CHAPTER 7

1.2K 16 0
                                    

"Sis, araw ng mga puso ngayon  pero 'yang mukha mo pang byernes santo." Si Rica ng makarating ako ng gymnasium.

Hanggang ngayon ay nababadtrip ako kay Sir Art, sinasabi ba niya na wala akong kataste-taste na babae? Eh siya nga itong ang panget ng taste sa babae.  Anong pinagmamalaki niya si Ma'am Chelsea? Lamang lang 'yo ng isang ligo sa'kin pero mas maganda pa rin ako sa kaniya.

"Kong ang iniisip mo ngayon ay kablind date, huwag ka ng mag-alala, nagawan ko na ng paraan." Agad naman akong napalingon  sa katabi ko, saka ko nakita ang mga naglalarong ngiti sa mga labi ni Rica.

"What are you planning to do? Si Sir Art ba 'yan kasi kong hindi huwag na lang." Pinal kong wika.

Naiinis nga ako sa kaniya pero siya lang talaga ang gusto kong maka-date ngayon. Hayss.

"Ofcourse not, asa ka naman do'n.  pero h'wag kang mag-alala gwapo 'yon saka bagay na bagay kayong dalawa. Baka nga pag nagkita kayong dalawa ay pasalamatan mo pa ako." ani nito sabay kindat.

Umiling na lang ako, hindi ko alam kong ano ang takbo ng utak nitong kaibigan ko pero mas mabuti na din siguro iyon para kahit papano ay mawala ang inis ko.

Sari- saring Booth ang makikita dito sa gym, may marriage booth, dating booth, meron ding photo booth. Pero ang agaw atensiyon sa lahat ay ang confession booth. Magbabayad ka lang naman limang piso sa kanila saka mo isusulat sa sticky note pad ang confession na gusto mong  sabihin sa crush or sa special someone mo.
Pagkatapos no'n ay bibigay nila iyon sa speaker na nasa stage at sila na mismo ang magbabasa ng confession na 'yon. Ang bongga ng paandar na nila imbes kasi na 'yong  crush mo lang  ang makakaalam ng confession mo ay  pati buong campus na.

Ang maayus kong mood ay unti- unting napalitan ng inis ng makita ko si Sir Art.at talagang kasama pa niya si Ma'am Chelsea.

Panigurado si Ma'am Chelsea ang kadate niya ngayon. Wala na akong paki sa kaniya, buhay naman niya 'yan.
Ilang oras ko din silang tinitingnan mula dito sa kinatatayuan ko, hindi naman nila ako makikita dahil maraming estudyante ang dumadaan. Matamis  ang mga ngiti na binibigay ni  Sir Art kay Ma'am Chelsea, 'di ko tuloy mapigilan masaktan.

I wish ako ngayon ang nasa sitwasyon ni Ma'am Chelsea.

Nasa confession booth naman sila at nakikipagbiruan sa mga estudyante, sobrang saya nga nila e. Sa tuwing nakikita ko ang mapang-akit na mga ngiti ni Sir Art, ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Napabaling naman ang tingin ko kay Ms. Chelsea na ngayon ay malagkit ang mga titig kay Sir Art, tsss.masyadong halata ha.

Mula kay Ms. Chelsea ay napabaling ako sa sticky note na hawak ngayon ni Sir Art, panigurado isusulat niya doon 'yong confession niya para sa babaeng mahal niya tsk, sino pa nga ba? walang iba kundi si Ms. Chelsea.

Nagsimula na itong magsulat habang may mga ngiti sa labi at pagkatapos no'n ay ibinigay niya na ito sa speaker na nasa stage. Sa totoo lang gusto ko ng umalis no'n, ayaw kong marinig ang confession niya para sa taong mahal niya, sobrang sakit kasi ang balik no'n sa akin.

"To my special someone" panimula ng speaker.

May pa-special someone pa siya, bakit hindi na lang niya ilagay ang pangalan ni Ms. Chelsea.

"I want you to know that I secretly loved you since the first time I saw you. I hope you know that you are the woman I am referring to.... From Mr. Buenaventura."

Agad namang nagsitlian ang mga kakabaihan sa sinabi ng speaker lalo na ng marinig nila ang pangalan ni Sir Art.

Akala ko ba confession, tapos gusto niyang hulaan namin kong sino ang  babae na tinutukoy niya, bakit hindi na lang derektahin na si Ms. Chelsea ang babaeng tinutukoy niya.

Napatingin na lang  ako sa direksyon nina Sir Art pero ganon na lang  ang gulat ko ng  magtama ang tingin naming dalawa. Shit! Kanina pa ba siya nakatingin?
Walang ekspresyon ang mukha nito na nakatingin sa'kin, bigla tuloy nagsiliparan ang mga paro-paro sa tiyan ko kasabay no'n ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Parang nahihipnotismo ako sa mga  titig nito kaya mas minabuti ko na lang umiwas ng  tingin. Ilang beses pa akong napalunok ng sariling laway dahil sa magkahalong kaba at kilig na nararamdaman.

Huminga naman ako ng malalim saka ako tumalikod sa kaniya pero gano'n na lang ang gulat ko ng biglang  sumulpot sa harap ko si Rica... At may kasama itong dalawang lalaki.

"Anong meron?" Nagtataka kong tanong.

Hindi na sumagot ang dalawa at bigla na lang akong nilagyan ng posas. Ano to?

"Rica ano na naman ito!" Naiirita kong wika.

Pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawang kasalanan, ang tanging kasalanan ko lang ay nagmahal ako ng taong hindi ako mahal. Walangya, Lyka. Ang drama mo na naman!

"Remember what I said. Bes, goodluck. Balitaan mo ko kapag siya na 'yong the one ha."  Nakangiting tugon nito na may halo pang pang-aasar.

Oo, 'yong inoffer niyang blind date sa akin kanina, hindi naman ako umoo do'n ha. Pala-desisyon talaga itong baklang ito.

"Tandaan mo itong araw na 'to, Fredirico!" Sigaw ko sa kaniya.

Para akong pinagkaka-isahan sa ginawa ng kaibigan ko, hindi ba niya nagets na si Sir Art lang ang gusto kong maka-date pero nagawa niya akong e set-up sa iba.

Siya talaga 'yong sumira ng Valentine's ko.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now