CHAPTER 41

1.3K 23 0
                                    

Hindi ko alam kong saan ako ngayon papunta, tuloy-tuloy lang ako sa pagmamaneho habang patuloy ang pagdurugo ng kanan kong kamay.

Wala akong ibang iniindang sakit ngayon kundi si Lyka, sa kabila ng sakit na binigay ko sa kaniya hindi ko aakalaing mamahalin ko siya ng ganito. Siya na ang buhay ko ngayon at hindi ko alam ang gagawin kong sakaling mawawala ito sa akin.

Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko, itinabi ko muna ang sasakyan at huminto ako saglit para sagutin ang tawag na iyon.

"Hell-"

"Sir Arthur, si Mam Lyka po!." Humahangos sa sabi ni Tala.

Hindi ko mapigilan ang sariling makaramdam ng kaba ng banggitin nito ang pangalan ni Lyka.

"Calm down, Tala. What happened?"

"Isinugod po namin si Mam Lyka sa hospital, dinudugo po kasi siya. "

Para akong nabato nong mga oras na 'yon matapos nitong  banggitin ang mga katagang iyon, pabagsak kong ibinaba ang hawak kong phone at mabilis na pinaharurot ang sasakyan papuntang hospital.

Paulit-ulit kong sinusuntok ang manebela dahil sa galit, kong hindi ko iniwan sa Lyka hindi mangyayari ang bagay na ito.

Sa sobrang bilis ng patakbo ko ay sobrang dami na ng violations ko, wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang sitwasyon ng mag-ina ko.

Pagdating ng hospital ay agad akong sinalubong ni Tala sa entrance saka niya ako dinala sa kinaroroonan ni Lyka.

Nang makarating kami sa labas ng Emergency Room ay nandoon na ang pamilya ni Lyka at lahat ay nag-aalala sa kalagayan nito. Hindi pa ako nakakalapit ay mabilis akong nilapitan ni Jaxon at agad na inundayan ng suntok, inawat naman siya ng kapatid nito na si Jexter.

"This is all your fault! You know that you're wife is pregnant pero mas pinili mong iwan siya. Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, mapapatay kita!" Sigaw nito sa akin.

He is right, this is all my fault. Kung mas pinili ko siyang pakinggan at intindihin hindi ito mangyayari, nagkamali ako sa part na wala akong ibang inisip kundi ang sarili kong nararamdaman.

Gulong-gulo ako nong mga oras na iyon at wala akong ibang gusto kundi mayakap ang asawa ko.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay biglang lumabas ang Doctor at agad na lumapit sa akin.

"Are you the husband?"  Tanong nito .

"Yes, maayos lang ba ang lagay ng mag-ina ko?"

Tanging iling lang ang naging sagot nito sa akin.

"Your wife and you're baby is in danger now, kailangan natin siyang operahan sa lalong madaling panahon, but sad to say, Mr. Buenaventura. You have to choose, isa sa kanila ng pwedeng mabuhay at isa kanila ang pwedeng mamata-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin ng mabilis ko siyang kinwelyohan, inawat naman ako ni Jexter pero nagawa kong magmatigas.

"Doctor ka diba,  you're responsibility is to save your patient kaya gawin mong lahat para mabuhay ang mag-ina ko, I will pay you Thousand? Million? Name it! . I just can't afford to lose them both," matigas kong saad.

Tinanggal ko ang paghawak sa kwelyo nito saka naman siya tumango sa akin, hindi ko hahayaang pareho silang mawawala sa buhay ko at kapag pinili ko si Lyka paniguradong kakamuhian niya ako kong mawawala sa kaniya ang anak namin..

"We will do our best, Mr. buenaventura."

Pumasok na ito sa loob ng ER para simulan ang operasyon, nagsimula ng umiyak ang Mommy ni Lyka na agad ring pinapakalma ni Lillianne.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now