Chapter 24

2 1 0
                                    

Weekend na ulit. Kaya naman ay umuwi ulit kami ni Kuya sa bahay. Wala na rin naman kasi kaming gagawin regarding sa school gaya ng pagpa-practice para sa Intramurals next two weeks.

Tinutulungan ko ngayon si Mama sa pag-aayos ng mga plato at utensils sa mesa para sa lunch namin.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok sa pinto namin sa sala.
Tatlo lang naman kami ngayon dito sa bahay-ako, si Mama at si Kuya. Si Papa ay nasa trabaho. Siguro may mahaba-haba siyang break ngayon kaya nakapagdecide siya na dito sa bahay maglunch.

"Ako na susundo kay Daddy, Chichu," sabi ni Mama nang mailapag niya na ang ulam sa mesa.

Tumango naman ako at nagpatuloy sa paghahanda ng kanin.

Pero parang natatagalan yata sila sa pinto. Nag-uusap pa ba silang dalawa ni Papa dun?

At maya-maya din ay naririnig ko na ang lumalakas nilang mga yapak. Na ang ibig sabihin ay papalapit na sila.

At tila may naaamoy na rin akong napakasarap na pagkain galing sa sala. Wow, may dala pa yatang pizza si Papa.

Pero, nang marinig ko ang boses ng lalaki, alam ko na agad na hindi pagmamay-ari ni Papa 'yun.

Pagmamay-ari 'yun ng taong napakapamilyar sa'kin. Agad namang bumilis ang tibok ng puso at nang-iinit ang mga pisngi ko kaya dali-dali kong inilapag sa mesa ang kanin.

Si Gelo 'yun. Ano'ng ginagawa niya dito? Wala ba silang practice? Paano niya nalaman address namin? Si Kuya ba nagbigay?

"Cleane, binisita tayo ng classmate mo daw sa Atendelle. . . Aba ehh may dala pang mga pizza. . . Ito oh, kainin natin pagkatapos ng tanghalian," sabi ni Mama nang masaya.

Dahan-dahan akong humarap sa kanila dahil hindi ako handa sa ganitong sitwasyon. Nakashorts lang ako tapos nakasando. Nakapagsuklay at nakapagtali na din naman ako pero parang hindi na 'to maayos. May mga hibla nang nakalabas sa tali ko.

Sinusubukan kong ngumiti bilang masayang pagwelcome kay Gelo sa bahay, ngunit hindi ko lang alam kung masaya ba talaga ang pagngiti ko o mahahalata ang kaba.

Inilapag na ni Mama ang dalawang boxes ng pizza sa mesa at napaisip ako bigla. Anong meron kay Gelo at pizza? Minsan naman, iced milk.
Pero kahit ganun, masaya pa rin naman ako dahil makakakain ulit ako ng pizza.

Speaking of Gelo ay napatingin ako bigla sa kanya at nadatnan kong nakangiti siya sa'kin habang tila mapanukso yata ang kanyang mga kilay.

Tiningnan ko siya nang masama at patuloy pa rin siya sa pagngiti.

"Dito ka na mananghalian--"

"Gelo po, Tita," saad ni Gelo habang nakangiti.

Pa-plus point ka kaagad kay Mama, Gelo ah.

"Gelo. . . Kay poging bata, oo. . . at napakabango pa. Dito ka na mananghalian. Sabayan mo na kami," pag-iimbita sa kanya ni Mama habang itinuturo ang mauupuan niya.

Ma, hindi pwede. Seryoso ba?

"Chichu, anak, dagdag ka ng isa pang plato, baso, kutsara at tinidor para kay Gelo at tawagin mo na din Kuya mo ha. . ."

Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil sa itinawag sa'kin ni Mama. Ma naman. . . ba't mo kasi ako tinatawag na Chichu eh andito si Gelo?

Tumingin ako kay Gelo para makita reaksyon niya at nakasmirk siya sa'kin. Nanlisik bigla ang mga mata ko sa kanya at agad namang nawala ang smirk niya.

That's more like it.

Tsaka ako umakyat para tawagin si Kuya.

Nananghalian na nga kami at gusto kong manatiling tahimik. Gusto ko na nga ring maging estatwa na lang. Yung matigas, hindi gumagalaw, walang nararamdaman, hindi nakakakita, hindi nakakarinig, yung nakaupo lang.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora