Chapter 3

7 1 0
                                    

"Chichu, 'di na muna kita masasamahan papunta sa room mo ha. Pero sabay naman tayong pupunta sa Head of Academic Council office para kunin schedules natin. Then, punta ka na sa room na nakasulat dun ha. May number naman every door of the room kaya madaling mahanap. Okay?" saad ni Kuya habang naglalakad kami nang magkatabi palabas sa parking lot.

"Okay po, Kuya," sagot ko. "At, Kuya. . . Pwede po bang huwag mo muna akong tawaging Chichu in public?. . . Nahihiya kasi ako eh," marahan kong tanong kay Kuya habang nakatingala sa kanya.

Tumawa siya nang mahina at hinawakan ang ibabaw ng ulo ko. "Bakit naman bunso? Cute kaya nun. . . Pero sige. . . Naiintindihan ko. Basta huwag mo din akong tawaging Kuya Mochi in public ha. . . Deal?" at ibinababa niya din naman ang kanyang kamay.

Tumango ako sa kanya habang nakangiti, "Deal kuya."

Bago pa man kami makapasok sa mismong gate ng campus ay mababasa na sa tabi nito ang mga gintong bakal na bumubuo ng Atendelle Prima University, na nakadikit sa pader. Ang gara naman talaga. Tapos marami ring malalaking mga puno sa kabilang bahagi nitong pader.

Mayroon ding mga streetfood vendors na nakahilera sa tabi ng daan. Andami na ding mga estudyanteng pumapasok na halos lahat ay naka civilian attire lang—shirts, sweatshirts, hoodie at nakapants lang. Kagaya ko. Sa first two weeks raw kasi ng school eh pwedeng mag-civilian muna lahat. Pero, pagkatapos ng two weeks eh required na ang lahat na mag-uniform.

Pero may naka-uniform din naman ngayon—mga lalaking naka inner white polo, blue necktie, nakagray na coat na may logo ng Atendelle, ID na blue ang lace, black na pants at black shoes. At mga babaeng halos parehas lang ang pang-itaas sa lalaki pero naka-skirt na hanggang isang inch lang sa itaas ng tuhod, at black closed-shoes—ngunit iilan lang naman.

Nanlaki ang aking mga mata at napanganga ako sa lawak ng campus nang nakapasok na ‘ko dito. Merong medyo malapad na daan sa gitna na may bubong na magdadala sa’yo patungo sa entrance ng malaki at mahabang building.

Sa bawat side ng daang to’y kasya ang halos dalawang basketball court at may mga upuan at mesa din sa ilalim ng shade ng mga puno para pwedeng mapagtambayan.

Tapos, kapag dumiretso ka pa ay may malaking building ulit na nakatayo. Kung ibabase sa dami ng patayong bintana para malaman kung ilang palapag ang building sa harap ko ay apat na palapag ito, ngunit hindi flatroof. Matanda na pero mukha pa ring glamoroso ang istruktura ng Atendelle—puti ang pintura na may malalaki ding poste.

“Andito na tayo sa main building, bunso,” ani Kuya. Di ko rin maipagkakaila na malawak din ang espasyo na bumungad sa’min.

Sa mismong harap ay nandun ang malaking hagdan patungo sa second floor. Nang tumingala ako ay nakikita ko ang mismong sementadong pinaka-kisame ng gusali. May paikot naman na railings na siyang harang para hindi mahulog ang mga dumadaan sa bawat palapag.

Mayroong malalaking poste na mukhang Corinthian columns na nagpapatibay sa gusali. Sa kanan ko ay may daanan pa para sa mga kwarto at may nakaharap din sa’ming pinto at bintana. Gayundin sa kaliwa ko. Pagkakaiba lang ay maraming mga estudyanteng nakapila sa kaliwang bahagi.

Mula kanina hanggang sa pagpasok namin sa main building na ito ay masasabi kong maraming mga estudyante—mapababae man o lalaki—ang nagnanakaw ng tingin kay Kuya. Famous talaga ‘tong Kuya ko eh.

Pero, di rin nito maiaalis sa’kin ang hiya dahil, halos pinipilit ko na lang ang aking sarili na tumingin nang diretso sa dinadaanan ko. Katabi ko si Kuya pero sasabay lang ako kung saan siya pupunta.

"Sige, bunso. Pila na 'ko sa Civil Engineering ha. Ikaw din, pumila kana dun," at itinuro niya sa’kin ang linya na katabi ng malaking hagdan. "Kita nalang tayo for lunch? Chat kita ha. Ingat ka bunso."

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now