Travis del Castillo. Cleane's husband. Forever," sabi ni Gelo na tila matapang at inilahad niya kay Joss ang isa niyang kamay na hindi ko hawak para makipaghand shake.

Hindi ko naman sinasabi na kinikilig ako pero parang ganun na nga.

Kinakagat ko na nga lamang ang ibaba kong labi para mapigilan ko ang pagngiti at pagtili.

Gelooooo! Seryoso ba ulit?

Maya-maya din ay naramdaman kong nawala ang pagkakahawak sa’kin ni Kurt.

"Tara na, Cleane," narinig ko si Kuya. Napaharap ako kung saan galing ang boses at andun siya sa gilid ko lang, nakasakay sa kotse niya, hinihintay ako.

Binitawan ko na si Gelo at kinuha sa kanya ang bag ko na malaya naman niyang ibinigay. Kinuha ko na din kay Kurt ang mga libro ko, bahagyang yumuko, na ang ibig sabihin ay aalis na ‘ko, at tsaka naglakad papunta kay Kuya.

"Ingat kayo, Kuya. Ingat, Cleane," dinig kong sabi ni Gelo nang makapasok na ‘ko sa kotse.

Tumingin ako sa kanya at nakangiti pa siya habang kumakaway. Kakaiba ka talaga, Gelo.

Tumingin ako kay Kuya at nakangiti din siya sa kanya. "Salamat, Gelo. Ingat din kayo."

Pagkatapos ay pinatakbo na ni Kuya ang sasakyan at nakaalis na ako sa tension na namumuo kina Gelo at Joss. Haaaaayyyyy. . .

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now