CHAPTER 2

1.5K 19 0
                                    

Sa buong oras na pagtuturo ni sir Art, hindi ko talaga maiwasan titigan ang napakagwapo niyang mukha. Iniisip ko pa lang na siya yung lalaking gustong gusto kong pakasalan, tumatalon na yung puso ko sa sobra saya.

Eh siya? Gusto niya din kaya akong pakasalan?
Hala sige Lyka Valderama ! Imagine pa. Antanga mo talagaa!

Agad ko namang iwinaksi sa utak ang iniisip. Ayaw kong bigyan ang sarili ng dahilan para umasa, kong alam kong wala naman talaga akong pag asa.
Tumunog naman ang bell hudyat na tapos na ang  klase niya.

"Okay, let's continue our lesson tommorrow. Goodbye!" Kalmadong wika niya habang hindi man lang makitaan ng ekspresyon ang mukha.

Pagkatapos naman niya magpaalam ay lumabas na ito ng room. Agad naman akong tumayo sa kinauupuan at mabilis itong sinundan.

"Bakla, saan ang punta mo?"  Rinig ko pang tanong ni Rica, bago lumabas ng room pero hindi ko na yun pinansin.

Wala namang masama kong umasa ako ulit diba? Promise last na to.

Nakapamulsa namang naglalakad si sir Art sa hallway, samantalang ang kaliwang kamay niya ay may bitbit na libro. Grabe ang lapad ng likod niya, para talaga siyang model, kahit height niya pasadong pasado. Partida likod palang yan ulam na.

Tuloy -tuloy lang ang lakad nito papuntang office niya ng bigla itong huminto. Nataranta naman ako sa paghinto niya, di ko kase alam saan ako magtatago, ni haligi wala man lang ako mapagtataguan. Huli na para magtago dahil bigla itong lumingon. Paktay!

Seryoso ang panitig nito sakin, habang ako naman ay nakatayo lang na parang estatwa, naramdaman ko bigla ang bilis ng tibok ng puso ko lalo na't naglalakad ito palapit sakin, 'di ko maiwasan na mapalunok ng laway dahil sa halong kaba at kilig na nararamdaman..

"Are you following me, Ms. Valderama?" Malamig na boses na wika nito ng ganap itong makalapit sa akin.

Shit! Ngayun ko lang narealize kong gaano siya kapogi sa malapitan.

"P-po?" Utal kong sambit.

Kinakabahan talaga ako, pakiramdam ko pinag papawisan ako, daig ko pa nasa hot seat ngayon.

"Kanina ko pa napapansin na may nakasunod sakin, so? What do you want, Ms. Valderama?" Tanong nito habang 'di inaalis ang tingin sa'kin.

"Kayo? 0Sinusundan ko ? Pupunta lang po ako sa banyo Sir, nakapa-assuming niyo naman!" Gusto ko tuloy sampalin ang sarili dahil sa salitang binitawan ko.

Pwede pa kayang bawiin?

"Banyo huh?" Nakangising sambit nito. 

Shit! Huwag kang ngumisi ng ganiyan Prof, baka 'di na ako makapigil at pakasalan kita. Jusko Lyka! Ang harot!

"Kong banyo pala ang pupuntahan mo, bakit dito ang way mo sa teacher's office?  I don't want to misinterpret you Ms. Valderama, pero ang banyo ay nasa kabilang way." Pagtatama nito.

Bakit hindi ko naisip na papuntang teacher's office na pala ang daan  na tinatahak ko.

Lyka "Tanga tanga" Valderama! Napaghahalataan ka na talaga!.

"Sorry Sir, naligaw lang po. Hayaan niyo po next time  magdadala na ako ng school map."  Nakangiti kong rason.

Sumeryoso lang ang mukha nito kaya tumalikod na ako.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now