CHAPTER 21

1.2K 12 0
                                    

KINABUKASAN

Nagising ako sa mahaba kong tulog ng makaramdam ng lamig, narinig ko din ang bawat patak ng ulan sa labas kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Bumangon na ako saka ko sinipat ang relong pambisig  bago ko mapagtantong alas otso na pala ng umaga. Ang haba naman ng tulog ko.

Tumayo na ako ng kama pero bigla ulit akong napaupo, nakaramdam ako ng hilo kaya dahan-dahan ko namang hinilot ang sintido. Sa haba ng tinulog ko nakakaramdam pa ako ng hilo, hindi ko na lang iyon ininda pa kaya pumasok na lang ako ng banyo para maghilamos.

Habang nasa loob ako ng banyo ay hindi ko mapigilang titigan ang sarili, namamaga ang mga mata ko at ang laki din ng eyebugs ko. Masyado ko ng pinapabayaan ang sarili, oras na siguro para bumalik ng Qatar.

"Kakauwi mo lang,  babalik ka na agad?" Si Ate Lillianne.

Wala namang dahilan para magtagal dito sa Pilipinas at saka kaya lang naman ako umuwi dahil nga sa kaniya para umattend ng wedding.

"You know the reason kaya ako umuwi ng Pilipinas diba, so kailangan ko na ding bumalik doon." Sambit ko.

Walang sakit kong mananatili ako sa Qatar at kong titigil na ako sa expectation ko, mas magandang malayo kami sa isa't-isa para hindi na bumalik ang sakit.

Nahihirapan na talaga ako.

Nong mga oras na iyon ay masama talaga ang pakiramdam ko, nahihilo ako at maya-maya lang ay mabilis kong binitawan ang phone saka ako  tumakbo ng banyo para magsuka.

Patuloy lang ako sa pagduwal habang iniisip kong may nakain ba akong panis kahapon, e sa totoo lang kahapon pa akong walang kain kaya anong dahilan bakit ako nagsusuka ngayon.

Nagmumog na ako pagkatapos kong sumuka.nakakapanibago tong nararamdaman ko ngayon. Kinapa ko ang noo gamit ang palad para alamin kong may lagnat ba ako pero hindi naman ako mainit, iwinaksi ko na lang iyon sa utak saka ako nagdesisyong bumaba ng kusina para kumain.

Masasarap ang mga putaheng nakahanda sa itaas ng lamesa kaya hindi ko mapigilang matakam, sumandok na ako ng kanin saka ng iba't-ibang klaseng ulam at masaya akong kumakain sa hapag na mag-isa.

"Lyka!" Boses iyon ni Ate,

Ano namang ginagawa niya rito?

Nakita ako nito na tahimik na kumakain kaya nilapitan niya ako, hindi maipinta ang reaksiyon ng mukha niya at mukhang bad mood pa nga.

"What?" Walang-gana kong saad habang patuloy lang ang pagsubo ng pagkain.

"Ano namang rason mo ngayon para bumalik ng Qatar? E, puro pagbubulakbol lang naman ang alam mong gawin doon."

Pinilit ko si Ate na e booked ako ng plane ticket pabalik ng Qatar, 'yon ang usapan namin kanina na naputol dahil nga sa nagsuka ako. Dati rati lang gusto niya akong itapon dun dahil sa sakit ng ulo, ta's ngayon kailangan ng rason kong  bakit gusto kong bumalik roon.

"Bakit ba lahat na lang ng desisyon ko kailangan ng rason? Kong ayaw mo then I will do it."

Umiiral na naman ang pagiging maldita ko dahil kay Ate, buti na lang talaga mahaba ang pasensiya niya at hindi niya ako pinapatulan kong nagkataon baka nabugbog na ako.

pinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang umuusok na sa inis ang ilong ni Ate, hanggang ngayon ay wala pa rin akong balak na sabihin sa kaniya ang totoo, napapangunahan lang kasi ako ng takot.

Dahil nga sa katakawan ay nakatatlong plato na ako ng pagkain at sa huling subo ko ay hindi ko nagustuhan ang lasa ng pagkain dahilan para tumakbo ako sa banyo para magsuka. Kairita!

Habang lumilipas ang mga araw ay nararamdaman kong may unti-unting nagbabago sa pangangatawan ko, nanaba ako at nag-iiba ang hubog ng katawan ko. Kilala ko ang sarili ko, kahit anong lamon ang gawin ko ay hindi ako tumataba pero nakakapagtaka lang dahil lumulubo ng kaunti 'yong puson ko.

Sa totoo lang ay mabilis ding uminit ang ulo ko lalo na sa maliit na bagay, nagiging emotional ako minsan at marami akong pagkaing gustong kainin.

Naweweirdohan na nga sila Kuya at Manang sa kinikilos ko pero hindi ko lang pinapansin.  Delayed ako ng isang buwan pero hindi naman ako kinakabahan, irregular kasi ang menstration ko kaya 'di na bago sa'kin 'yon.

"Rica? Anong sign ng pagbubuntis?" Tanong ko sa kabilang linya.

Nataranta na ako kaya tinawagan ko na si Rica, ayaw ko naman lumapit kay Ate dahil baka mapatay niya ako kong sa kaniya ko itatanong 'yan.

"Kong may matres lang ako baka nasagot ko 'yang tanong mo." Pamimilosopo nito.

"Hindi ako nakikipagbiruan, huwag mo akong simulan." Iritable kong sambit.

Kung malapit lang siya baka nakutusan ko na e, siguro nagiging praning lang ako kaya kong ano-ano na ang sumasagi sa isipan ko. Impossible naman sigurong mabuntis ako.

"Kalma, bukod sa malaki ang tiyan at nagsusuka wala na akong ibang sign na alam. Iyon na lang e kong magtatry ka ng pregnancy test."

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na sinunod ang sinabi ni Berna, pilit kong pinapakalma ang sarili at iwinawaksi sa utak ang negatibong iniisip.

Maaga akong umalis ng bahay para pumuntang mercury at bibili ng pregnancy test, mas mabuti na rin ito para matigil na ang pag-agam-agam ko.

Iba't-ibang klase ng pregnancy test ang pinamili ko para makasigurado ako sa resulta na lalabas, pagkatapos naman no'n ay umuwi na ako ng bahay.

Patago ko iyong binitbit para hindi makita nila Kuya, 'pagnagkataon baka magtaka sila kong bakit bumili ako ng gano'n.

Pagdating ng banyo ay isa-isa ko iyong kinuha sa supot, first time kong gagawin 'to kaya mas minabuti ko na lang na basahin muna ang instruction para magawa ko iyon ng maayos.

First try ay tapos ko ng gawin at naghihintay na lang ako ng resulta, tahimik lang akong nakaupo sa gilid habang kinakabahan.

Sure naman akong negative 'yon kaya hindi dapat ako mag-alala. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nagsimula ng gumuhit ang isang linya, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahilan para sumilay ang mga ngiti sa labi ko.

Sabi ko na negative e, masyado lang akong nag-ooverthink. Kinuha ko na iyon para sana itapon sa basurahan pero hindi ko inakalang may isa pang linya na lumabas dahilan para mabitawan ko iyon.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang positive ang naging resulta ng pregnancy test, nong una ay ayaw kong maniwala kaya sinubukan ko pa 'yong iba.

Para akong nanlumo sa kinatatayuan ng mapagtantong lahat ng Pregnancy test ay iisa lang ang naging resulta.

Lahat 'yon ay positive.



A/N: ohhh...ayaw mo mabitin di va?.. To na....mag a update nako ng limang chapters😊 pambawi sa isa kong readers na nabitin sa update ko sa "My Possesive Mafia Boyfriend".

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now