Chapter 20

2 1 0
                                    

Sinasamahan ako ngayon ni Kuya sa kwarto ko dahil katatapos ko lang na mag-ayos para sa reunion namin mamayang gabi.

"Ganda naman talaga ng bunso namin. . . Paniguradong, center of attention ka na naman dun. . . Valedictorian na ng batch, sobrang ganda pa. . ." pagpupuri ni Kuya pagkatapos niyang makipagselfie sa’kin.

"Center of attention ka diyan, Kuya. Center of irritation kamo. Hindi ko na nga din halos natatandaan mga pangalan ng ibang mga classmates ko dun eh. . . Baka mapahiya lang ako."

Napatawa si Kuya. "Hindi naman big deal 'yun, bunso. . .Ako nga din eh, pero nairaos ko naman 'yung reunion namin noon. . . Mag- enjoy kalang dun, bunso. . . Sigurado ako'ng you'll going to have a great time there. . ." sabi niya habang inaayos ang ibang mga hibla ng buhok ko sa noo.

"Hali ka nga dito, bunso." Kuya gestures for me to come closer to him. Lumapit ako sa kanya at niyakap niya ‘ko.

"No matter what your choices are, I'm always right here. . .For you. . ." Punong-puno ng puso ang pagkakasabi niya nun.

"Sentimental ka na naman, Kuya eh. Manang- mana ka kay Mama."

Nararamdaman kong nagbabadyang tumulo ang luha ko ngunit pinipigilan ko ito.

"Hatid na nga kita. . . Baka sa MMK pa ulit mapunta 'tong usapan nating dalawa," patawang sabi ni Kuya pagkatapos naming bumitaw mula sa pagkakayakap.

Maya-maya din ay nakasakay na kami sa kotse ni Kuya at bumiyahe ng higit isang oras papuntang reunion.

"Ingat ka dito, bunso ha. At chat ka 'pag uuwi ka na para masundo kita," sabi ni Kuya nang makalabas na ko sa kotse at nasa tabi niya ako.

"Thank you, Kuya. Ingat ka din po pauwi. Love you, Kuya."

"Love you din, bunso. Bye."

Nang makaalis na si Kuya ay nagsimula na ‘kong maglakad sa hall. Medyo malayo pa lang ay malakas na ang sound at maliwanag na din ang loob, maging ang mga poste sa labas.

Nang malapit na ‘ko sa entrance ay huminga muna ako nang malalim bago pumasok.

Napapanganga talaga ako sa ganda ng pag-aayos sa hall na ‘to. Andaming mga lobo at streamers na kulay light blue at gold. Maganda din ang liwanag ng mga ilaw—hindi masyadong nakasisilaw.

Ang mga mesa at upuan naman ay maayos na naipwesto at maganda din ang paglagay ng mga tela at bulaklak. Marami na ding mga pagkain ang nakahanda sa mahabang mesa sa tabi. 

Habang ang music ay sweet at lively—nagmamatch talaga sa mood ng mga umaattend. Masasabi ko talagang pinaghandaan nang matindi ‘tong reunion na ‘to.

Marami na ring mga tao dito at sa iilan ay nakalimutan ko ang mga pangalan.

Maya-maya pa’y nilapitan  ako ng dati kong kaklase at ginabayan ako papunta sa table namin. Marami-rami pa rin naman ang mga bakanteng upuan kaya malaya akong nakapili ng mauupuan ko habang bitbit ko pa rin ang puting hand-held bag ko.

"Wow naman. . . Ang cute naman talaga ng valedictorian namin. . . Pag-aagawan ka dito ng mga single for sure, Cleane," sabi ng isa kong kaklase at kaibigan na si Adriene.

Nahihiya akong nakangiti at napayuko nang bahagya.

"Kaya nga eh. . . Perfect package na 'to. . . Matalino na, maganda pa. . . " dinig kong sabi ng isa ko pang kaibigan. Siya ‘yung nagsend sa’kin ng email. Si Jia.

"May boyfriend ka na ba, Cleane?" narinig ko ulit si Adriene. Napatingin ako sa kanya at umiling.

Nakikita kong napahiwi panguso ang ibabang bibig ng iilan habang tumatango. Habang ang iba naman ay nakangiti.

"Wala ka pang boyfriend, Cleane? O baka wala talagang nanliligaw sa'yo dahil mataas ang standard mo?" hindi ko natatandaan ang pangalan nung nagtanong sa’kin pero naaalala kong hindi ko siya naging classmate. Mula yata siya sa ibang section.

Sasagot na sana ako nang biglang may umagaw ng atensyon ko.

Group of people crowd the entrance of the hall making screams, and preparing their cell phones and cameras to take a picture at something. Or someone. Naging curious din kagaya ko ang mga kasama ko sa table at pinag-uusapan nila kung ano ‘yun maaari.

"May artistaba? Hindi yata tayo na-inform na may nag-imbita ng artistasa reunion party natin ahh," sabi ng parehong lalaki na hindi ko alam ang pangalan.

Nang unti-unti nang umaatras ang mga tao ay nakikita ko na ang pamilyar na tao.

There, in a blink of an eye, the world seems to have stopped spinning. It's like. . . the only thing that I can hear is my heartbeat and my most favorite song. He glimmers in the midst of the dim lights; His head gazing at every direction, probably looking for someone.

He stands out ever so perfectly over the others. His red long-sleeved polo, tucked in, and first two buttons unbuttoned accentuates his fair and supple complexion perfectly. He’s glowing. He’s definitely glowing. The way he brushed and made his hair is no exemption to his overall beauty; making him the most beautiful creature I have ever seen.

My heart almost skips a beat, yet pounding fast. My breath is irregular, as if I have forgotten how to. My eyes seem to sparkle, mouth trying to shut close as it wanted to agape. It seems like he has already found what he is looking for.

His lips curve a smirk—a triumphant smirk. His face, ethereal. I gulp as he takes every step directing towards us. Towards me?

"Hi, Cleane. . . My childhood love. . ." sabi ni Gelo habang nakangiti nang nakakapang-akit.

Parang hinihypnotize niya yata ako at halos hindi na ‘ko makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Memories come rushing back to me like a tidal wave; sudden.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now