Chapter 30

3 1 0
                                    

YVAN'S POV:

“Punta ka dito sa bahay, Vunny, please?” basa kong chat ni Zyrone. Ba’t ko nga ba naririnig ang boses ni Unggoy nung binasa ko message niya? Haaaayyyyy. . . Unggoy!

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para baka sakali eh magising ako sa katotohanan na hindi talaga nangyayari ang lahat ng mga ‘to sa’kin. Lalo ‘yung tungkol kay Unggoy.

Baka kasi guni-guni ko ang lang ang lahat at magising ako bigla na panaginip ko lang pala ang pagkakagusto sa’kin ni Zyrone.

Kasi naman eh, malinaw pa rin sa’kin ang mga nangyari nung high school pero pilit ko naman nang iniintindi ang sitwasyon niya.

Bumalik ang atensyon ko sa chat ni Zyrone at napag-isip-isip ko na pumayag sa imbitasyon niya. Wala din naman kasi akong ginagawa dito sa kwarto ko kundi ang humilata at pinapaligiran ng Stitch plushies at mga unan ko.

Teka lang. Siguro dapat hindi ako maging easy-to-get. Pero kailangan ko ba’ng maging mapagpanggap? Paano kung hindi siya mag-insist?

"Sige. Punta ako after an hour.”

Agad-agad niyang naseen ang message ko at nagsend siya ng cheerleader na sticker. Sumunod ay emoji na may heart na mga mata. Pagkatapos ay nagchat siya ulit.

“Thank you, Vunny! Ingat ka.” May kissing emoji pa ‘yan.

Oo na, oo na. Kinikilig ka na, Yvan. Siguro, pwede ka naman nang tumili, ano? Seryoso nga talaga yata siya sa panliligaw niya sa’kin. Parang ako lang nung Grade 7 palang kami.

Una ko siyang nakita sa Atendelle Prima University-High School. Nasa Ironman section siya tapos nasa Captain America naman ako.

Batang-bata pa ‘ko nun. Immature, impulsive, at halos hindi ako gumagawa ng wise decisions.

Aaminin kong na-love at first sight ako sa kanya. Isa kasi siya sa tatlong mga students na naassign na mag-hoist ng flag para sa flag ceremony. At kahit na bata palang siya nun eh napaka-attractive na niya at napakacharming pa. Tila lumiliwanag ang balat niya ‘pag natatamaan ng sikat ng araw.

Kumikinang pa ang bahagyang singkit niyang mga mata na napapalibutan ng mahahabang mga pilikmata. Matangos ang kanyang ilong. Matangkad din, at ang kanyang mga ngiti, sa unang beses ko pa lang nakita ay simple pero nakakahalina. Para ngang nagbago bigla ang pananaw ko sa buhay.

Nagdaan ang mga linggo at isinisigaw siya ng puso at isip ko. Hindi ko alam kung saan ko ang nakuha ang confidence ko pero sinubukan kong mag-confess sa kanya ng nararamdaman. At sa harap pa ng mga  classmates niya.

"Zyrone. . ." sabi ko nang nasa harap ko na siya. Bitbit ko ang gawa kong card at love letter sa likod ko."Crush kita," pagpapatuloy ko habang nakapikit ang mga at iniaabot sa kanya ang mga bitbit ko.

Ilang Segundo din akong naghihintay ng magiging reaksyon niya.

Naging tahimik bigla ang mga classmates niya. Nang ilang sandal. Pati siya. Pero maya-maya din ay napuno ng tawanan ang kwarto maging ang tenga ko. Hindi ko na sinubukan pang buksan ang mga mata ko, pero naramdaman kong kinuha ni Zyrone ang card at love letter mula sa mga kamay ko.

Pagkatapos ay may narinig akong napunit. At nang binuksan ko na nang dahan-dahan ang mga mata, nakita kong wala na siyang hawak. Pero nung tumingin ako sa sahig, nandun ang mga pinunit niyang card at letter na ginawa ko para sa kanya. Habang bahagyang nakayuko ay mas lumakas pa lalo ang tawanan sa kwarto at may kung ano pang masasakit na mga salita silang sinabi.

Tumingin ako sa mukha niyang blanko ng ekspresyon, habang pinipigilan ko ang sarili ko na lumuha. My fists are clenched, heart is broken, I’m trembling in pain, anger and hatred. Paano niya nagawang pahiyain ako sa harap ng mga kaklase niya? Pwede niya rin naman sigurong sabihin na hindi niya ako gusto sa mas mabait na paraan, diba?

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now