Chapter 22

1 1 0
                                    

BACK TO THE PRESENT:

Hindi ko yata mahanap sa dila ko ang mga sasabihin ko. Para kasi akong nasa cloud nine, kung posible nga siyang maging literal, dahil sa pagko-connect ko sa lahat ng mga pangyayari.

"Didn't expect it, did you? Yung dating tinutuksong pangit dahil sa bulutong. Yung dating binubully. Yung dating pinoprotektahan mo, is someone in front of you now, Cleane. Now, it's my turn to protect you," malinaw ang pagkakarinig ko sa mga sinabi niya kahit na malakas ang sound system.

I can feel my eyes starting to glisten in bliss and my breathing is coming back to normal.

Maya-maya pa ay biglang hinawakan ni Gelo ang kamay ko at hinihila ako nang marahan palabas. Sumunod naman ako nang walang pag-aalinlangan.

Sa lawak ng paligid ay napahinto kami sa isang bench—medyo malayo na rin sa hall pero naririnig pa rin namin ang sounds. May mga puno din sa paligid at iilang mga lamp posts, ningning ng mga bituin at liwanag ng buwan ang nagbibigay ng ilaw sa amin.

Magkatabi kaming nakaupo habang ibinabalik ang normal naming paghinga habang nakatingala sa langit. Aming pinagmamasdan ang ganda ng mga bituin dahil wala masyadong mga ulap at ang malamig na simoy ng hangin ay masarap din sa pakiramdam.

"Ba't mo 'ko dinala dito, Gelo?" at tumingin ako sa kanya.

Tumingin siya sa mga mata ko at tila nalulunod na naman ako.

Nakakapanghina ang kanyang mga titig na maaari ko na ring ihambing sa mga bituin.

"Gusto lang kitang makasama. . . Yung, tayo lang dalawa. Yung tahimik. . ."

"Pa'no yung party?"

"Wala na 'kong interes dun, Cleane. Kaya lang naman ako pumunta eh para makasama ka."

"So you knew all these time na magclassmates tayo nung elementary?"

"Mhmmm." Pagkatapos ay tumingin siya ulit  sa langit. "I could never forget you. . . Not a bit. . . Like how the moon never forgets to bring her little stars during the night."

Nanatili lamang akong tahimik dahil mukhang excited ang puso ko sa mga aaminin niya pa.

"You know the first time na nagkita tayo? Yung pinrotektahan mo 'ko sa mga classmates ko? I never really expected na ang tapang mong tao." He said in between his smiles. Then he looks at me. "With your cuteness, I judged you of being fragile but I was wrong. . . Ang bait mo, di mo ko jinudge kahit ang pangit ko talaga nun nung binulutong ako at, you stood up for me when I was weak. Then, I fell in love with your heart. Akala ko nung una, hindi 'to seryoso, pero tumagal ehh. And i never had the same feelings with somebody else. Sa'yo lang talaga tumitibok ng totoo puso ko, Cleane."

Hinahayaan ko lang siyang magsalita muna habang nakangiti nang napakahaba ang puso ko. Hindi nga lang ako sigurado kung nagta-translate ito sa mga  labi ko.

Unti-unti ko na ring nararamdaman ang mga luha sa likod ng mga mata ko habang patuloy kong dinadamdam at tinatanggap ang bawat sandali.

"Days, months, years after that, 'di ka na nawala sa isip ko, Cleane. Even when I shut my eyes at night, it's you that I see. . . Kahit nung mga times na nagpapapansin ako sa'yo? I don't know if you ever remember me pero, wala talagang effect lahat 'yun sa'yo." He laughs while I just smile. "And everytime na may achievement ka sa school, I was always your number one cheerer. . . Halos magkasugat-sugat lalamunan ko kakasigaw at mabali mga buto sa daliri ko kakapalakpak dahil sa sooooobrang proud ko talaga sa'yo. 'Di nga talaga kita ma-reach nun eh. Sino ba naman ako ehh ang pangit ko nun, maitim, andaming pimples, hindi matalino, mahina. . . Kaya hindi ko talaga masabi sa'yo noon na gusto kita kasi, ang taas mo na, Cleane. At takot din akong matukso. Takot akong matukso ka din nila. I dream of becoming your husband, and I will do everything para maabot yun, Cleane. Lalo pa't napakalapit mo na sa'kin."

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now