CHAPTER 40

1.2K 21 0
                                    

Muli kaming nagkita ni Lyka pagkatapos ng tatlong taon pero sa maling paraan, may nangyari sa amin nong gabing 'yon dala ng kalasingan at buong akala ko no'n ay siya si Chelsea pero laking gulat kong siyapala iyon.

"Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa akin? Babaeng ibibigay lahat kahit katawan para lang sa pagmamahal, siguro nong una oo. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon at hindi na ako 'yong estudyante mo noon, Arthur. Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo at hindi lang ikaw 'yong lalaking pwede kong mahalin. "

Sampal na din sa akin ang mga katagang iyon, after 3 years wala akong ibang ginawa kundi ang saktan siya pati ba naman ngayon.

Mayroon akong girlfriend nong time na 'yon at hindi ko matanggap ang nangyari sa amin, inisip kong hindi niya ako nakuha noon kaya dinala niya ako dito sa hotel para makuha ang gusto niya, that's the way she is right! Fuck!

"Mr. Buenaventura, pasensiya na po kong sa hotel kayo dinala ni Lyka. Hindi niya po kasi alam ang bahay niyo at nakisuyo lang ako sa kaniya,"

After what happened Ricaa called me, naguilty ako sa lahat ng masasakit na salitang binitawan ko kay Lyka.

She's right maraming pwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon pero pilit ko pa ring sinusumbat sa kaniya ang nakaraan, I admit na nagkamali ako pero sapat na siguro 'yon para lumayo muli siya sa akin.

Ayaw ko ng  bumalik ano man ang nararamdaman ko noon sa kaniya lalo na't Chelsea is my girlfriend now and were planning our marriage as soon as possible.

During her sister's wedding ceremony ay hindi ko maiwasang luminga-linga sa paligid para hanapin siya, gusto kong mag-sorry sa kaniya dahil nagkamali ako pero nong nabigyan na ako ng pagkakataon para magpasalamat at humingi ng tawad ay saka naman umurong ang dila ko.

"That woman is pregnant and you have to take the responsibility, Mr. Buenaventura."

Days passed pumunta sila sa bahay at gumawa pa ng gulo ang Qte nyang Lillianne, and Lyka was pregnant. Nasa Singapore si Chelsea nong mga panahon na 'yon at hindi ko alam kong paano ko iyon sasabihin sa kaniya, para akong binagsakan ng langit at lupa no'n, at gulong-gulo ang isipan ko sa kong ano ang pwede kong gawin.

"I got her pregnant."

Pagkauwi na pagkauwi ni Chelsea galing Singapore ay sinabi ko na agad rito ang totoo, she was shocked at iniisip nitong nakikipagbiruan lang ako sa kaniya, sinabi ko din na aksidente lang iyon at ang buong akala ko ay maiintindihan niya ako pero hindi.

Lyka and I got a temporary wedding, kailangan kong ingatan ang propesiyon kong pinaghirapan sa matagal na panahon.

Binahay ko siya at pinanatili kong sekreto kong ano man ang mayroon kami, hindi naging madali sa akin na pakisamahan siya lalo na't hindi siya ang babaeng mahal ko.

Simula nong umalis kasi ito papuntang Qatar ay binuhos ko na lahat ng oras at atensiyon ko kay Chelsea until I fall for her, siya ang babaeng pinili kong makasama habang buhay at hindi si Lyka.

Habang tumatagal na nagsasama kami ni Lyka sa isang bahay ay unti-unti akong napapalapit sa kaniya, her smile is very familiar to me saka ko lang napagtantong ang mga ngiting 'yon ay minsan ko ng nakita sa panaginip ko.

Sa bawat check-up nito sa OB niya ay hindi niya ako sinasama, umaalis siya ng bahay ng hindi nagpapaalam sa akin at minsan naman ay tumatakas ito.

Hindi ko maiwasang magtaka kong bakit gano'n ang ginagawa niya hanggang sa naisipan kong bisitahin ang OB nito.

"Your wife has a heart disease, ilang beses ko na siyang pinayuhan na huwag ng ituloy ang pagbubuntis dahil pwede niya iyong ikamatay pero nagmatigas ang asawa mo. She is a brave woman, Mr. Buenaventura mas pinipili niya pang isakrispisyo ang buhay niya para lang sa anak ninyo and we no choice to respect her decision."

Para akong nabato sa kinauupuan ko matapos kong malaman ang totoo, nong una ayaw kong maniwala dahil kong titingnan malakas si Lyka at impossible ang sinasabi ng OB nito, wala rin kasi akong makitang dahilan para mapatunayan kong totoo man ang sinasabi nito.

Kong totoo talagang may sakit ito ay hinihintay kong siya ang magsabi sa akin no'n pero hindi niya ginawa ang bagay na 'yon.

"Arthur,kung magkakaroon man ng problema sa panganganak ko. Ipangako mo sa akin na pipiliin mo ang anak natin," 

Pagkatapos ng usapang iyon ay hindi na ako naging kampante, may tinatago sa akin si Lyka at possibleng totoo nga ang sinasabi ng OB nito.

Nagsimula na akong humanap ng proweba lalo na't mukhang walang balak si Lyka na sabihin sa akin ang totoo. 

I found a tablet of digoxin on her drawer at hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko, She has a heart disease but she choose to hide it from me.

"Bakit kapag ba sinabi ko sayo mawawala 'yong sakit ko? Baka nga mas pipiliin mo pang ipalaglag ang baby gaya ng kagustuhan nilang lahat."

Damn it! Siguro ito na 'yong karma sa lahat ng sakit na ibinigay ko sa kaniya, sobrang sakit at hindi ko matanggap ang mga nangyayari.

Hindi pwedeng mawala ang anak ko pero mas hindi ko kakayanin kong mawawala sa akin siya.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now