CHAPTER 35

1.1K 20 1
                                    

Panibagong araw, panibagong pagkakataon muli para kay Arthur.

gusto niyang bumawi kaya binigyan ko siya ng pagkakataon kahit para sa baby na lang namin. Hindi naman niya ako binigo at nararamdaman kong desidido talaga siya sa sinasabi niyang pagbawi. Naging mas maalaga sa akin si Arthur sa paglipas ng mga panahon at ramdam ko din pag-iingat nito sa akin.

Maaga akong gumising dahil ngayon ang scheduled ko para magpa-ultrasound, hindi ko tuloy mapigilan 'yong sariling maexcite  lalo na't malalaman ko na ngayon kong anong gender ng baby ko.

Hindi na rin nakasama sa akin si Arthur lalo na't maaga itong umalis ng bahay, ang sabi kasi sa akin ni Tals ay mayroon daw silang meeting kaya hindi ko na rin nagawang magpaalam sa kaniya.

"Congratulations Mrs. Buenaventura,  your baby is a boy." Ngiting wika ni Doc.

Parang hinahaplos ang puso ko sa saya ng makita sa ultrasound screen ang baby ko, ilang buwan na lang at lalabas na siya kaya sobra akong na-eexcite. 

Pagkatapos ng ultrasound ay agad akong niresitahan ni Doc ng vitamins , pinayuhan niya na din ako na mag eexercise sa pamamagitan ng paglalakad para daw hindi ako mahirapang manganak.

"Lyka, are you sure about this?" Seryosong tanong nito.

Bilang tugon ay ngumiti ako sa kaniya, simula nong nalaman kong buntis ako ay naging handa na ako sa kong ano man ang pwedeng mangyari sa akin sa oras na maipanganak ko na ang bata, at kahit kailan hindi ko iyon pagsisihan.

"I warned you before Lyks, but you choose this. I hope yor family is ready about this, especially your husband." Dagdag pa nito.

Parang kinukurot ang puso ko sa tuwing iniisip ko si Arthur, wala siyang alam tungkol sa karamdaman ko at hindi ko alam kong saan ako magsisimula para masabi sa kaniya ang totoo.  Bumuntong hininga ako saka ko hinawakan ang kamay ni Doc.

"Doc, when something happened to me. Please, just save my baby." Bilin ko rito.

Sa kabila ng sakit na pinagdanaan ko naging handa na ako sa kong ano man ang pwedeng maging kahihinatnan nito.

Basta ang tanging hiling ko lang ay mailuwal ko ng ligtas ang anak ko, hinawakan ni Doc pabalik ang kamay ko at marahan niya iyong pinisil.

"I can't promise, Lyka, dahil nasa asawa mo pa rin ang desisyon. Tell him the truth about your condition at alam kong maiintindihan ka niya." Payo nito sa akin.

Minsan napapa-isip na ako na dapat kong sabihin sa kaniya ang totoo pero napapangunahan lang ako ng kaba at takot.

Hindi ko rin alam kong saan ako mag-uumpisa at ayaw kong umabot sa point na e papa-abort niya ang baby, hinding-hindi ko kakayanin kong sakaling mawawala sa akin ang anak ko.

Sa totoo lang mayroon akong heart disease at delikado para sa akin ang magbuntis, bata pa lang ako ay nakakaramdam na ako ng mga sintomas nito gaya na lang ng hirap sa paghinga at paninikip lagi ng dibdib.

Isa rin iyon sa dahilan kong bakit pinipilit ako ni Mama na mag-stay sa kaniya  sa Qatar para maalagaan niya ako, at naalala ko dati ang sinabi ng doktor na hindi pwede sa akin ang normal na buhay.

Sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ko nong bata ako ay pinili kong maging matatag kaya ipinakita ko sa kanila na kaya kong mamuhay ng normal sa kabila ng kondisyon ko.

Ilang beses din akong sinabihan ng OB ko na ipa-abort 'yong baby habang maaga pa dahil delikado daw iyon para sa akin, kong ipagpapatuloy ko daw iyon ay pwede ko iyong ikamatay.

Napatigil ako sa malalim na pag-iisip ng magring ang phone ko, ng makita ko naman ang caller id ni Arthur sa screen ay agad ko iyong sinagot.

"Hello?"

"Where are you?" Wika nito sa nag-aalalang boses.

"May check-up ako ngayon," sagot ko sa kaniya.

Narinig ko  ang pagbuntong hininga nito at bakas kasi sa boses nito kanina ang pag-aalala kaya ngayon ay mukha na siyang nakampante.

"Next time let me know kong saan ka pupunta, para hindi ako nag aalala ng ganito."

Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko dahil sa mga sinabi nito, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin at sa tingin ko ay totoo na ito. Gusto kong makasama si Arthur habang buhay at sana hindi iyon ipagdamot sa akin ng tadhana.

"Just wait there, susunduin kita diyan," saad pa nito bago ibinaba ang tawag.

Gaya ng sabi niya ay hinintay ko si Arthur sa labas ng hospital. Dalawang oras na ang nakalipas pero walang Arthur na dumating, sinubukan ko ding tawagan ang phone niya pero hindi ko na siya makontak.

"Hayst, nasaan na ba siya?" Anas ko sa sarili.

Ang dalawang oras na paghihintay ay nadagdagan pa ng isang oras pero wala talagang Arthur na dumating.

Gusto ko na talagang umiyak baka kasi pinaasa na naman niya ako pero kinokontra iyon ng isipan ko.

Palinga- linga ako ng tingin nagbabakasakaling dumating siya pero wala talaga. Hanggang sa maramdaman kong magvibrate ang phone ko at ng makita ang number ni Arthur ay agad ko itong sinagot.

" nasaan ka na b-"

"Sorry Lyka, hindi na kita masusundo. Sinugod ko kasi sa hospital si Chelsea,"  seryosong wika nito.

Ms. Chelsea na naman? Akala ko ba gusto niyang bumawi pero pagdating kay Ms. Chelsea  lagi siyang nandiyan. Wala talagang isang salita ang lalaking 'yon at kahit kailan puro sakit lang ang ibinibigay niya sa akin.

"Ayos lang." Sagot ko bago ibinababa ang tawag.

Naghintay ako sa kaniya ng tatlong oras at mukha na akong tanga dito sa tabing kalsada pero si Ms. Chelsea pa rin ang iniisip niya, kailan niya ba ako magiging priority?

Nagsisisi talaga ako, lahat ng chance na ibinibigay ko sa kaniya ay napunta lang lahat sa wala.

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng mga luha ko na agad ko rin pinunasan gamit ang mga palad,

"You're crying again?"

Nilingon ko naman ang pinanggalingan ng boses at nakita ko agad ang seryosong mukha nito.

"L-lest-"

Mabilis akong hinila nito para yakapin, hindi na ako umangal pa dahil 'yon ngayon ang kailangan ko. Taong masasandalan at maiiyakan.

"Just tell me kong pagod ka na, Lyka, Let him go at willing akong saluhin ka."

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now