CHAPTER 6

1.3K 18 1
                                    

It's Valentines Day!

Maaga akong pumasok sa school Para alamin kong anong pakulo ng mga campus officer this valentine's.  Base sa post kanina sa page ng CU, meron silang color coding pagdating sa mga damit. 

Red - taken or married
Yellow- inlove
Violet- complicated
Blue- broken
Dark green- single.

Single ako pero ayaw kong magsuot ng dark green. So  I decided to wear plain white t-shirt with high waist black jeans and white sneakers. Nagsuot na lang din ako ng denim jacket dahil medyo manipis ang damit ko.

Pagdating ko ng school ay marami akong student na nakikitang nagsusuot ng red t-shirt mapa-babae man o lalaki, Edi Sanaol nalang senyo!

Pero karamihan talaga is dark green. Meron ding nagsusuot ng  violet para sa kanilang complicated relationship at blue para sa broken. Awwts! I wish na 'di ako mapa belong sa blue.

Nang makarating ako sa room ay nakita ko agad si Rica, he's wearing a red t-shirt. Napaka-assuming talaga ng baklang to.

"Ows? Yung totoo?Taken ka sis?" Kunot- noo kong tanong sa kaniya ng makalapit ako sa pwesto nito.

"Of course!" pagtataray nito.

Kapal talaga, feeling may jowa.

"Bakit ikaw naka- white t-shirt? Hindi mo ba nabasa 'yong announcement sa page tungkol sa  color coding?" Tanong nito.

"Nabasa ko, e sa gusto ko mag white-tshirt lang e paki mo?." Pagtataray ko dito pero tanging nguso lang ang naging sagot nito.

Nakaramdam naman ako ng init kaya  hinubad ko ang suot kong jacket, hindi naman siya gaanong manipis pero once lang na masinagan ka ng araw o mabasa ay makikita talaga ang suot mong panloob.

"Si Sir ba nandito?" Bulong kong sambit kay Rica.

"Oo nakita ko siya kanina, baka nasa office niya lang."

Hindi ko naman maiwasan mapangiti, nandito siya means gusto niyang magcelebrate ng valentine's, bigla tuloy akong naka-isip ng ideya. 

Gusto kong ma-enjoy itong Valentine's na ito, minsan lang ito sa loob ng isang taon ta's olats pa.

"Sis, mamaya, e blind date mo naman kami ni Sir Art " nakangiti kong usal.

Tiningnan naman ako ng seryoso ni Rica iniisip nito kong nakikipagbiruan ba ako sa kaniyan o hindi.

"Seryoso? Isipin mo nga  professor natin 'yon. Ang blind date  para lang sa students to students sis, hindi para sa students to professor. Shunga ka ba?!"

Andami niyang sinabi ha. Oo at hindi lang naman 'yong gusto kong maging sagot niya pero may panenermon pang kasama.

"Bakit? Masama? Blind date lang 'yon uy! Saka Valentine's naman." Pagmamaldita ko.

Alam kong professor ko si Sir Buenaventura at imposible nga naman 'yong hinihiling ko, pero bakit Valentine's naman eh. Wala naman sigurong masama kong maki-join siya at pagbigyan niya ako o baka naman kasi nagpapakipot lang.

"Wala ngang masama, pero alam mo naman kong gaano ka-sungit 'yon. Magrequest ka na ng iba huwag lang 'yon pero dahil nga spoiled brat ka, just do what you want at ako'y rarampa pa."

Napakamot na lang ako ng ulo sa mga pinagsasabi nito. Masungit nga ang lalaking iyon pero hindi naman siguro gano'n  kalala, nagpaalam na sa akin si Rica na mauuna ng pumunta ng gymnasium  dahil malapit  na daw magsimula ang program habang ako naman ay nagpa-iwan sa classroom. Hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito hangga't hindi ko siya mapapayag na makipag-blind date sa akin, mababaliw talaga ako.

Nilakasan ko na ang loob ko na pumunta sa office nito, kailangan siya ang makadate ko ngayon. Isang beses lang  magcelebrate ng Valentines sa isang taon kaya susulitin ko na no? 

Nang makarating naman ako sa labas ng pintuan niya ay parang gusto kong umatras bigla kasi akong nakaramdam ng takot ay hiya, tama ba itong gagawin ko?  What if magalit siya? What if ireject niya ako? Iniisip ko pa lang ang mukha niyang galit na galit nanlalambot na ang mga tuhod ko.

Lyka you can do this, walang masama na makipagdate sa professor, it's valentine's day kaya normal lang iyan.
Huminga muna ako ng malalim saka ako mahinang kumatok sa pinto niya.

"Come in" usal nito.

Hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa office nito, anong mapapala ng takot at hiya ko kong nandito na ako, bahala na lang.

Nang ganap na akong makapasok ay puno ng pagtataka ang mukha nitong tiningnan ako.

"What are doing here, Ms. Valderama?" Malamig na wika nito.

Kailangan ko bang sabihin ang intensiyon ko? Paano pag nagalit siya? Ayaw kong mapahiya kong sakaling tumanggi siya. But I'm Lyka Valderama, malakas ang loob ko at wala akong kinakatakutan.  Ano man ang maging sagot niya tatanggapin ko  atleast nagtry ako diba. Diba?

"Sir? Can you be my date?" Lakas-loob kong sambit sa kaniya.

Saglit  itong natigilan sa ginagawa at ibinaling ang tingin sa'kin.

"I don't have time for your jokes, Ms. Valderama, Sabihin mo na lang sa'kin kong anong kailangan mo dahil marami pa akong ginagawa."  Matigas ang boses na wika nito.

Parang gusto ng umatras ng mga paa ko nong mga oras na iyon, mukhang hindi na ata maganda tong nangyayari.

"I want you to be my date Sir Art,  that's what I want. Valentine's day naman po kaya baka pwede niyo akong pagbigyan."

Makapal na ba ang mukha ko o nasobrahan ata ako sa confidence. Nakakatakot na ang mukha ni Sir Art ngayon, masama ma ang tingin nito sa akin at mukhang 'di na to biro.

" I'm your professor Lyka at hindi mo ako kaklase.  Ano bang pumapasok sa isipan mo para magbiro ng ganiyan, and also I have no intention of dating my student especially the one younger than me, do you think wala akong taste sa babae?" Seryosong saad nito habang matalim ang matang nakatitig sa'kin.

Ang sexy ko at ang ganda ko, 5'5 lang ang height ko pero hindi ako panget, grabe naman sa walang taste!

A/N: Hanggang jan muna mga beshy ang Update ko ha? Pisowifi lang gamit ko kaya sinulit ko na😂 poor ang lola nyo😂.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now