Chapter 15

3 1 0
                                    

"Magkatabi lang apartment room niyo?!" halos sabay na singhal nina Yvan at Kitty. Nasa cafeteria ulit kami ngayong apat.

"Shhhhh. . ." sabay lagay ko ng daliri sa labi ko para mapatahimik sila.

"Paano'ng nangyari, Cleane?" mukhang interesado talaga si Yvan sa'min. Si Kitty naman, nakangiti lang na tila ba nanunukso habang naghihintay sa sagot ko tapos si Kurt, tahimik lang.

"Hmmm. . . Ewan. Basta naging ganun na lang bigla. Nagulat na nga lang din ako at nandun na siya," sabi ko nang marahan.

Bigla yata silang napatulalang tingin sa likod ko. Lumingon naman ako at halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil nsa likod ko pala sina Gelo at ang tatlo pa niyang mga kaibigan.

"It was destiny, little angel," saad niya ba habang naglapag ng iced milk ulit sa mesa sa harap ko at umupo katabi ko.

Nasa gitna na 'ko ngayon nina Gelo at Kurt. Ano ba kasing ginagawa mo dito, Gelo?

"Destiny? O stalker lang kita?" wow, Cleane. Siya magiging stalker mo? Napakagat ako bigla nang mahina sa bibig ko.

Napaisip naman siya. Ba't kailangan mo pang mag-isip kung stalker talaga kita, Gelo? "I won't put it that way but, it's close to that, Cleane."

Kumuha na din ng mga upuan ang tatlo niyang mga kaibigan.

"Ang stalker kasi, Cleane, hmmm, may negative na impression 'yan eh. But Gelo here has all pure intentions. Diba, Gelo?" saad ng mukhang Chinese niyang kaibigan.

"And what is that intention?" mabilis na sambit ni Kurt.

"I'm sure you know it, man," tugon ni Gelo sabay side smirk habang nanlilisik ang mga mata kay Kurt.

Tiningnan ko si Kurt at ganun din ang mga mata niya, ngunit umiigting ang kanyang panga. Okay, ano'ng nangyayari?

"Ehem. . ." narinig kong umubo si Kitty at siyang sumira sa nakakatense na ambience.

"Uhmm, I believe na hindi mo pa kami nakikila," marahang sabi ng lalaking may bad blood with Yvan. "I'm Zyrone Joseph Roberts, and you can call me Zyrone or Joseph or Zi or ZJ. Anything you want," dagdag niya sabay tayo at hand shake sa'min nina Kurt.

Cream-like at makinis ang complexion niya. Halatang mayaman o laki sa aircon kasi mukha ding healthy ang balat. Matangkad din siya dahil nasa binti niya lang ang taas ng mesa kumpara sa'kin na beywang ko na. At isa pa, Englisero din 'to. Mapapasabak yata kami nito sa English 'pag nagkataon.

Bumaling bigla kay Yvan ang tingin ko at napansin kong hindi siya nakatingin kay Zyrone at tila naging matulis ang kanyang mga mata.

"Kilala na din naman kita nung highschool pa tayo kaya 'di na kailangan ng handshake," kalmado ngunit mahigpit ang pagkakasabi ni Yvan na hindi pa rin nakatingin sa kanya.

Bahagyang napapikit na lamang si Kitty sa kanya at sumunod na nagpakilala ang mukhang Chinese na kaibigan nila.

"Hi, Cleane. Hi, Kurt. I'm Xeian Dylan Gutierrez. Nice to meet you," sabay tayo niya rin at nakipaghand shake sa'min.

I'm taking time para pagmasdan mukha niya kasi ang ganda ng mukha niya talaga. Kamukha niya si Lin Yi, yung Chinese actor. Yung kutis niya eh nag-go-glow tapos 'yung buhok niya, pang-Korean din yung dating. Parehas din talaga kay Lin Yi.

Pero bakit Gutierrez ginagamit niyang apelyido? Siguro Mama niya yung Chinese tapos Papa niya yung Filipino. Pero, isa pa 'tong Englisero. Mapapasabak talaga kami sa kanila.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now