PROLOGUE

4.1K 32 0
                                    


LYKA's POV

Loving someone is not easy, lalo na kapag hindi ka naman talaga niya gusto, 'yung tipong suntok sa buwan talaga. 'Yung uwak may pag-asa pa atang pumuti eh’ pero 'yung magkagusto sakin 'yung taong gusto ko,' yun ang malabo.

"Sis, ano ba kasing ginagawa natin dito?"

Pasado ala-singko na naman ng hapon at nagsi-uwian na ang mga estudyante habang ako naman ay nagpa-iwan sa School kasama itong kaibigan ko para mag-iwan ng regalo sa taas ng table ng taong kinababaliwan ko.

"Ssshhh..Shut up ." Suway ko rito.

Simula noong pumasok ako ng first year college sa Clarkson University, doon ko nakita ang lalaking gustong gusto kong pakasalan at makasama hanggang sa pagtanda.

He is almost perfect, an ideal man and a husband, kaya todo papansin talaga ako sa kaniya,nagpapacute pa nga ako, then I try to seduce him but I failed.

Well, di lang naman ako ang nag iisang Girl student na nagpapansin sa kaniya, halos lahat na ata ng girl student sa CU naakit sa kagwapuhan niya. Pero wala lang sa kaniya 'yun, he act normal at hindi pinapansin ang mga kababaihan na hinahangaan siya. By the way his name is  Arthur Beunaventura, and he is my... Professor.

Sobrang linis ng office nito at mabango habang maayos  naman na nakasalansan ang mga gamit nito sa itaas ng table niya. Nakauwi na siya kanina pa kaya h'wag niyo ng tanungin kong paano ko nabuksan ang pinto ng office nito.

"Heller, sis! Anong oras na, mamaya mahuli pa tayo ni Manong guard!'' pagereklamo naman nito.

Kaya ang hirap kasama 'tong bakla na ito, masyadong madaldal. Mahuhuli talaga kami mamaya dahil sa sobrang ingay nito. Maingat ko na lang na inilapag sa itaas ng lamesa ang mga tumpok na rosas na binili ko kanina kasama na din ang cute na stuff toy na may nakalagay pang word na "I Love You" sa gitna.

Aalis na sana ako ng matanaw ng mga mata ko ang isang litrato. Picture iyon ni Sir Art kasama si Ma'am..... Chelsea?

Base sa background ng picture ay mukhang nasa Boracay sila, at ano naman kaya ang ginagawa nila doon?  Dahan-dahan ko namang kinuha ang litrato, gusto kong e-sure kong si Ma'am Chelsea  nga iyon pero nagulat ako ng bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto, dahilan para mabitawan ko ang picture frame na hawak ko at nabasag.

"May tao ba diyan?"

Patay!

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now