Chapter 5

8 1 0
                                    


“Saan niyo gustong kumain at tumambay?” tanong ni Yvan habang inaayos namin ang aming mga gamit sa bag.

Natapos na kasi ang una naming klase at vacant time na namin ang susunod na isang oras at kalahati.

“Library?” pagsa-suggest ko.

"Hmmm, next time na lang siguro, bhe kasi. . . uhmm, gusto ko munang mabisita mo ang ibang places dito sa school," sagot ni Kitty nang matapos na niyang isarado ang bag niya.

Tumango naman si Yvan. "Tama si Kitty, Cleane. As your new friend, duty namin 'yun para sa'yo."

Na-touch naman ako sa kanila. Ganito pala talaga sila mag-alaga ng kaibigan. Ang swerte ko naman sa kanila.

Napangiti ako sa kanila ngunit medyo nahihiya. "Sige, sige. Saan muna tayo pupunta?" tanong ko nang mas mataas na ngayon ang tono.

"Pwede ba 'kong sumama sa inyo?" napalingon ako kay Kurt.

"But if you guys feel uncomfortable yet, then I won't insist," dagdag nito nang pinipilit ang ngiti habang hawak ng isa niyang kamay ang isang strap ng bag niya na naisuot niya sa likod.

"Pa sadboy epek ka naman diyan Kurt,” napaharap ulit ako kay Kitty.

“Ano ba. . . Syempre, pwedeng-pwede kang sumama," pagpapatuloy nito. "Diba guys?"

Napatingin ulit kami kay Kurt at mas sincere na ang kanyang mga ngiti.

"Syempre naman, Kurt. At natural lang naman 'yung 'di tayo komportable sa bawat isa sa simula. Soon as we get to know one another ehh bardagulan na 'to sa topak," dinig kong sabi ni Yvan.

"Ehh ikaw, Cleane? Ok lang sa'yo?" tanong niya sa’kin nang bahagyang nakaangat ang kanyang mga kilay.

"Oo naman. Mas okay na ‘yun kesa mag-isa ka lang," sabi ko at napangiti ako sa kanya.

Ngumiti din siya pabalik ngunit ang sa kanya ay abot hanggang tenga. Tila ring kumikinang ang kanyang mga mata at namumula ang kanyang ilong sa pagngisi.

"Okay. then. Come on baminos. Everybody let's gooo to the. . . cafeteria. I'm hungry. . . Kain muna tayo bago pasyal," ani Kitty habang bitbit ang kanyang bag sa kanyang nakatuping braso at nagsimula na siyang maglakad.

“Hindi ka ba nakapag-almusal, Kitty? O naglilihi ka lang?” tukso ni Yvan na suot na din ang bag at sumusunod kay Kitty. Nagsimula na din akong maglakad.

"Syempre, hindi. I was running late na kanina kaya I planned na dito na lang kumain. And, food is life, Yvan ehh. Bakit ba? Mga naglilihi lang ba pwedeng kumain?" sagot ni Kitty sa kanya na bahagyang seryo na ang pagkakabigkas ngunit mataas pa din ang tono.

“Joke lang naman, Kitty. Ito naman. . . Seryoso masyado,” tugon ni Yvan kasabay ng mahina niyang tawa.

“Nakikipaglaro lang din ako sa’yo, Yvan,” saad ni Kitty at hinawakan si Yvan sa braso.

Natatawa na lang talaga ako sa dalawang ‘to. Ang tataas ng energy nila, pero hindi sila masakit sa ulo. Actually eh, natutuwa talaga ako sa kanila.

Pagkatapos ng mahaba-mahabang lakad ay nakarating kami sa isang malawak na kainan na katabi lang ng building namin. Open ito, walang pader ngunit may bubong. Napatango ako ng bahagya at napahiwi panguso ang aking ibabang labi sa pag-ayos nito. Marami ang mga mesa at mauupuan at may isang mahabang tindahan sa dulo.

"Welcome toooooo, Atendelle Prima University's cafeteriaaaaa!" pagpresenta ni Kitty sabay taas ng isang kamay. "Atendelle Prima University is a private school accommodating high school students, both junior and senior, and college students. So, they have different cafeterias for high school and college. Pero pwede namang pumunta ang high school sa college cafeteria and vise versa. Well, here is the cafeteria and there are more stalls in front of the school na nag-o-offer ng iba pang mga foods. Plus, may bagong bukas na cafe and resto malapit lang dito. We can go there after, but first, let's try the cafeteria foods," dagdag pa ni Kitty habang nakikinig lang kami sa kanya.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now