Chapter 7

3 1 0
                                    

"Guys, it's still, 9:48 am and our next class starts at 10:30. . . Pahinga tayo saglit then punta tayo sa new cafe and resto na malapit lang dito sa school ha. My treat," ani Kitty pagkatapos niyang gumamit ng cellphone.

"Wow naman, Kitty. Akala ko talaga ipangsha-shopping mo ‘yung na-save mo pero ‘di na din kami aayaw diyan ha," tugon ni Yvan.

Nakangiti ding nagpasalamat kami nina Kurt kay Kitty.

"It's nothing, really. . . Okay, tatapusin ko lang pagpa-powder ko and then we'll go ha," at binuksan niya ang kanyang bag upang kunin ang kanyang kikay kit. “Ikaw, Cleane? Gusto mo?”

Umiling ako habang nakangiti. “Hindi na, Kitty. Ayos lang ako,” marahan kong sagot.

“I think you look even better nga ‘pag natural beauty lang, bhe.”

Bahagya akong napayuko at pahiyang ngumingiti.

Naglalakad na kami palabas ng campus nang may narinig ako’ng usapan mula sa dalawang babaeng nakaupo sa bench sa tabi ng main way.

"Siya ba 'yung binigyan ni Gelo ng iced milk? Swerte niya naman," dinig kong tanong mula sa babaeng mas maliit at nakatali ang buhok ng bun.

"Baka inutusan niya lang si Gelo na bigyan siya nun. Huwag ka ngang faney niya. Baka malandi lang 'yan," matulis na sagot ng isang nakaheadband.

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng aking labi dahil sa narinig ko. Merong kirot akong naramdamn na tumusok sa puso ko.

Napansin ko bigla na ibinigay ni Kitty ang kanyang bag kay Yvan. Pumasok na agad sa isip ko ang plano nito kaya’t hinawakan ko kaagad ang braso niya para mapigilan siya.

"Hayaan mo na, Kitty. Wala naman siyang alam sa totoo eh," sabi ko nang marahan at ngumungiti.

Oo, nasasaktan ako pero natuto na yata ako’ng mawalan ng pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa’kin lalo ‘pag hindi totoo.

"Kaya nga, Cleane. . . Ngayon, ipapaalam ko sa kanya kung ano yung totoo," nakangiti at mukhang kalmado lang si Kitty.

Nakaramdam ako ng kamay na nakahawak sa balikat ko. Tumingin ako sa kanya at nakangiti siya habang tumatango sa’kin. Sumasang-ayon ba siya sa gagawin ni Kitty?

Napahinga ako nang malalim at binitawan ko na pagkakahawak ko sa braso ni Kitty.

"Simplehan mo lang, Kitty ha," bulong ni Yvan.

Naglakad si Kitty papunta sa dalawang babae na tila nasa fashion runway. Catwalk ba ‘yan, Kitty? O mas magandang, Kitty walk na lang itawag?

Ang babaeng mas maliit ay nakita si Kitty na papalapit sa kanila at ngumiti ito. Hindi ko lang alam kung ngumiti nga din ba si Kitty sa kanya pabalik. Sa palagay ko, hindi.

Nang makalapit na si Kitty ay tinapik nito nang mahina sa balikat ang babaeng narinig naming sinabing malandi ako. Agad naman itong lumingon kay Kitty na nakapamewang na.

"Hi, Kitty," mataas ang kanyang boses at tono habang nakangiti, pati ang mga mata na halos mawala na sa pagngiti.

"Don't 'Hi, Kitty' me, Jasmine Monique Cordero. I heard you said something rude about my friend. . . which is totally not true," saad ni Kitty with some sass.

Yung ngiti sa mukha ng estudyanteng tinawag ni Kitty na Jasmine ay napalitan ng paglunok at panlalaki ng mga mata.

Napapansin ko ding marami nang mga estudyante ang nanonood sa kanila.

"Calling her malandi?. . . Kilala mo na ba siya? Ha?. . . I’m sure that you don't even know her name. . . yet you are judging her. Come to think of it. . . I know something that is absolutely true. . . about. . . you. . . Shiva Shen?" at marahang itinutusok ni Kitty ng kanyang daliri ang balikat ni Jasmine.

Nanlaki pa lalo ang kanyang mga mata at napanganga habang umiiling. Ang kasama niya naman ay nakakunot ang noo at tahimik lang.

"I-I-I'm sorry. . . I'm sorry, Kitty," tumayo siya at iniabot ang kamay ni Kitty.

Ang tapang talaga ni Kitty. Sana ganyan din ako katapang. Siguro, susubukan ko na din simula ngayon.

Ang kamay naman ni Kurt ay nakahawak pa rin sa balikat ko.

"Di ka sa'kin dapat nagso-sorry, Jasmine. Dun sa friend ko dapat," at lumingon sa akin si Kitty.

Naglakad papalapit sa’kin si Jasmine suot ang malungkot niyang mga mata. “I'm sorry kung najudge kita kaagad. . . Naiinggit kasi ako sa’yo dahil pinapansin ka ni Gelo. . . I’m sorry at ‘di na 'yun mauulit. Promise," saad niya nang marahan habang hinahawakan mga kamay ko at nakatingin sa mga mata ko nang diretso.

Ngumiti ako sa kanya. "Ok na, Jasmine. Hindi naman talaga ako nagalit sa'yo eh pero mali din talaga iniisip mo tungkol sa'kin."

"I know, and I’ve learned from my mistake. At pinagsisihan ko lahat ng mga sinabi ko tungkol sa’yo. I’m sorry."

"Basta, before you say anything, assure mo muna kung tama ba o mali, at kung nakabubuti para sa kapwa natin sasabihin mo ha," ani Kurt nang kalmado.

"I promise."

"Good," tugon ni Kitty. "The next time I encounter something like this again, talking nonsense about my friends, di ako magdadalawang isip na sabihin ang tunay na totoo, okay? Are we clear?"

"Yes, yes, Kitty," bahagya siyang nakayuko sa harap ni Kitty at pinabalik na siya sa inuupuan niya kanina.

Pagkatapos ay niyakap ko si Kitty at pinasalamatan dahil sa ginawa niya para sa’kin.

"It's okay, bhe. Hindi ko naman hahayaan na binubully kayo. Babae tayo, pero kaya ko kayong ipaglaban," pagkatapos ay ifinlex nito ang kanyang braso.

"That's our Kitty alyas Lion Queen," nakangiting sabi ni Yvan at hinawakan ang kamay ni Kitty para itaas ito na parang nanalo sa boxing match.

Nagpasalamat si Kitty sa amin na tila totoo ngang nanalo sa boxing at napatawa kami nang mahina sa kanya.

"Hindi pa nga kayo ni Gelo, may bashers ka na agad. Maling mali 'yun," dagdag niya nang bitawan na siya ni Yvan.

Okay. . . Hindi ko inaasahan ‘yun.

"Charrr!" pagpapatuloy niya na halos pasigaw na.

"You are really one of a kind, Kitty," dinig kong sabi ni Kurt.

"Aww, don't mention it. Ganyan lang ako magtreasure ng kaibigan," tugon ni Kitty. "Tara na nga. Tama nang drama 'to. Gora na tayo sa cafe."

Hinihingi niya ang bag niya kay Yvan at ibinigay naman ito sa kanya. Pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad papuntang café.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now