Chapter 8

3 1 0
                                    

“Here it is!” pagpresenta ni Kitty nang mapahinto kami sa harapan ng isang malaki at Pokemon-themed na café. Manghang-mangha ako sa napili nitong design.

"Vistra Cleane Cafe and Resto," pabulong kong basa sa Pokemon-themed font na pangalan ng café na nakadikit sa malaking window glass.

Bahagyang napakunot ang aking mga kilay dahil sa pangalan. Siguro kapangalan ko lang yung anak ng may-ari.

Two storey building ito ngunit ang second floor ay walang pader. Ngunit glass railings ang nakatayo sa edge ng palapag.

Napapanganga ako sa exterior design nito. Kulay dilaw at itim ang umaangat na kulay, at may mga red spots din. Isa pa’y may mga larawan din naman nina Piplup, Balbasaur, Charmander at Jiggly puff sa ibang bahagi ng sementadong pader. At ang pinto? Sobrang nakakaakit. . . para sa’kin. Dahil mukha ni Pikachu ang design ng sliding door nito. Aaaaaccckkkkk.

Coincidence nga lang ba lahat?Kapangalan ko yung anak ng may-ari at parehas din kaming paborito ang Pokemon? Kung makikilala ko lang siguro siya, siguradong magkakasundo din kaming dalawa.
Hindi lang ako nakakasigurado ngunit mukhang umaabot yata sa tenga ko ang ngiti ko ngayon.

May pumapasok ding mga customer sa café na halos lahat ay mga estudyante.

"Vistra Cleane Cafe and Resto," dinig kong basa din ni Yvan. "Ang catchy nung business name at nung theme. Makakahatak 'to ng maraming customers for sure."

"Yeah," dinig kong tugon naming lahat at napatango pa ‘ko.

"Sure ako na marami ang may favorite sa Pokemon since their childhood. Gaya ko. I'm a huge fan. Kaya, favorite kona din agad 'to," sambit ko. Wow, magtatatlong oras palang ako dito sa Atendelle pero napapa-English na ‘ko ah.

"Sa inyo pala 'to, Cleane eh. See. You have your name in it. And, you applied your favorite cartoon sa design ng building as well. Wise idea," napatingin ako kay Kurt at napatawa nang mahina.

Lumapit ako sa pinto ng café. "Tara na guys. Welcome sa cafe ko," pagpresenta ko na tila akin nga ‘tong café. Napatawa din naman sila nang marahan.

"Don't mind if I do, Madam," nag-curtsy si Kitty na tila isang prinsesa at binuksan ko ang sliding door.

"Welcome, Madam,” at pumasok na siya.

"Welcome, Segniores," pagbati ko kina Kurt at Yvan.

Napatawa na lamang sila at pumasok na din kaming tatlo.

Ang façade ng café ay nakakaakit na—siguro nga’y understatement pa ‘yun—ngunit ang design sa loob ay mas nakakapagpanganga pa sa’kin.
Pagkapasok pa lang ay bubungad na sa’yo ang makintab na mga synthetic grass na tila ipinapaalala sa’yo na nasa Pokemon world ka talaga. Marami ding mga mesa at upuan na gawa sa na-varnish-ang kahoy. Sa kanang bahagi mula sa pinto ay nandun ang section kung saan nag-oorder.

Mayroong apat na matibay na nakadikit sa malaking glass window na tila malalaking bilog na frame na maaaring ma-occupy ng dalawang tao bawat isa. Mukhang poke-balls ang design, gawa sa matibay na kahoy. Ang mesa sa bawat bilog ay na-cover ng puting tela na strategically folded para mas lalong gumanda.

Sa isang side, sa katabi lang nito ay may dilaw na pader na decorated ng mga Pokemon plushies. Halos mapatakbo ako agad-agad para mayakap ang bawat isang plushy pero mamaya na lang siguro. Meron ding mga stickers at banners na nakadikit.

Meron ding naka-hang na mga Poke-balls, streamers at flying-type Pokemons gaya na Pidgeoto . Perfect talaga ‘to sa selfies. At isa pa, meron ding isang life-sized statue ni Pikachu sa gilid! Hindi ko na mawari kung panaginip nga lang ba ‘to o totohanan na.

Tila mga bituin na siguro ang aking mga mata sa pagkinang.
At sa tapat ng pinto ay may hagdan patungo sa second floor.

"Guys, gusto ko muna makita yung second floor. Pwede ba? Kinikilig kasi ako sa design," saad ko nang paimpit sa tili. Sumang-ayon naman sila at sama-sama kaming umakyat.

Hindi ito nagpatalo sa mga desinyo sa baba. Napanganga at kumikinang pa lalo ang aking mga mata sa ipinaparating nitong vibes. Mukhang sentimental ang motif naman dito.

Masarap ang hangin dahil wala masyadong pader, may mga pixie lights sa mga poste at dingding, brown at simple lang ang kulay ng sahig, pader at mga gamit. Kapag didiretso ka pa pakanan mula sa hagdan na lalagpasan mo ang ilang mga mesa ay may space doon na wala talagang pader at nasisikatan ng araw. Wala sigurong bubong ang space na ‘yun ngunit may mga mesa pa rin at mga upuan na walang nag-o-occupy. Glass door lang din ang humihiwalay sa space dito at doon.

Sa kaliwang bahagi ng hagdan ay mayroong Pokemon bean bags. Andami ding mga unan, perfect para sa pillow fights.

May mga estudyante na ding nag-o-occupy ng mga mesa dito ngunit wala sa bean bags section.

"Guys? Gusto niyo bang dito na lang tayo kumain? Like, dito sa 'taas? Sitting on the bean bags?" napaharap ako kay Kitty.

Napangiti ako nang mahaba habang tumatango.

"Hindi halatang fan na fan ka ng pokemon, Cleane ah," sambit ni Yvan.

"Kaya nga eh. Kanina ko pa napapansing tumutulo laway niya at pati mga mata niya eh ngumingiti sa place na 'to," saad ni Kurt at napaakbay siya sa’kin. Napahakbang ako nang kaunti sa tabi dahil dun ngunit nag-adjust siya.

"Order na muna tayo sa baba, then balik tayo dito, okay?" ani Kitty.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now