SPECIAL CHAPTER

1.6K 27 5
                                    

LYKA's PoV

"Arthur?"

Napabalikwas ako ng tayo saka ko napagtantong nasa School pala ako,

"hala..nangangarap na naman ang ate nyo?" gulat na sambit ni Rica sa tabi ko.

"Hay naku,Umiral na naman pagka malandi ha?"

"Galit sa Malandi, yun pala sya ang queen bee"

"Iba ka talaga Valderama" sabay hagalpak ng tawa.

napatingin ako sa mga kaklase ko na ngayon ay nagsimula ng magbulong-bulongan at 'yong iba naman ay nagtatawanan.

Tinapunan ko ng tingin 'yong Professor ko na nasa harapan habang matalim ang mga matang nakatingin sa'kin.

"Your are always sleeping in my class, Ms. Valderama!" Matigas nitong saad.

Napayuko ako sabay dahan-dahang umupo ng makaramdam ng hiya, pahamak talaga 'yong panaginip na 'yon. Napagalitan na naman tuloy ako.

"Pasensiya na po, Mam."

Ilang beses ko na kasing sinabi kay Ate na ayaw ko ng mag-aral, nakakatamad kaya.

Napilitan lang naman akong ipagpatuloy 'to dahil ayaw kong pumunta ng Qatar, dhil sa katamaran ay  paulit-ulit na akong bumabalik sa College, paano ba naman lagi akong bagsak sa iba kong subject, panay cutting classses at bar ang lagi kong nagiging bahay.

"Go to the guidance office, now!"

Napabalik ako sa realidad dahil sa sigaw ng Prof ko, Jusko! Suki na ako lagi ng Guidance at panigurado sisinghalan na naman ako ni Ate 'pag nalaman niya 'to.

"Lagi ka ng nandito sa Guidance, Lyka. Wala ka bang balak magbago ha?" Pagtataray ni Ma'am Moreno.

"Ma'am ang boring ba naman kasi magturo ni Ma-"

"Ang sabihin mo, lagi kang puyat dahil gabi-gabi kang nasa Bar at ginawa mo ng bahay pahingahan itong School." Singhal nito.

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa nakakarindi nitong boses, sermon na dito sa School kaya expected kong pati na rin sa bahay mamaya.

"You are suspended." Dagdag pa nito na ikinagulat ko.

Para akong nabingi sa winika nito, lumapit ako sa kaniya para magmakaawa. Hindi ako pwedeng masuspende dahil malalagot ako kay Ate.

"Ma'am, hindi na po ako uulit huwag niyo lang po ako ipasuspende." Pagmamakaawa ko.

Ang sungit nitong guidance teacher namin at hindi ko alam kong anong gagawin ko para mapaamo siya, narinig ko ang pagbuntong hininga nito saka niya ako  binalingan ng maamong tingin.

" One last chance, Ms. Valderama. Kapag hindi ka pa tumino ako na mismo ang magsasabi sa Ate mo ng mga kalokohan mo dito,"

Paulit-ulit naman akong tumango para sumang-ayon rito, last na 'to, magpapakatino na talaga ako alang-alang sa sarili ko.

Ayaw ko kayang pumunta ng Qatar dahil panigurado ikukulong lang ako ni Mama sa bahay at ayaw kong maging bilanggo.

"Okay po Ma'am,Thank you po, Ma'am. " Mahinahon kong wika.

Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag, kakaiba talaga ang karisma ko, aakalain mong sumasang-ayon ang panahon sa akin. Ang swerte ko talaga.

"By the way, bago ka umuwi iabot mo muna ang mga papers na 'to kay Mr. Buenaventura." Utos nito.

Iniabot na nito sa akin ang makakapal na mga papel at nong kuhain ko ito ay para akong bibigay dahil sa sobrang bigat no'n.

Kababae kong tao ta' s sa akin pa talaga niya iuutos, atat na nga akong umuwi eh ta's nagawa pa akong pahirapan.

Speaking of Prof. Arthur Buenaventura, siya 'yong pinakamasungit na professor dito at karamihan sa mga eatudyante sa CU ay takot sa kaniya.

Sayang, sa totoo lang sobrang pogi niya ang kaso nga lang napaka-suplado. Pagkarating ko sa labas ng office nito ay kumatok muna ako ng tatlong beses.

"Come in."

Kahit hirap na hirap sa pagbabalanse ay nagawan ko ng paraan para pihitin at buksan ang pinto, bumungad sa akin si Mr. Buenaventura na abalang-abala sa pagtitipa ng kaniyang laptop at hindi man lang nag-abalang tingnan ako.

"Sir, saan ko po ito ilalagay? Eto po 'yong galing sa guidance."

"Diyan lang sa taas ng table." Wika nito habang abala pa rin sa kaniyang laptop.

Nagsimula na akong maglakad para ilagay iyon sa itaas ng lamesa, pagbagsak ko iyong ibinaba saka ko inunat ang katawan dahil pakiramdam ko ay nabali ang spinal cord ko sa sobrang bigat no'n.

Binalingan ko uli ng tingin si Sir Arthur pero mukhang wala talaga siyang pakialam,  akma kong pipihitin ang doorknob ng bigla akong natigilan.

Muling sumagi sa isipan ko ang panaginip ko kanina at nong magising ako ay wala akong ibang naging bukambibig kundi ang pangalan nito.

"Sir? Pwede po magtanong?" Pambabasag ko ng katahimikan.

Nanatili pa rin ang tingin at atensiyon nito sa kaniyang ginagawa, ilang segundo pa ang lumipas bago ito magsalita.

"What it is? Kong hindi 'yan tungkol sa lesson you can leave my office now,"

Hindi ko naman maiwasang mainis dahil sa pagiging isnobero nito, may kausap siya tapos hindi man lang niya ako mabigyan ng atensiyon as in dedma talaga.

"Hoy, Arthur!" Naiirita kong wika.

Napatigil ito sa kaniyang ginagawa saka ako binalingan ng tingin, mukhang hindi ito makapaniwala sa bigla kong naging ugali.

Syempre kahit sino, estudyante lang ako pero nagawa kong tawagin ang pangalan niya na walang paggalang.

"Wait?What did you call me?"

Hindi ko mapigilang mapalunok ng ilang beses ng biglang sumeryoso ang boses nito.

"Ah kasi po, Sir. Are you my husband?" Bigla kong tanong na ikinataas ng dalawa nitong kilay.

Jusko, nakakahiya na 'tong ginagawa ko.

"I mean, may napanaginipan po kasi ako. Ikinasal daw tayong dalawa tapos-" diko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.

"We have a son and his name is Leigh Arvie Valderama Buenaventura, before the accident happened you're pregnant again with our second baby, am I right?"

Wala ako sa sariling napatango bago ko napagtantong ang slow ko pala, tinapos niya 'yong sinabi ko at alam na alam nito ang nilalaman ng panaginip ko.

"P-paano mo 'yon nalaman?" Nagtataka kong tanong.

Sumilay ang mga ngiti sa labi nito bago siya nagdesisyong tumayo at dahan-dahang naglalakad papalapit sa akin. Nagsimula na namang magsiliparan lahat ng paro-paro ko sa tiyan kasabay ng puso kong parang nagkakarera sa sobrang bilis ng tibok.

Nang makarating ito sa harap ko ay maingat nitong hinawakan ang magkabila kong pisngi.

" I have a dream also same as your's and to answer your question. Yes, I am your husband."

Nagsimulang magdiwang ang puso ko sa saya dahil sa mga sinabi nito, ibig sabihin lang no'n ay totoo lahat 'yon at hindi lang basta panaginip.

Dinampian ako nito ng halik sa noo na punong-puno ng pagmamahal saka niya ako hinalikan sa labi.

"Let's have a peace of mind my wife. Our Childrens are waiting for us in heaven.."

Walang pag aalinlangan ay kinuha ko ang kanyang kamay at tuluyang sumama sa kanya. Wala din akong nararamdamang pag aalinlangan dahil sya ang kasama ko sa mga oras na ito. Masaya ako dahil kapiling ko na ang lalaking pinapangarap ko lang noon. At kasama ko na sya magpa habang buhay at wala ng makakahadlang pa.

THE END.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now