Chapter 18

1 1 0
                                    


“May naisip ka na bang gusto mong suotin, bunso?” tanong ni Kuya.

In-invite ko kasi si Kuya na samahan ako sa mall para bumili ng masusuot ko para sa reunion.

Oo, nakapagdecide na ‘ko.

Nakapagdecide na ‘ko na aattend ako ng reunion. Bakit? Wala rin talaga akong specific na reason. Sadyang ‘yun lang talaga sinasabi ng puso tsaka gut instincts ko.

"Gusto ko lang naman ng simple, Kuya. . . Kaya nga din sinama kita, Kuya, para tutulungan mo 'kong makapili," sabi ko nang marahan.

“Okay, bunso. Kahit na pambabae pa ‘yan eh kayang-kaya kong tulungan ka,” saad niya na tila confident at napatawa na lamang ako nang mahina sa kanya.

Nakarating na kami sa Lady’s Wear section at nagsusukat na ‘ko ng mga damit. Napapansin ko pang hindi yata komportable si Kuya sa section na ‘to pero pinipili niya pa ring samahan ako. Ang supportive niya talagang Kuya.

After several selections ay nakapili na ‘ko ng damit.

Soft pink plain fit and flare or skater ang dress style ito at gawa sa polyester crepe cloth. Mayroon na din akong sapatos sa apartment na babagay dito kaya hindi ko na kailangang bumili pa ng bago.

Galing din talgang tumulong ni Kuya.

Nakapila na kami ngayon ni Kuya sa counter para makapagbayad. Pero naantala yata ang daloy ng pila dahil ang babaeng nasa harap ko lang, na tila kasing-edad ko lang din, ay may problema yata sa counter. Kulang daw kasi pala ang pera niya para sa total na kailangan niyang bayaran.

"Pwede ho bang umuwi na muna ho ako at babalik para sa kulang kong 120 pesos?" dinig kong tanong ng babae.

Tumingin ako kay Kuya nang nagtatanong ang aking mukha.

Agad-agad ay ngumiti siya sa’kin na tila alam ang gagawin ko.

Hinawakan ko sa braso ang babae at lumingon naman siya na nagpapanic na. In-offer ko sa kanya ang 120 pesos ko at tumanggi siya nang marahan. Sinabi niyang tatawagan niya lang daw Mama niya pero nag-insist kami ni Kuya.

Napabuntong-hininga siya at ngumiti habang kinuha ang pera mula sa’kin tsaka niya ibinayad sa counter.

Natapos na din siya at kami na’ng sumunod. Natapos na din kami at nagsisimula na kaming maglakad ni Kuya palabas sa mall habang bitbit niya ang binili ko.

"Sobrang thank you talaga sa inyo, kahit di niyo ko kakilala. . ." sabi ng babae habang bitbit ang mga pinamili niya na hinintay pa kami na makatapos sa counter.

"Kailangan ko kasi 'to in preparation sa baby. . . Hindi ko pa pala kayo nakikilala. . . "

Hindi na kami nagtanong pa tungkol sa baby dahil hindi na namin concern ‘yun. Nagpakilala na lamang kami ni Kuya at sinubukan niyang tandaan ‘yun.

"Ako naman si Heaven. . . Heaven Fhyrelle Miranda. Sa Atendelle din ako nag-aral nung highschool. . . Pero sa iba na 'ko nag-aaral ngayong college. . ."

Maya-maya din ay natapos na ang usapan naming hanggang sa nagpaalam na kami. Pagkatapos ay nakabalik na din kami ni Kuya sa apartment.

Sumunod na araw sa school ay napatili kami sa saya dahil sa isang announcement—mayroong school’s intramurals na gaganapin sa susunod na buwan! Inaamin kong hindi naman ako athletic na tipo ng tao pero, nararamdaman ko pa rin yung saya at excitement dahil makikita ko din siyang makapaglaro ng volleyball.

YVAN'S POV:

Absent si Kitty ngayon dahil may importanteng bagay daw siyang dapat asikasuhin, habang si Cleane naman eh binabantayan ng dalawa niyang prinsipe.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now