CHAPTER 32

1.1K 21 0
                                    

Alas-nwebe na ng gabi pero wala pa din si Arthur kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Nong una okay lang naman siya, akala ko naging sapat 'yong pag-stay ko sa tabi niya para kahit papano ay gumaan ang mabigat niyang dinadala pero hindi pala.

Tatlong araw na kasi siyang hindi umuuwi, tinatadtad ko siya ng text pero hindi siya nagrereply.

"Ma'am, gabi na po. Bakas gusto niyo na pong magpahinga." Wika ni Tala.

Ngumiti ako sa kaniya sabay iling, gustuhin ko mang magpahinga pero baka hindi rin ako makatulog. Sobra na akong nag-aalala kay Arthur, nagawa ko ding tawagan si Kuya Jexter pero kahit siya ay hindi rin alam kong nasaan ngayon ang asawa ko.

Napatingin ako sa wall cloc'k ng mapagtantong alas dose na ng gabi. Pinauna ko ng pinatulog si Tala dahil alam kong pagod 'yon sa gawaing bahay, napapahikab nadin ako ng ilang beses pero pinilit ko na lang na imulat ang mga mata.

Papikit pikit na ako  ng bigla namang nagring ang phone ko, sinagot ko naman 'yon agad ng makita ang caller id ni Arthur.

"Arthur? Nasaan k-"

"Chelsea? Bakit mo ginawa sa'kin ito? Alam mo naman kong gaano kita kamahal diba?" Wika nito sa lasing na boses.

Rinig ko pa ang pagsinghot nito at alam kong umiiyak siya, hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito.

"Alam mo kahit gaano pa kasakit 'yong ginawa mo sa akin, willing pa rin ako na patawarin ka. Iloveyou Chelsea, please come back." Dagdag pa nito.

Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong maramdaman, namalayan ko na lang na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko. Bakit ang sakit pa rin?

"Where are you? Susunduin kita." Pigil hikbi kong wika.

Hindi na siya sumagot at bigla na lang naputol ang tawag, napaupo ako sa sahig at tuluyan ng napahangulgol sa iyak.

Ang sakit pa rin pala kahit pilit kong isipin na wala na, akala ko ba ayaw niya akong mawala sa buhay niya pero paulit-ulit niya lang din naman akong pinagtutulakan.

Dumating na din siguro sa puntong napagod na ako kaya maaga pa lang ay iniligpit ko na ang mga gamit ko.

Kapag pala paulit-ulit kang sinasaktan ay nakakasawa at nakakapagod din, 'yong tipong gusto mo na lang lumayo kong saan malayo ka sa taong nagiging dahilan ng sakit na nararanasan mo ngayon.

"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Tala.

Isa-isa kong inimpake ang mga damit at maayos na isinalansan sa maleta, nanggaling ako sa broken family at ayaw kong maranasan ng anak ko ang bagay na iyon kaya kahit masakit ay paulit-ulit kong tiniis pero nakakasawa rin pala.

Hindi ko na sinagot si Tala at mabilis na  lumabas ng kwarto, kahit umalis ako ay hindi niya rin naman ako hahanapin.

Sapat na 'yong ilang buwan para manatili sa tabi niya at alam naman naming pareho na hindi talaga kami 'yong para sa isa't-isa.

Bago ako tuluyang lumabas ng bahay ay pinirmahan ko muna ang divorce paper, patunay lang 'yon na pinuputol ko na kong ano man ang koneksiyon naming dalawa  at ito 'yong desisyon na pinili ko para makalaya na.

"Ma'am Lyka?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Tala.

"Tala,Thankyou sayo ha, kasi kahit na pasaway ako at matigas ang ulo hindi mo ako sinukuan. Manatili ka lang dito sa mansiyon at ipangako mo sa akin na hindi mo iiwan si Arthur, galit ako sa kaniya pero kahit na gano'n mahal na mahal ko pa rin 'yong taong 'yon."

Hindi ko na napigilan ang sarili kaya nagsimula ng magsibagsakan ang mga luha ko, sobra na akong nahihirapan. May part na ayaw ko siyang iwan pero mas matimbang 'yong sakit na ibinigay niya sa akin.

Tuluyan ko ng tinalikuran si Tala at nagsimulang ihakbang ang mga paa papalayo, pagbukas ko ng main door ay mukha agad ni Arthur ang bumungad sa akin, mula sa seryosong awra ay mabilis iyong napalitan ng pagtataka.

"Where are you going?" Tanong nito bago ibinaling ang tingin sa maletang hawak-hawak ko.

"Im leaving..." Tipid kong sagot.

Hindi na siya nagsalita kaya nagsimula na akong maglakad palabas ng pinto, pero bigla nitong hinawakan ang braso ko para pigilan ako.

"Saan ka pupunta? Vacation? Samahan na kita."

Hindi ko alam kong dapat ba akong mainis sa isinagot nito sa akin, tanga ba siya o slow?

Hinila ko ang braso na hawak-hawak nito bago ko siya tinapunan ng seryosong tingin.

"Aalis ako hindi para magbakasyon kundi para magpahinga kasi nakakapagod ka na. Hindi ko na alam 'yong gagawin ko, nahihirapan na akong mahalin ka,Arthur." Bulyaw ko rito.

"No, Your not leaving."

"Pumayag ka man o hindi aalis pa rin ako, nasa akin ang desisyon wala sayo."

Tuloy-tuloy ang lakad ko habang pilit naman akong pinipigilan ni Arthur, kong paiiralin ko ang pagiging marupok sarili ko lang din ang sasaktan at pahihirapan ko.

"I said  you're not leaving, bakit ba ang tigas ng ulo mo!"

"Bakit ba ang tigas ng puso mo!" Sigaw ko sa kaniya.

Natahimik ito sa sinabi ko habang dahan-dahan ang pagtulo ng mga luha ko. Seryoso lang ang panitig namin sa isa't-isa habang pilit na itinatago 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Halos lahat ginawa ko para lang mahalin mo, simula nong naging Professor kita puro sakit lang 'yong ibinigay mo sa akin hanggang ngayon. Minsan ko lang naramdaman 'yong pagmamahal mo ni hindi ko nga alam kong totoo ba iyon o palabas lang, nakakapagod ng magpakatanga sayo ng paulit-ulit, " Dagadag ko pa.

Nong mga oras na iyon ay nailabas at nasabi ko lahat ng sama ng loob sa kaniya, akala ko sa paghihiwalay nila ni Ms. Chelsea ay may pag-asa pa para matutunan niya akong mahalin pero doon ako nagkamali.

"Stop acting childish!"

"Bakit?Dahil ba 13 years ang Age gap natin? Ang sakit mo namang mahalin kung ganun, pinilit kong  intindihin ka dahil magkaiba ang takbo ng utak natin, mas matured ka kesa sakin pero tang ina naman! Bakit pakiramdam ko ako lang yung nagmamahal?"

"Let's talk inside"

"Hindi, Gusto ko ng putulin kong ano man 'yong koneksiyon nating dalawa kaya pinirmahan ko na 'yong divorce paper. Mahal na mahal kita kong alam mo lang pero.... simula ngayon binibitawan na kita."

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now