CHAPTER 26

1.1K 15 1
                                    


Napalingon ako kay Arthur na ngayon ay madilim ang awra habang naglalakad papunta sa direksiyon namin.

"At sino ka naman?" Tanong sa kaniya ng lalaking may hawak sa'kin.

Hindi siya sinagot ni Arthur at sa halip ay tinanggal nito ang kamay ng lalaking nakahawak sa'kin at pabagsak niya iyong binitawan.

"Are you okay?" Kalmadong tanong nito habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Tumango ako sa kaniya bilang pagtugon saka naman ako ngumiti para ipakitang okay lang ako.

"Hoy lalaki! Bingi ka ba? Ang sabi ko sino ka?" Pag-uulit nong isa.

Nanatili lang nakafocus sa akin si Arthur  at hindi man lang pinapansin ang lalaking nag-aalburoto na ngayon sa galit.

Nagulat na lang ako ng tapik-tapikin nito si Arthur dahilan para magbago ang reaksiyon ng mukha niya, sandali naman itong ngumiti sa akin bago ibinaling ang tingin sa lalaking nasa harapan niya ngayon.

"I am her husband, is there a problem?" Malamig na wika nito.

Hindi na ito nakapagsalita pa dahil sa tinuran ng isa at mabilis na lang na umalis.
Pagdating sa bahay ay panay ang panernermon ni Arthur sa akin, pinapakinggan ko lang ang bawat salita na sinasabi niya pero tumatagos 'yon sa kabila kong tenga. Expected ko na 'yong ganitong scenario lalo na't muntik na akong mapahamak kong hindi lang siya dumating.

"Are you crazy Lyka? Bigla ka na lang tumatakbo ng gano'n kahit alam mong buntis ka.  Kong hindi pa ako tinawagan ni Tala, hindi ko malalaman na nawawala ka." Bulyaw nito sa'kin.

Sa totoo lang ang sakit na sa tenga ng panenermon niya, alam ko naman kong gaano siya kaconcern sa baby pero huwag naman sobra.

"Kung si  baby 'yong iniisip mo huwag kang mag-alala, hindi naman siya napano." Usal ko.

"This is not about our baby, it is all about you,Lyka."

Natigilan naman ako sa sinabi nito,tungkol sa akin?

So concern na pala siya ngayon, parang nakakatawa naman pakinggan 'yon. Ang isang cold Professor na walang ibang ginawa kundi magsungit  ay concern na ngayon sa dating estudyante na kinaiinisan niya. Hindi ko alam kong kikiligin ba ako o matatawa eh.

"Okay gets ko na, kasalanan ko kaya sorrry."

Mali ko naman talaga eh, muntik na akong mapahamak dahil sa pagiging padalos-dalos ko.

"I' am warning you for the second time Lyka,kapag may nangyaring masama sayo damay doon ang bata, so could you please be careful. Huwag mong ipahamak ang buhay ng anak ko dahil lang sa kapabayaan mo,"

Napairap na lang ako sa hangin dahil sa sinabi niya, akala ko sa'kin siya concern pero nag-aasume na naman ako.

Ang drama kasi ng sermon, ayaw pa akong deretsuhin na sa baby lang naman talaga siya concern.

Matapos ng mahabang panenermon ay nakaakyat na rin ako ng kwarto.  Una kong ginawa ay naligo at pagkatapos naman no'n ay lumabas na ako ng banyo para magbihis at mag-ayus.

Nakaharap ako ngayon sa vanity mirror habang sinusuklay ang buhok, hindi ko maiwasang isipin 'yong nangyari kanina baka tuluyan na akong napahamak kong hindi dahil kay Arthur.

Marahan kong hinaplos ang maliit na tiyan haban kinakausap ang anak, hindi naging maingat si Mama kaya muntik na tayong mapahamak, sorry baby.

Inabala ko na lang ang sarili sa pagsusuklay  ng bigla akong makaramdam ng pananakit banda sa kaliwa kong braso, agad ko naman iyong tiningnan bago ko napagtantong may pasa pala 'yon.

May pagka-sensitive kasi ang balat ko, kaya konting hampas o mahigpit na hawak lang ay nagkakapasa na, at dahil nga maputi ako ay kitang-kita 'iyon.

Gusto kong takpan yong pasa na 'yon kaya naisipan kong humanap ng sweatshirt sa closet para maisuot, kasabay naman no'n ang pagbukas ng pinto at iniluwa noon si Arthur na may dalang maliit na palanggana at isang ice bag.

"A-anong meron?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

Hindi ako nito sinagot saka naman niya maingat na inilapag ang hawak-hawak nitong palanggana sa side table.  Kasunod no'n  ay hinila niya ako at dahan-dahang pinaupo sa gilid ng kama.

" Alam kong may pasa ka, let me see." Wika nito sa kalmadong boses.

Sa totoo lang ay idedeny ko sana iyon, ang kaso nga lang baka mahabang panenermon na naman ang marinig ko sa kaniya. Itinaas ko ang manggas ng sweatshirt ko saka naman bumungad sa kaniya ang pasa ko sa braso.

Kinuha na nito ang ice bag na nakalagay sa palanggana at maingat na idinampi sa braso ko, hindi ko maiwasang macurious sa mga kilos niya alam ko namang lahat ng ito ay dahil sa bata pero hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo niya sa akin.

" Don't make me worried,Lyka. Sabihin mo lang sa'kin kong anong gusto mong kainin and i'll buy everything what you want."

Gaya nga ng sinabi niya ay binili niya lahat ng pagkaing gusto ko, halos manlaki ang mga mata ko ng makita ang tumpok na pagkain sa itaas ng lamesa mukhang pang isang taon na to ha.

"Ang dami nito,may balak ka bang magtayo ng tindahan?"

Sobrang dami no'n at tantiya ko ay nasa sampung bag 'yon na punong-puno ng pagkain, ngayon namomoblema ako kong paano ko uubusin 'yon.

"Lahat ng 'yan para sayo kaya magpakabusog ka. Eatwell,my  wife." Sambit nito sabay kindat.

A/N: Sana ol si Lyka. Charr.. Hahahaha BTW may sarili nakong Arthur Buenaventura😅. Yun muna update sa ngayon mga beshy😊 always be updated sa mga bagong chapters na ia upload ko😊

Heto nga pala ang Story list ko😊

*Sweet Revenge (Chapter 8, still on going)
*Doctor Romance (still on going)
*My Possesive Mafia Boyfriend ( Chapter 47, still on going)
*One Night Stand with Mr. CEO (Completed)
*Unconditional Love (Completed)
*Her Dirty Secrets (Still on going)

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now